~|Julianna's POV|~
Kitang kita ko talaga kung paanong magpigil ng galit si Ariella at maging si jillian ay hindi na mapakali dahil sa kahibangan ng lalaking ito na nasa harapan namin ngayon.. ako man ay nanggigigil sa mga taong ito pero sobrang palagay kasi talaga ang dadamin kong hinding hindi Makikipaglandian si ariella at lalo na sa hindi nya kilala
"Sinungaling" sambit ni ariella ngunit mukhang nahihirapan na sya sa dami ng sugat nya
"Bakit kasi di mo nalang aminin na lumandi ka sa boyfriend ko" mataray na sambit nung SS na babae
"Pano akong aamin eh wala naman akong dapat aminin" sambit ni ariella na pilit pinapalakas ang sarili
"HAHAHAHA baliw ka na ba?" Tanong ulit ng SS na babae
"Baka ikaw" -ariella
"Grabe kapal ng mukha mo.. umamin na nga siya na ikaw nangungulit sa kaniya tas di mo pa aminin.. Higad"
"Don't call her higad co'z you don't know her" sabat ko at dinuro ko yung babae
"Oh bakit makati naman kasi sya.. ok ayaw mo ng higad edi AHASSSSSSS nalang" sambit pa nito. nagulat kaming lahat ng biglang tumayo si ariella at pipigilan sana sya ni zen kaso kahit nanghihina ay nakuha nya paring lumapit sa lalaki at itinayo nya ito habang nakahawak sa kuwelyo ng damit nito
"Bawiin mo yung pagsisinungaling mo at sabihin mong hindi kita nilande" mahinahong sambit ni ariella
"Aha! At anong sa tingin mo magpapasindak ako sayo" maangas na sambit nito sa mismong mukha ni ariella at nakita ko kung paanong napapikit si ariella sa inis.. pinuntahan ni ariella yung Junior S na witness daw nung Senior S at nakita naming lahat kung pano nya din itong itinayo hawak lamang sa kuwelyo nito
"Di mo alam ang tunay na nangyare" madiing sambit ni ariella dito at tsaka nya ITINULAK paupo at binalikan nya yung lalaki kanina at hinawaka ulit sa kuwelyo
"Ilahad mo Ang tunay na nangyare" gigil nang sambit ni ariella.. napatingin ako kila jillian at kiarra maging kay kuya zen.. kita ko kung paano nilang gustong awatin si ariella pero walang nag lalakas loob ni isa sa amin at baka madamay lang kami sa init ng ulo nito
"What? HAHAHA gusto mo na naman ba ng kiss?" Malanding sabi nung lalaki at nakita ko kung paanong napatayo yung Senior student at maging kami nila kuya zen ngunit nahuli kami dahil SINAPAK ni ariella yung lalaki at nagulat kami dahil sa biglang bukas ng pinto
"Alam ko po yung nangyare" sabi nung lalaking pumasok pero ganun nalang ang gulat ko ng makita kong si Shaun Daniel ito... Hinatak ko na si ariella at Naupo na kaming lahat at si Shaun ang tinanong ng principal
"Ano ang tunay na nangyare?"
~|Shaun's POV|~
《Wiwiwtink •_< Pers taym》Papunta palang sana ako ng classroom namin ng makita ko yung tatlo kong kaklaseng babae na may kasama pang isang babae na puro sugat at isang teacher... papasok sila ng guidance office
'Teka tama ba yung nabasa ko? GUIDANCE OFFICE? BAKET?'
Kahit alam kong bawal ay nakinig ako sa labas nito at dinig na dinig ko kung paano silang magsigawan ngunit tumahimik ang lahat at tanging tinig nalang ng isang babae ang naririnig ko
"Bawiin mo yung pagsisinungaling mo at sabihin mong hindi kita nilande" rinig kong sambit nung babae ngunit napakahinahon nyang sinambit ito at hindi mababakasan ng galit pero di ko alam kung sino ang kausap nya dahil silang lima lang ang nakita kong pumasok sa GO na ito pero bat sila mag kakasama kung may galit sila sa isa't isa
'Sino naman kaya dun sa tatlo yung girlfriend nung teacher?'
"Aha! At anong sa tingin mo magpapasindak ako sayo" sambit ng isang lalake
'Yung teacher nga kaya yun? Ay hindi teka ang gulo'
May narinig akong naglalakad at dinig ko din ang kaluskos ng upuan
"Hindi mo alam ang tunay na nangyare" mariing sambit nung babae ngunit may narinig akong kalabog
'Tinulak nya kaya yung lalaki hays ibang klase'
"What? HAHAHA gusto mo na naman ba ng kiss?" Mapang asar na tinig ng lalaki ang narinig kong nagsambit nito
'Bastos to ah'
Narinig ko na naman ang kalabog kaya napilitan na ako
"Alam ko po yung nangyare"
Sambit ko 'What!! Ano ba tong sinasabi ko'... pero di na ako nagsisi nung makita ko yung lalaki at yung babaeng may sugat.. nagtuloy sa pagtatanong ang principal'Teka eto yung lalaki kanina sa locker area namin'
"Ano ang tunay na nangyare?" Tanong sakin nito inisip ko at inilahad ko yung nangyari at nasaksihan ko kanina habang nag paflashback ito sa utak ko..
~FLASHBACK~
Pagbaba ko ay napatingin ako dahil may senior student na lalaki na pumasok sa locker area namin..wala nang katao tao dun dahil break time... nag tago ako nang makita kong may mga barkada pa itong nakasunod sa kanya
'Anong ginagawa nila dito tss' nagulat kasi talaga ako dahil pinasok nila ang locker area namin pero mas nagulat ako nang makita kong lumapit ang isa sa mga senior student sa babaeng nakita ko sa canteen kahapon kasama ang tatlo kong kaklase
"Mali kayo ng pinasok doon sa kabila ang locker nyo" matapang na sambit nung babae habang nakatingin sa locker nya
'What How did she know?'
"Well HAHA ikaw talaga ang ipinunta ko" malanding sambit ng lalaki sabay lapit pa sa babae
"Tss I don't know you" sabi nung babae at tsaka sabay sara ng pinto ng locker nya at humarap sa lalaki
.. may nakita akong junior student na babae na nakikinig din sa usapan nila"Do you want to know me?" Malanding tanong ng SS na tuloy tuloy ang paglapit sa babae
"I'm not interested" walang emosyong sagot ng babae sa lalaki at nagulat ako ng harangin ng lalaki gamit ng kanyang braso ang babae kaya napaatras ito humawak ang lalaki sa locker at inihawak nya pa ang isa nya pang braso at iti-nrap nya ang babae
"Stay away from me" walang takot na sambit ng babae
"Eh kung ayaw ko?" Sabi nung lalaki
"I said stay away from me!" matapang pang sambit ng lalaki ngunit nagulat ako ng inilapit ng lalaki ang mukha nya sa babae at sa view namin ay hinalikan nya ang babae kaya nakita kong tumakbo yung junior student kaya di nya na nakita na itinulak nung babae yung SS na lalaki
"Pervert!" sigaw ng babae sa mismong mukha nung lalaki at tsaka patakbo na itong lumabas ng locker area at kitang kita ko pa kung panong nakipag apir yung lalake sa mga barkada nya
~END OF FLASHBACK~
pagkatapos kong ilahad ang tunay na nangyare nakita ko kung paanong sinampal ng isa sa mga SS na babae yung SS na lalaki at nakita ko lang kung paano nya akong sinamaan ng tingin kaya inismiran ko lang ito.. at tumakbo na palabas yung mga SS na babae maging ang witness daw na JS
"Wait for me!!" Pahabol na sigaw nung lalaki at tsaka lumabas ng GO
"Thankyou" sambit nung babaeng puro sugat na sya namang ikinagulat ko ngunit nataranta kaming lahat ng biglang himatayin ito kaya binuhat sya nung lalaking teacher na kasama nila kanina at tsaka tumakbo sila papuntang parking ngunit pagyuko ko may nakita akong isang panyo na may pangalan
"Kiarra?"
To Be Continued...

BINABASA MO ANG
THE FOUR D AND THE HUNKS (SEASON ONE)
Romance[COMPLETED] "Lintik Lang Ang walang Gante" Hindi sila magkakapatid ngunit ganun na Ang turingan nila dahil simula pagkabata ay nagkakasama na sila. Maaga silang nawalan ng magulang at hindi nila Alam Ang dahilan Kaya hanggang sa tumanda sila ay naka...