Chapter 41 Preparing for Julianna's Birthday (1)

49 31 0
                                    

~|Shaun's POV|~

Nakita ko pang hinatak ni Jillian yung laptop ni Tyrone pero napatingin lang ako ng simple at hindi ako nagpahalata sa kanila. Kita ko pang pasimple rin silang tumatawa at natatawa dahil ata sa binabasa nila. Habang nagbabasa sila nag isip isip nalang ako nang mga bagay bagay at biglang pumasok sa utak ko si Tiyang Kaya naisip ko pang kung hindi ko lang talaga tinuturing na pangalawang nanay si Tiyang ay hindi nalang talaga ako pupunta dito kaso si tiyang ang nag alaga sa akin noon lalo na sa panahon na nawalay sakin ang aking mga magulang nang dahil sa isang Car Accident. Malaki ang utang na loob ko kay Tiyang dahil siya ang nagpaaral sa akin at nung Bente uno anyos ako ay nakagraduate na ako sa Kolehiyo sa kursong Information Technology o mas kilala sa tawag na IT kaya magaling akong mang Hack. Binigyan ako ni Tiyang ng isang misyon na kailangan kong magampanan at ito narin naman ang itinuturing kong bilang ganti o bayad sa mga tulong ni Tiyang pero alam kong hindi sapat itong bayad. Si Tiyang din ang nagturo sa akin ng iba't ibang Martial arts at pinatrain niya ako kaya natuto akong makipaglaban lalo na gamit ang mixed Martial Arts. Habang busy parin sila sa kakabasa sa kung anoman na nasa laptop ay kinausap naman ako ni Tiyang

"Ngayong alam na nila ang plano ay mas dapat mo silang bantayan ha" sambit ni Tiyang

"Opo mukhang mas kailangan nga po nila ng bantay ngayon dahil ang alam na po ng marami ay anak po sila ng pinaka founder ng paaralang pinapasukan po naming ngayon" sabi ko

"Ano? Eh dapat palang matigil ang balitang iyon dahil iiwasan nating maging sikat ang apat na ito dahil mahihirapan ako pagdating ng panahon" sambit pa ni tiyang na kinakikitaan ko ng matinding pag aalala sa mga mata at base sa tono ng pananalita

"Buti nga ho tiyang eh natutong lumaban iyang mga iyan eh" sambit ko naman

"Aba'y syempre dahil sinanay ko sila sa murang edad palang at para rin naman iyon sa kanila. Para maipagtanggol at maprotektahan nila ang bawat isa sa panahon na kinakailangan" nakangiti nang sambit nito

Nag isip isip pa ako ng mga bagay bagay dahil hindi ko na malaman ang sasabihin ko ngunit bigla nalang pumasok sa isip ko ang isang bagay na matagal ko nang napapansin pero hindi ko na matiis kaya dapat ko nang itanong ito para maliwanagan naman ang utak ko..

"Tiyang" tawag ko pa dito dahil busy na ito sa panonood

"Yes?" Tanong niya at nilingon niya pa ako

"Ahm kasi po may napapansin lang po ako at matagal ko narin naman po itong gustong itanong pero hindi ko lang po magawa dahil baka ma misunderstand niyo po" sabi ko

"Ano ba iyon iho? Tungkol saan naman kaya ito at nagdadalawang isip ka pang itanong ito?" Tanong ni Tiyang pero hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong kaba sa dibdib ko kaya nagdadalawang isip ako na mag tanong at baka narin hindi niya magustuhan ang itatanong ko pero pilit ko nalang ding pinapalakas ang loob ko dahil naguguluhan ako

"Tungkol po sana sa kanilang Apat" sambit ko sabay tingin sa apat na babae

"Oh anong meron sa kanila?" Tanong ni tiyang sabay sulyap din sa apat na busy sa pag kukukutkot sa laptop ni tyrone

"Ah kasi po diba magkakapatid sila? Bat hindi po sila magkakamukha?" Tanong ko habang kinakabahan dahil baka hindi niya magustuhan ang ginagawa kong pagtatanong sa Kanya ngunit wala naman akong nakikitang reaksiyon mula kay Tiyang

"Hindi naman sila Blood related" sagot sakin ni Tiyang ngunit wala parin akong mababasang emosyon mula sa kanya kaya mas kinakabahan ako

'Tss kasi naman para kang di lalaki shaun Hayssss'

THE FOUR D AND THE HUNKS (SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon