Chapter 35

56 32 1
                                    

~|Tyrone's POV|~

Nang marinig kong tumawag si Zach kay Dylan ay natuwa ako ng sobra kaya Agad akong kumilos para maligo at magbihis dahil narinig ko kay Hyun na pinapapunta sila ni Zach sa mall kaya pagkaligo ay nag bihis ako ng T-Shirt na White na V neck tas nag short din ako na kulay Gray at rubber akong Gray tas nagpabango at lumabas ng kuwarto saktong pag labas ko ay pupuntahan dapat ako ni Hyun

"Oh Nakaramdam kang Aalis no? HAHAHA ang galing nakaligo at nakabihis ka agad" sabi ni hyun

"Ah oo HAHAHA bibili din kasi ako ng mga damit ko pa" palusot ko pero sa totoo lang ay may balak rin akong bumili ng mga damit ko kaya gusto ko ring pumunta ng mall

"Lika na aalis na" sambit ni hyun nung may bumusina kaya lumabas na kami at sumakay sa itim na van

HABANG nasa biyahe ay nag iisip isip parin ako tungkol sa bibilhin kong damit

'Ano kaya kung magpatulong ako kela Jillian'

'Ay hindi baka pagtripan ako nung mga yun'

'Eh kung kay Ariella seryosong tao naman yun'

'Wag na baka sungitan lang ako nakakatakot na kasi pero kung sila julianna at lalong si jillian ay Sanay na ako'

'Shetttttt kanino ako magpapatulong punyemas what the heck'

'Eh kung kay Zach or Dylan'

'Ayun pwede na kaya yun aishhh bahala na'

SINASAGOT ng sarili kong utak ang sarili ko ring tanong dahil hindi ko talaga alam kung paano akong magpapatulong sa kanila sa pamimili ng damit. Nang makarating kami sa mall ay nag park lang kami saglit at tinawagan na ni Dylan si Zach. Nang matapos ang usapan nila ni Zach ay pumasok na kami sa loob at dumeretso kami sa isang Chocolate/Candy store

'Huh bat dito? Tsh nag isip bata na naman yung apat'

Nang makapasok kami ay nakita ko kung panong maging si Hyun ay Tuwang tuwa habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng store. Maya maya lang ay nakita na namin si Zach na may Hawak na malaking Cart at halos mapupuno na ito ng iba't ibang klase ng Chocolates at candies at nang makita ko si Jillian,Julianna,Kiarra ay may hawak pa itong basket na halos mapupuno na din ng mga chocolates at Candies samantalang si ariella naman ay halos kalahati palang ang Basket

"Grabe dami nyan ah" sambit ko

"Syempre minsan lang kami ilibre ni kuya kaya lubus-lubusin na natin" tuwang tuwa na sabi ni Jillian

'Ang cute mo'

"Kaya nga At isa pa hindi naman lahat to ay kakainin agad namin dahil sa totoo lang ang iba dito ay itatago namin sa Ref namin sa may kuwarto" sabi ni Julianna

"Yeah ganun nga yung gagawin ko" sabi naman ni ariella

"HAHAHA pare parehas lang kami ng gagawin" singit ni kiarra

"Huyy tapos na ba kayo? Tara na bayaran na natin yan at mamimili pa tayo ng mga damit nakaka isang oras mahigit na kayo dito oh bilihan palang ito ng chocolates at candies pano pa sa iba?" Sabi ni Zach sa kanila

"I'm done" sambit ni Ariella

"Tara na bayaran na natin yan" sambit ni Dylan

"Talaga babayaran mo to?" Tanong ko habang nakaturo sa basket ni Ariella

"Oo yung nasa basket ni ariella lang HAHAHA" sabi ni Dylan

"Tara na" sabi ni Dylan at hinatak nya na si Ariella

THE FOUR D AND THE HUNKS (SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon