Chapter 89

31 18 0
                                    

*WARNING* IT MAY CONTAIN MATURE SCENE AND SOME BAD WORDS THAT MAY DISSAPOINT YOU AND NOT SUITABLE FOR BELOW 13 YEARS OLD. PATNUBAY AT GABAY NG MAGULANG PARA SA MGA BATANG NAGBABASA  Charot --, >.< =)

~|Bon's POV|~

Tinamad akong bigla na makinig at kung ano pa man dahil sa hindi naman pumasok yung Apat. Tuwing maiisip ko ang mga sinabi ni Fevier ay tumataas at tumitindi ang galit ko sa apat na magkakapatid na yon lalo na tuwing maalala ko na nasa kanila ang mga kapatid ko

~TRIIIIINGGGGGGGGGGGG~

Nag bell na para sa vacant pero wala talaga ako sa mood na para bumaba at kumain.
Inilagay ko na lang ang airpods ko sa tenga ko tapos ay itinaas ko ang mga paa ko sa lamesa habang ang mga kamay ko ay nasa ulo ko kaya pumikit na ako

'Nababagot na talaga ako!'

'Hayst!'

Ramdam kong may taong lumapit sa akin pero hindi ako dumidilat dahil alam ko naman sa sarili kong wala yung apat maging ang kasama nilang lalake na naging kaibigan ko na din kahit isang araw pa lamang ako sa paaralang ito. May kumalabit sakin kaya napadilat ako at nakita kong yung Joy ang nasa harapan ko kaya tinanggal ko ang isa kong airpods

"Hindi ka kakain?" Tanong nito

"Ah hindi eh.. wala kasi ako sa mood kaya hindi nalang"

"Hala... baket naman pogi? Dapat kumain ka dahil hanggang gabi pa tayo sa school na to" Biglang lapit ng bakla niyang kaibigan na si Roxanne

"Hehe but I'm not hungry.. sige na kumain lang kayo and don't mind me.. i am fine" Sambit ko at ngumiti ako sa kanila

"Sige kung hindi ka bababa para kumain eh kainin mo nalang to" Sabi naman nung Faith at iniabot niya sakin ang isang nakabalot na tinapay at wala naman akong ibang choice kundi ang tanggapin nalang iyon

"Salamat Faith" Sambit ko at ngumiti naman ito ng pagkakalaki laki

'Kinilig yata'

"Walang Anuman Bon hehe basta ikaw" Sabi niya naman

'Kinikilig nga...'

"Luh! Uy dai baka maihi ka pa niyang sa salawal mo. Baklang toh!" Pang aasar ni Roxanne kay Faith at natawa ako nang humarap si Faith sa kaniya at tinakpan ang bibig nya

"Pasmado din yang bunganga mo eh noh?!" Pabulong na sambit ni Faith pero dinig ko naman ito.

Humarap muli sakin si Faith at nagpipigil ako ng tawa dahil ang bilis niyang magbago ng emosyon at ngayon ay nakangiti na siyang muli kaya mas lalo talaga akong natatawa

*Clearing Throat*

"Kainin mo yan ah!" Sabi nya pa habang nakangiti at mukhang nagpipigil ng kilig

"Oo kakainin ko to.. Salamat ulit" Nginitian ko ulit ito at natawa na talaga ako nang bahagya dahil namula ito

'Pa fall na ba ako ng lagay na to?'

'Hayst sana sa Apat din eh ganto kalakas ang epekto ko'

"Sige bye" paalam nila at umalis na nga ang mga ito

"Uy. Di ka kakain?" Biglang lapit nung isang estudyante na mukhang may lahing hapon

"Huy Hiroshi! Tara na" Tawag ka kaniya ng mga barkada nya

"Ah hindi na ako bababa pero kakainin ko nalang tong bigay sakin" Sabi ko at tinapik niya ako sa balikat

"Sige Una na ako" Paalam niya at umalis na rin ito

THE FOUR D AND THE HUNKS (SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon