Chapter 11

69 37 0
                                    

~|Zach's POV|~

K•I•N•A•B•U•K•A•S•A•N

Maaga akong nagising dahil alas singko ang duty ko at hindi rin naman ako halos nakatulog.. halos 4 oras lang ang naitulog ko dahil mag aalas dose na akong natulog at mag aalas kuwatro na ngayon pag bangon ko kinuha ko lang ang tuwalya ko at dumeretso sa banyo

'Whooo iba talaga Power ng gatas HAHA'

Binanggit ko yan sa utak ko habang naka harap sa may salamin at nangingiti ako pero di ko alam kung dahil saan ito baka maganda lang ang gising ko kahit hindi ako masyadong nakatulog pero winiwish ko sa utak ko na sana di na masira ang simula ng magandang araw ko.. pagkatapos kong maligo ay nagsepilyo ako at nagbihis tapos nag pabango at nakangiting lumabas ako ng kuwarto ko 

"Good morning manang glory" bati ko kay manang di ko talaga alam kung bakit masaya ang gising ko pero bigla ding nawala yun nung matanaw ko ang pinto ni Ariella.. Naalala ko tuloy ang pinag usapan namin ni Mom kagabi

'Hayss kala ko pa naman masaya na yung araw ko'

"Good morning iho aga mong nagising ah?" Bungad sa akin ni manang

"Ah opo may duty po ako ng 5am" sabay tingin sa wrist watch ko at pinipilit kong pasiglahin nalang ang boses ko dahil sa mabilis na pagkawala ng magandang mood ko at dahil inaalala ko narin sila Ariella ngayon

"Umm kaya pala o halika na't kumain kana dito at anong oras narin baka malate ka pa" sambit sakin ni manang gloria

"Salamat ho manang ano ho bang meron jan? Mukhang masarap at madami po ata kayong niluto manang ah" Sabay pilit ulit na ngumiti

"Ay nako iho mamili ka nalang hehe at hindi ka pa ba sanay eh para namang laging may Fiesta dito sa bahay ninyo sa dami ng pagkaing inihahanda namin araw araw eh iilan lang naman ang bilang nyo" sambit ni manang

"Sige ho manang hehe sanay naman na ho pero minsan naninibago parin ho" sambit ko at tsaka lang ako bumaba at saktong pagkababa ko lumapit sakin yung private driver ni Ma

"Young master? Ika carwash ko ho muna ang kotse nyo habang kumakain ho kayo" sambit ni kuya Brad ang Private Driver ni ma and Slash Body Guard Den dahil sinanay din sya ni Ma sa pakikipaglaban

"Sige lang ho kuya Brad paki bilisan nalang ho salamat" sagot ko dito

"Ay young master napulot ko po ito sa parking baka ho inyo ito o kanino man po basta sayo ko nalang po iaabot" sabay abot sakin nung bagay na napulot nya

"Ah salamat ho" sambit ko.. at kumain na ako.. naging tahimik lang ang pag kain ko dahil mag isa lang ako at parang nakakabingi rin pala para sakin ang kumaing mag isa o baka nasanay lanb ako sa ingay ni Julianna.. 4:30am na nang matapos si kuya Brad sa paglilinis ng kotse ko at hindi ko parin binibitawan ang bagay na napulot ni kuya sa parking

"Young Master tapos na ho sensya na ho kung natagalan" sambit ni kuya Brad

"Ok lang ho yon kuya brad" at sumakay na ako sa kotse ko at ibinaba ko muna ang bintana ko para makapagpaalam

"So pano ho una na ho ako?" Sabay kaway kay kuya brad

Ang ganda ng biyahe ko ngayon dahil walang traffic kaya nag park lang ako saglet at dumeretso na ako sa underground ngunit pagkababa ko ng elevator ay may naka salubong akong lalaking naka itim na leather jacket at itim na cap may suot din itong itim na mask at Mukang pamilyar siya pero di ko nalang pinansin ngunit nabangga ako nito

"Ay sorry" sabi niya sakin habang nakayuko nung mabangga nya ako at tsaka mabilis na naglakad papuntang elevator

"It's ok" at sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makapasok sya sa elevator ngunit ibinaba nya ang cap nya at yumuko sya ng magtama ang paningin namin

THE FOUR D AND THE HUNKS (SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon