Chapter 100

25 10 0
                                    

~|Bon's POV|~

Napatingen kaming lahat sa may pintuan nang dahil sa may nag doorbell

"Ah buksan ko lang" wika ko at ngumite ako sa kanila

"Sama na ako" Sabi ni Julianna at wala naman akong nagawa dahil mukhang buong buo ang desisyon nya 'Hindi naman malayo ang pintuan hehe'

Nang ibukas ko ang pinto ay may bumungad saken na limang lalake kaya nagtaka ako 'Sino Sila? Pano kaya nila nalaman ang address ng bahay na to?' nakita ko ang pinsan nila na kasama nila kanina kaya nabawasan ang pagtatak ko 'Ah baka kamag anak den'

"Oh ikaw pala" sabi ko sa pinsan nila. 'Ano naman ang ginagawa ni Julianna? Baket sya nakatago sa likuran ko?'

"Oo ako nga" Sabi nya pero nakaagaw ng pansin ko ang isang lalakeng Matangkad, Maputi, Singkitan ang Mata at mukhang galit ito. Nagbalik ako ng tingin dun sa Pinsan at nagtanong

"Naparito ka? Anong kailangan mo? Ba't naman kase hindi ka nalang sumama kanina" tuloy tuloy na tanong ko sa pinsan at napatingin ulit ako sa lalakeng mukhang galit

"Julianna! I know that you're hiding in his back" Wika ng lalaking mukhang galit at sa galit ding paraan "I can feel and smell your scent Julianna so lumabas ka sa likuran nya" Sabi pa nito 'May lahing aso pa nga yata'

"Hi Kuya" Dahan dahang silip ni Julianna mula sa likuran 'What?! Kuya? Kuya nila tong lalakeng to?' Nagtaka na ako ng sobra sobra pa dahil hindi na nga sila magkakamukha tapos ay dumagdag pa itong lalakeng to pero gusto kong maklaro kung kapatid nga nila ito. Hinatak nung lalake si Julianna kaya hinatak ko din si Julianna pero sa paraang hindi sya masasaktan

"Bitawan mo sya. Wag kang makialam dito" Sabi nung lalake kaya tumingen lang ako dito ng deretso pero kita ko rin naman sa gilid ng mata ko na nagpapalipat lipat ang tingin ni Julianna saming dalawa nung lalake "Ano? Sabi ko bitawan mo sya! Wala ka bang naririnig?" Inis nang sambit nito

"Narinig ko pre pero be gentle please! Tao tong hawak naten hindi laruan!" Mariin kong sambit dahil napatingin ako sa pagkakahawak nung lalake kay Julianna at namumula na ang braso ni Julianna "Pre. Pwede mo namang hindi diinan eh!" Sambit ko at talagang nakikipagtitigan ako sa kaniya

"Bumitaw ka! Kung ayaw mong bangasan ko yang mukha mo" Maangas nyang sambit kaya napatiimbagang ako dahil pigil na pigil ang inis ko "I said bitaw!" Sabi nya pa at sya ang nag kalas ng pagka kapit ng kamay ko sa braso ni Julianna.

Tatalikuran na nya sana ako nang hawakan ko ulit ang braso ni Julianna. Mabilis syang napaharap kasabay ang pagbitaw kay Julianna at dinampian niya ng sapak ang pisnge ko. Napatabingi ang ulo ko at muntik pa akong bumagsak sa lakas ng sapak nung lalaki

"KUYA!" Galit na tawag ni Julianna sa lalake. Ramdam ko ang paglapit nila Ariella, Jillian at Kiarra pero hindi ako lumingon. Nakikipagtitigan ako sa lalake habang nakahawak ako sa panga ko sabay punas na rin ng dugo sa gilid ng labi ko

"Anong nangyayare dito?" Inis na tanong ni Ariella. Humarang sya sa gitna namin nung lalakeng tinatawag ni Julianna na Kuya. Tumingin sakin si Ariella habang nakapamulsa ang dalawang kamay at wala man lang akong mabasa'ng reaksyon sa mukha nya "Problema niyong dalawa?" Tanong ni Ariella sabay tingin dun sa lalake

"Wala akong kasalanan jan... binabalaan ko yung lalakeng yan kaso hindi sya nakinig" Walang emosyong sambit nung lalake habang deretsong nakatingin saken at ipinasok niya sa bulsa niya ang isa nyang kamay 'Magmukha lang maangas? Tch'

"Tumigil nga kayong dalawa pwede?!" -Jillian

Pumagitna din samin si Jillian habang magkasalubong ang mga kilay

THE FOUR D AND THE HUNKS (SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon