CHAPTER 1
"I am the President of United States. I am telling you that the beginning of this 'Daravilla' virus is like the ending of it's existence."
"Magandang umaga pilipinas. This is an update for 'Darabilla' virus. The Lockdown of our country will start 3 days from now, sabi ng ating pamahalaan. Madami na ang naitalang cases sa ibang malalaking bansa tulad ng China, America, Europe, Japan, South Korea at Russia..... Pero isa parin ang Pilipinas sa mga zero cases sa sakit na ito. Kaya pwede na kayong huminga ng maluwag, kababayan. Magandang umaga ulit!"
"The death toll of the virus reach 20,000 world wide as of February."
"Wag po tayong magpapaniwala sa mga Fake News na nakikita natin sa social media at internet. Ito po ay napangangalagaan ng maayos, bilang doctor at hinding hindi ako papayag na pumasok ito at walang aksyon."
"The two Doctors that has been missing these past few days. Doctor George Lewis and Doctor Elvis Grand. Are now reported as 'kidnapped."
"To our Lord, and our savior. Please guide us in everything. Ilayo niyo po kami sa kapahamakan. Ilayo niyo po kami sa 'Darabilla' na kumakalat ngayon... Nawa'y gabayan niyo po kami araw-araw. Sabi nga sa Exodus 23:25....
"Worship the LORD you God, and his blessing will be on your food and water. I will take away sickness from among you...God help us all. "
Ito ang mga bumungad sa telebisyon ng Tour Bus A1 of Veinsland University. Patungo sa kanilang Tour sa Boracay to train their performance and gain expirience sa mga sikat na Chef of Five star hotels.
"So, Nursing and HR. What are your expectations to this tour?"
Pansimulang tanong ni Professor Kevin, but no one wants to answer the question. Halos tulog kase ang mga estudyante at ang iba ay mga nakatunganga sa cellphone na para bang walang pakielam sa paligid.
"Does anyone wants to answer?"
Tanong niyang muli. Pero di niya akalain na magugulat siya sa tumugon na hiyaw sa kanya.
"ARRRrggghhhhhhh! PUCHA!!!!"
Isang sigaw ang nagpagising sa lahat. Na kahit mismo si Kevin na gising ang diwa, ay para bang nagising sa katotohanan.
Sigaw ito ni Steven na nagpagulat sa lahat ng estudyante habang nasa dulo ng kanilang bus. Napatingin at nagising ang lahat nang marinig ang sigaw na galing sa likod.
"Who the heck is that?!"
"Ano ba yan Steven!!! Natutulog kami dito!"
Isa sa mga sigaw ni Selena na nasa bandang dulo rin habang nakasalpak pa ang earphone.
"Tumahimik ka Steven, papansin ka!"
Sigaw naman ni William na nasa harapan malapit sa mga professor dahil nagpapalamig ng inumin sa mini fridge ng bus."Sorry sir hindi kopo sadya! Ayaw po kase gumana ng internet ko eh! At saka ang tagal ihatid ng alalay ko yung tubig namin!"
Napuno ng hiyawan at tawanan ang loob ng bus sa sagutan nina Steven at Willam, pero hindi maiiwasan ang pagkainis ng ilang estudyante rito. Naiirita sila kapag etong grupo na ang nag-iingay.
"Ano bang problema!?"
Napahinto ang lahat sa boses na iyon. Isang boses na kahit ang driver ng bus ay kakabahan.
Halos lahat ay natatakot sa kanya.
Sino nga namang hindi masisindak sa laki ng katawan at boses nito. Sa height nitong 6'6 at sa build up na mucles ay mukhang kahit na sino ay ma-iintimidate dito.
Ang halimaw na head coach ng Football team ng University at Professor na si Jimmy Lopez.
BINABASA MO ANG
Headshot (COMPLETED)
Mystery / Thriller"BRING IT ON!" A Zombie Apocalyptic world is coming. Kairo Marciano and his friends are getting on a project trip with his University class to take a contest. Without knowing that an undying virus awaits of their arrival. Tragedy starting to happen...