~|Julianna's POV|~
ANG LUNGKOT ko talaga ngayong araw kahit birthday ko pero hindi ko ipinapakita at kahit onting onti nalang iiyak na talaga ako dahil hindi ako sanay na hindi nila ako binabati at parang ni isa sa kanila ay walang nakaalala na birthday ko ngayon. Pero kahit ganon hindi ko pinapakitang malungkot ako at wala din akong binabanggit tungkol sa birthday ko dahil yun ang ugali ko once na makalimutan mo ang mahalagang okasyon sa buhay ko ay hindi ko babanggitin sa harap mo iyon at hihintayin ko lang na maalala mo kaya kahit hindi ako mag celebrate ng birthday ko ay hihintayin ko parin na maalala mo ang birthday ko. Maya maya lang ay ngumiti nalang ulit ako dahil pumasok sila Kiarra at Ate Ariella kaya mas pinipili ko ulit na maging masigla. Kumain ako nang mabilis pero pinipilit ko paring maging maingay at hindi ako nagpapahalatang nagtatampo ako sa kanila kaya pagkatapos kong kumain ay bumalik nalang kami sa sala at Naglaro. Maya maya pa habang naglalaro ako ay biglang may nag ring na cellphone kaya tinanong ko kung kanino yun pero hindi ako lumilingon at tanging sa TV lang ang tingin ko
"Kuya sayo ba yon?" Tanong ko kay Zuya Zach kahit hindi ko ito nililingon
"Ah hindi ah hawak ko yung cellphone ko" sagot niya
"Baka sayo yun kuya Dylan?" Tanong ko naman kay kuya Dylan pero hindi parin ako lumilingon
"Hindi rin kasi naka off ang cellphone ko" sagot ni Kuya Dylan
"Ah baka sayo Hyun o Kaya Tyrone pwede din namang sayo SD" sambit ko
"Hindi aken yon hehe" sabi ni Hyun
"Iba Ringtone ko" sabi naman nung isa pero batid kong si SD yon kasi siya lang ang hindi ko pa masyadong kilala ang boses
"Wala yung phone ko nasa Kuwarto" sambit ni Tyrone
"Baka sayo yun Julianna" sabi ni Kiarra kaya napalingon na ako at tinignan ko yung cellphone ko at nakita kong sakin nga yung tumatawag at si Kuya Zen iyon kaya napangiti ako
<Kuya Zen> (S)
Calling...
'Bakit naman kaya sana batiin niya ako kahit siya man lang ay bumati sakin'
*On phone*
"Hello kuya?" Tanong ko dito nang nakangiti
"Hi Julianna" sabi niya pero nakangiti padin ako dahil umaasa akong babatiin niya ako
"Yes kuya?" Tanong ko ulit
"Ah may sasabihin lang ako" sabi niya at mas lalong lumaki ang pagkakangiti ko dahil inaasahan kong babatiin niya ako pero Agad ding nawala yon pero hindi ko alam kung bakit
"Oh? Ano naman yun? Ikatutuwa ko ba?" Tanong ko at lalo akong nalungkot nung magsalita ito dahil hindi niya ako binati
"Ah kasi Julianna kanina ko pa tinatawagan sila Kiarra pero hindi nila sinasagot kaya ikaw nalang ang tinawagan ko" sabi ni Kuya Zen pero hindi ko na maiwasang hindi ipakita ang lungkot ko
"O anong meron?" Malungkot ko nang tanong at feeling ko nasa akin na ang mata nang lahat pero wala akong gana para lingunin ang mga ito
"Ah kase may Aatend-an tayong party mamayang 7pm at kailangang naka-gown or formal dress" sambit nito at parang biglang kumabog ang dibdib ko pero hindi ko alam kung bakit at naisip kong nasosobrahan na ako sa lungkot kaya ganto kaya pinilit kong pasiglahin ulit ang sarili
"Oh talaga?" Kunyareng masigla kong sambit
'Pagpapanggap na naman! Hays nakakasawa'

BINABASA MO ANG
THE FOUR D AND THE HUNKS (SEASON ONE)
Romance[COMPLETED] "Lintik Lang Ang walang Gante" Hindi sila magkakapatid ngunit ganun na Ang turingan nila dahil simula pagkabata ay nagkakasama na sila. Maaga silang nawalan ng magulang at hindi nila Alam Ang dahilan Kaya hanggang sa tumanda sila ay naka...