Kabanata 18
Hindi pwede
Maingat inihiga ng mga sundalo si Ruslan sa higaan ko. Titig na titig sa akin si Ruslan habang inaayos ko ang katawan niya sa higaan. Tumingin naman ako sa dalawang sundalo na ngayon ay nakatingin sa amin. They thought, he is my husband.
Ngumiti ako sa kanilang dalawa at tumayo. Bumuntonghininga ako.
"Ah Salamat nga pala. Ngayon nasa maayos na higaan na ang asawa ko." Pasalamat ko.
Lumunok sila at dahan-dahan tumango. Hindi talaga nila matanggap na may asawa na ako. Now, I get it. They like me!
"Sige miss." Sabi ng isa.
Hindi na ako nagsalita ng umalis sila. Bumaling naman ako kay Ruslan na ngayon ay nakangisi na sa akin. Narinig ata ang sinabi ko.
"Bakit?" Nakataas kilay kong sabi.
He smirk playfully.
"Asawa na pala kita ah!" He said playfully.
Umirap ako at inayos siya sa higaan. Nilagyan ko ng kumot ang katawan niya at tumingin sa kanya ng malalim. Nagkatitigan kami.
"I had to say it because they hitting me." Sagot ko.
Ngayon dumilim na ang mukha niya.
"Damn those asshole!" He said madly.
Ngumiti ako at hinalakan siya sa noo.
"Easy baby. Stay here, I'm gonna check some other patient." I said playfully.
Tumango siya at ngumiti. Iniwan ko siya at sinarado ko ang pinto. Minabuti ko pang nakasarado ang pinto para hindi makapasok ang ibang tao. Huminga ako ng malalim at naglakad na papunta sa mga tent. Ngunit hindi natuloy ang pagpunta ko ng marinig ko ang usapan ng ibang sundalo. Huminto ako at nakinig.
"Balita ko, nag a-alburuto ang bulkang Pinatubo ngayon. Kahapon pa nagsimula ang paglabas ng abo nito kaya nabahala na ang mga taga PhiVolcs." Sabi ng sundalo.
Nanlaki ang mata ko. Ano na naman ito? Bulkang Pinatubo? Nag-a-alburuto? Oh Jesus! Bakit sunod-sunod naman ang atake mo sa amin? Pakiusap, wag mo kaming pabayaan.
Nanginginig ang tuhod kong naglakad papunta sa lilim ng puno. Huminga ako ng malalim at inisip ang narinig kanina. Hindi ko matawagan ang pamilya ko dahil hindi pa naibabalik ang signal ngayon. Wala paring supply ng kuryente. Hindi pa nakakaahon ang Pilipinas tapos may susunod na naman.
Bumuntonghininga ako. Kahit malayo naman ang Bulkang Pinatubo sa amin, naaawa naman ako sa mga taong nandoon at maaapektuhan ng kalamidad. Sana naman mahinto ito, sana naman hindi na gumawa ng kasaysayan sa Pilipinas.
Naglakad muli ako papunta sa tent ngunit biglang sumulpot sa harapan ko si Dr. Severo. Nagulat pa ako sa kanya.
"Dra. Costiño we have to talk." He said immediately.
Kumunot ang noo ko.
"Para saan doc?"
He heaved a deep sighed.
"Para sa ikalawang alon ng sakit."
I was so shocked. What? Again? Oh God! Hindi na ako sumagot at sumunod nalang sa kanya. Pumunta kami sa malayong parte ng evacuation. Huminga ako ng malalim.
"Dra. Costiño nangyayari na ang sinasabi ko sayo. Nandito na ang second wave." Unang bungad niya.
Natigilan ako. Oh Jesus! Nangyayari ba talaga ito? Ang hirap-hirap ng pagsubok mo sa amin.
BINABASA MO ANG
Costiño Series 5: The Painful Battle (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceStatus: Completed Start Posted: March 24, 2020 End: May 5, 2020 Delrose Visitacion Costiño has a big heart to help the people. She's like her mother, a doctor of everyone. To find a cure in a certain ill. Until one day, the global pandemic came and...