Kabanata 12

2.4K 80 5
                                    

Kabanata 12

Nothing



Masakit ang katawan ko ng dumating ang umaga. Pagkatapos akong ihatid kagabi ni Ruslan, masasabi kong para akong nahiwa sa gitna. Sobrang hapdi at masakit. Pinigilan ko lang umiyak sa harap ng magulang ko habang kumakain kami ng agahan.

Walang imik si Alli maging si papa. Si mama naman ay nagmamasid lang sa kanilang dalawa. Hindi talaga magkasundo si papa at Alli, ang unang dahilan kasi ay inaagawan ni Alli si papa kay mama. Mama's boy kasi ang kapatid ko at pati sa pagtulog ay gustong tumabi kay mama. On the other hand, my father is always get jealous because of the sweetness that my mother and Alli have.

Pangalawa, parating kontra si Alli sa mga ginagawa ni papa. He always disagree to my father decision that's why they always get fight. Wala naman nagagawa si mama dahil parehong matigas ang dalawa. At ngayon nga, hindi sila nagpapansinan dahil sa sagutan nila kagabi.

Tumikhim si Alli para makuha ang atensyon ni papa. Nakatingin siya kay papa ng mahinahon. May kailangan ata!

"Ranniel kailangan ko ng pera." Walang modong sabi ng kapatid ko.

Lumunok ako at kinalma ang sarili ko. Naglalambing siya kay papa. May kailangan talaga yata. Madilim na mata ang sumalubong sa kapatid ko.

"Wala akong pera!" Inis na sagot ni papa.

Palihim na ngumisi si mama na nakita ko naman. Ganito sila maglambingan kaya natatawa nalang kami ni mama.

"Anong walang pera? Ang yaman-yaman mo tapos wala kang pera! Aba'y bigyan mo ako Delbrose Ranniel!" Giit ng kapatid ko.

Masamang tumingin sa kanya si papa. Hindi ko magawang tapusin ang pagkain dahil natatawa ako sa kanilang dalawa. Kahit mahapdi ang nararamdaman ko sa ibaba, pinipilit kong tumawa para hindi mahalata ni papa.

"Alam mo Ranilo Allicer kung manghihingi ka sa akin ng pera, maging mabait ka. Ikaw pa may ganang magalit, ikaw na nga nanghihingi e!" Giit din ni papa.

Huminga ng malalim si Alli at inayos ang sarili. Inabot ko ang gatas at uminom.

"Pa, kailangan ko talaga ng pera. May gagawin kaming project at kailangang gumastos." Mahinahon na sabi ni Alli.

"Ilan ba kailangan mo? Wala ka nang pera sa atm mo? Nilagyan ko palang iyon noong lunes ha! Ang bilis naman maubos!" Sermon ni papa.

"Pa marami kaming ginagawa sa school. Kung gusto mo, magpalagay ka ng cctv sa bawat kilos ko." Sarkastikong sagot ni Alli.

Halos malaglag ang mata ni papa sa sinagot ni Alli. Nanlalaki ang mata niyang tumingin kay mama.

"Tignan mo nga ma yang anak mo, siya na nga nanghihingi siya pa ang sarkastiko. Anak ko ba talaga yan!?" Pagmamaktol ni papa kay mama.

Tumingin si mama sa kanya at ngumisi.

"Anak mo yan! Pareho kayong siraulo e. Wag ka nang magtaka dahil ganyan din ugali mo." Sagot ni mama.

Umiling nalang ako dahil mas lalong nag-away ang dalawa. Simpleng paika-ika akong naglakad papasok ng gate ng paaralan namin. Nakaalis na si papa kaya nakahinga ako ng maluwag. Masakit parin talaga ang pagkababae ko, pakiramdam ko may sugat sa gilid at kapag umiihi ako mas lalong humahapdi. Lumunok ako at pinipigilan ang sariling umiyak sa paglalakad.

Mabuti nalang at nakita ko si Ruslan malapit sa gate. Busangot ang mukha niya at parang may mabigat na pinapasan. Kumunot ang noo ko, may problema ba siya?

"Ruslan." Tawag ko sa kanya.

Umangat ang tingin niya sa akin ngunit hindi nawala ang pagkabusangot ng mukha niya. Kumunot-noo parin ako habang pinagmamasdan siya. I even waved my hand.

Costiño Series 5: The Painful Battle (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon