Chapter 62

43 24 0
                                    

*WARNING* IT MAY CONTAIN MATURE SCENE AND SOME BAD WORDS THAT MAY DISSAPOINT YOU AND NOT SUITABLE FOR BELOW 13 YEARS OLD. PATNUBAY AT GABAY NG MAGULANG PARA SA MGA BATANG NAGBABASA  Charot --, >.< =)

~|Justin's POV|~

"Anong sinasabi mo Juno? Eh bawal silang pumatay pag walang permiso mula kila Tiyang o kaya sa lolo at lola nila diba?" Tanong ko dahil medyo naguguluhan ako sa nangyayare

"Oo paniguradong patay yung mga kalaban nila at siguradong si Kim. I mean si Yella ang pumatay. Nasa labas nga pala tayo" wika naman ni Juno kaya napakamot ako sa ulo ko

"Hindi ka ba kinakabahan para sa buhay niya. Juno?" Tanong ni Jimin

"Bakit naman ako kakabahan para sa kaniya?" Mayabang na tanong ni Juno

"Siraulo ka bro! Pag narinig ka niya paniguradong wala ka nang comeback!" Wika ko naman

"Edi mas maganda para bawas kalaban" sambit ni Joon sabay tingin kay Juno

"Teka teka! Hindi ba talaga kayo kinakabahan para sa buhay ni Ki.. I mean Ariella?" Awat ko at singit na tanong dahil baka magkainitan yung dalawa

"Hindi!" Sabay nilang sambit kaya tumahimik nalang ako

'Tss bakit nama kaya?!'

'Wala silang kuwenta!'

"Pwede na kayong pumasok!" Sambit ni Tiyang kaya nagsipasukan kami

"Tiyang May tano...." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko na dapat ay may itatanong ako dahil biglang sumingit si Hyun

"Tiyang. May suggestion po ako"

'Tss ako yung kinakabahan para kay Ariella'

"Ano naman iyon? Hyun?" Tanong ni Tiyang kaya napatingin kaming lahat kay Hyun at dinig na dinig namin ang mga nakakabinging makina na nakakabit sa katawan nung apat. At mas nakakabingi ito pag walang nag sasalita

"Ano po kasi Tiyang.." pambibitin niya

"Ano ba yon?" Tanong ulit ni Tiyang

"Ahm kasi po tiyang naisip ko lang po kung what if mag lagay po tayo ng underground ospital sa bahay tulad po ng sinasabi sakin lagi ni Ate Ariella" Sambit ni Hyun habang napapahawak pa sa batok

"Napaisip din ako dahil lagi din nilang sinasabi sakin yun at isa pa ay doctor naman kami at nagdodoctor naman kayo kaya pwedeng pwede pero ang underground Hospital na yon ay gagamitin lang natin pag isa sa mga nakatira sa bahay o kung sino man ang nakatira sa bahay ang napahamak para hindi na tayo pupunta ng ganitong Ospital" mahabang paliwanag ni Tiyang

"Oo nga Ma bumili tayo ng mga gamit na kailangan natin tulad ng Defibrillator, minor Surgical set, Portable X-ray device and accesories tapos iba pa tulad ng Stethoscope, Strecher, Magnifier, Gauze, Rubber Gloves, Scalpel, tweezers, Mircoscope, Otoscope, Syringe, Saline Bag, Medical Chair, Wheel chair at Iba pa!" Sambit ni Zach at humanga kami ng Sobra dahil sa ganun niya kabisado ang mga gamit sa Ospital

'Napakagaling talaga niya!'

'Sana all may ganung utak!'

'Magkakapatid nga kaya sila?'

'Pare parehas kasi silang Matatalino eh hays'

"Oh diba! Naisip ko po kasi yung pangarap nila Ate na pwede naman po pala nating matupad para sa kanila" Sambit ni Hyun at Tuwang tuwa ito

'Talaga tutulong ka?'

"Sige na Umuwi na muna kayo Hyun at kuhanan mo ng damit tong mga Ate mo. At kayo humanap na kayo ng puwesto para makatulog na kayo!" Sambit pa ni Tiyang kaya Humanap kami ng puwesto at nagsipaghigaan

THE FOUR D AND THE HUNKS (SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon