Chapter 106

25 9 0
                                    

~|Ariella's POV|~

Nagulat silang lahat sa sinabe ko at mukhang maging sila Yanyan, Yarra at Yanna ay hindi inaasahan ang sinabe ko

"Kung ayaw nyo edi ako nalang mag isa" Wika ko kila Yanna. Sobrang sama mg pakiramdam ko ngayon dahil mukhang nabinat ako at mukhang mataas ang lagnat ko ngayon pero hindi ko nalang pinapansin dahil mas tumatak saken ang galit ko kay Fevier

"Ah wala namang kameng sinabe Ate na hindi kame sasama, nagulat lang naman kame sa biglaan mong desisyon" Wika ni Yanna, pinakikinggan ko sya pero nanghihina ako kaya tinalikuran ko nalang sya at umakmang aalis kaso may narinig pa ako.

"Mag iingat kayo" wika ni Ma

"Oo nga Ate, lalo na kayo ni Ate Yanyan, may sugat pa kayo, sana di na madagdagan" wika naman ni Hyun

"Di maiiwasan yan Hyun, pero susubukan" sambit ni Yanna

"Sige ate Ha! Subukan nyo at hindi lang subukan, kailangan nyong gawin yon" sambit pa nito. Naglakad na ako ng deretso paakyat at dumeretso na ako sa kuwarto ko para maligo at magbihis. Naligo ako at kahit hindi namen P.E ngayon ay naka P.E uniform ako at wala akong pakelam sa sasabihin nila maging ng mga lecturer dahil masama talaga ang pakiramdam ko at iniisip ko din na mahirap makipaglaban ng nakapalda

"Tara na?" Tanong ko nang makalabas ako ng kuwarto ko. Napatingen ako sa kanila dahil mukhang ako lang ang may planong mag P.E uniform dahil pare pareho silang naka Palda't blouse

"Ate? Ba't nakaganyan ka? Baka sawayin ka" sabi ni Yanna

"Hayaan mo na, wala akong pake sa kanila" Sabi ko naman "May baon kayong damet?" Tanong ko pa

"Oo naman" wika nila

"Okay tara na" wika ko at nauna akong lumabas, dumeretso ako sa motor ko at nagsuot ako ng Helmet tsaka nag start ng motor "Kita nalang tayo dun" wika ko at nauna na akong umales, pinaharurot ko yung motor ko na para bang ako ang may ari ng kalsada. Ilang saglit lang ay nakarating kame sa School, nag park ako basta basta tapos ay dinala ko yung helmet ko sa locker ko, saktong pagharap ko ay may sumampal saken

"Problema mo?" Walang emosyong tanong ko

"Problema ko?! Ikaw?! Anong problema mo?! Inusukan mo ko sa mukha at wala ka pang sorry sorry tapos nilagpasan mo lang ako?!" Galit na galit niyang sambit

"Di ko sadya yon" Walang emosyon ko paring sambit at aalis na sana ako ngunit tinulak nya ako kaya nauntog ako sa locker ko, napaupo ako sa lapag habang napapahawak sa ulo sa sakit na idinulot saken ng ginawa nya

"WOI! KINGINA KA!" Dinig kong sigaw ni Yanyan at mukhang papalapet na ito

"Ate Ayos ka lang?" Tanong ni Yarra at tumango naman ako. Napasilip ako at nakita kong dumarami na ang tao sa palibot namen dahil sa eksenang to

"Baket mo sya tinulak?!" Galit na sigaw naman ni Yarra sa babaeng tumulak saken

"Oh baket?! Sya naman may kasalanan eh! Inusukan nya ako sa mukha at hindi man lang sya nag sorry!" Sigaw naman nung Babae

"Usok lang yon Kingina!" Sigaw ni Yanyan "May saket yung tao oh! Di mo ba nakita?! Namumutla na nga tas ginanun mo pa?!" Galit na galit paring sabi ni Yanyan. Humahapdi ang likuran ko baka dahil sa tumama ren ang sugat ko.

THE FOUR D AND THE HUNKS (SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon