~|Julianna's POV|~
Mga 7:20 na ng gabi kami nakauwi sa bahay dahil nag asaran pa kami sa parking lot at maging sa kalsada ay napuno ulit kami ng tawanan at kulitan pero mahaba naman kasi talaga ang biyahe at kahit ganun ang saya at ang sarap sa pakiramdam na magkakasabay na naman kaming nag momotor at nagkulitan ng ganun
"Good evening Ma ^_^" Masigla at ngiting ngiti kong bati dito bunga siguro ng magandang pakiramdam at magandang nangyari
"Hmmm ganda ng bati ah! Mukhang may magandang nangyare? Nako ano ba yon? Kwento mo naman" Pang huhuli ni Ma
'The best talaga tong nanay kong to! Sobrang kabisado na nya mga galawan ko HAHAHAHA'
"Ay nako Ma may nakita kaseng pogi HAHAHAHA" Pang aasar ni Jillian kaya tinaasan ko ito ng kilay tsaka ko pairap na inalis ang paningen ko sa kaniya
"Uyy hindi ahh masaya lang talaga ako" Sambit ko kay Ma pero parang ni isa sa kanila ay naniwala sa sinabe ko kaya natatawa ako
"Masaya daw suuuussss Ay oo nga masaya ka nga, makakita ka ba naman ng pogi eh lalo na yung isang Julianna CORTEZ ang nakakita? Malamang kahit siguro sobrang lungkot ng araw nun ay bigla yung sasaya" pang aasar pa ulit ni Jillian
"Hoy Grabe ka! Hindi naman ako ganun buset ka! Syempre may times den na malungkot ako pero syempre ino overcome ko para mapalitan nako di nyo kase alam yon! Palibhasa puro kayo negative ang bad vibes sa buhay nyo mga bitter!" Wika ko naman at humagalpak talaga ako ng tawa dahil biglang nag iba ang mukha nila Ate Yella at Yanyan, Maging si Ma ay natawa sa sinabe ko
"Wag ka makinig jan kay Julianna Ma ako ang type non" sumingit si Kiarra at Mariin at pag sambit nya ng bawat salita
"Tumigil na nga kayo sabing di nga kayo type non HAHAHA sabi ni Jillian" Pagsingit naman sa usapan ni Ate Ariella
"HAHAHAHAHAHAHA" Tawanan kaming apat pati si Ma
"Iniisip nya nga sigurong sya type nun" Pang aasar ni Kiarra kay Ate Yella
"Woi parang tanga!" Sabi ni Ate Yella
"WHAHAHAHAHAHA" At mas lumakas ang tawanan namin
"Bilisan nyo magbihis na kayo at kakain na Tayo" Biglang sabi ni Ma habang natatawa paren
BINABASA MO ANG
THE FOUR D AND THE HUNKS (SEASON ONE)
Romans[COMPLETED] "Lintik Lang Ang walang Gante" Hindi sila magkakapatid ngunit ganun na Ang turingan nila dahil simula pagkabata ay nagkakasama na sila. Maaga silang nawalan ng magulang at hindi nila Alam Ang dahilan Kaya hanggang sa tumanda sila ay naka...