*WARNING* IT MAY CONTAIN MATURE SCENE AND SOME BAD THAT MAY DISSAPOINT YOU AND NOT SUITABLE FOR BELOW 13 YEARS OLD. PATNUBAY AT GABAY NG MAGULANG PARA SA MGA BATANG NAGBABASA Charot --, >.< =)
~|Zach's POV|~
Nang matapos kaming lahat kumain ay nagpunta kami sa sala pero natatawa ako dahil bumalik na naman kami sa dating puwesto na yung apat ay nasa mga sofa at kaming mga lalake ang nandito sa lapag pero ang nakakainis ay si Hyun lang ang pwedeng maupo at makitabi sa apat kaya naisipan kong subukan at balak kong unahin ay si Yanyan dahil dito ako malapit na nakaupo
"Paupo ah?" Sabi ko at naupo ako sa Sofa, nangiti ako dahil ilang segundo na ang nakalilipas pero wala parin akong naririnig na reklamo mula kay Yanyan hindi katulad noon na kapag umupo lang ako ng kahit tatlong segundo ay makaririnig na ako ng mga reklamo tungkol dito
"Ate Paupo" Sambit naman ni Hyun kay Yanyan kaya tumingin sakin si Yanyan
"Kuya Alis ka muna kase uupo yung baby namin" Sabi ni Yanyan at tinutulak nya pa ako gamit ang paa niya
'Putek! Wala talaga akong laban sa Hyun na toh!'
'Dito na nga lang ako!'
"Yanna, Paupo naman ako sa sofa, masakit na kasi likod ni kuya eh" sabi ko dito "Okay lang naman yung hindi ka papayag" Wika ko pa tsaka lang sya tumingin sakin
"Ah sige lang kuya maupo ka dyan" Sabi ni Yanna kaya nangiti ako pero agad ding nawala yung mga ngiti ko nang dahil sa lumapit si Hyun
"Ate?!" Panggugulat ni Hyun kay Yanna "Anong gusto mong panoorin?" Tanong pa ni Hyun
"Kuya lipat ka nalang dun kay Yarra, may tinatanong kase si Hyun" Sabi ni Yanna kaya napatingin ako kay Hyun
'Nananadya na Yata tong batang to eh!'
"Yarra, Paupo naman ako s..."
"Go kuya, you can seat there" Nakangiti nyang sambit at hinatak nya ang kamay ko "Ba't parang nahihiya ka pang magsabi?" Takang tanong niya at ngumuso pa sya
"Nothing Yarra, pero sa totoo lang eh baka kase hindi mo ako payagan kaya nahihiya pa ako" Pahina ng pahina kong sambit at inihawak nya ang dalawang kamay nya sa pisnge ko
"Hindi ka dapat mahiya kuya, ako lang naman to eh! Tsaka isa pa uupo ka lang naman, ano bang problema don?" Wika at tanong nya tapos ay inalis nya na ang mga kamay nya sa mukha ko
"Ah gan..." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil biglang dumagan si Hyun kay Yarra "Teka naipit ako" Kunot noong sambit ko at tumayo na ako
"Ateeee! Anong gusto mong dessert?" Tanong ni Hyun at tumingin ito sakin dahil busy si Yarra sa pagtingin sa mga sugat nya
"Kahit ano Baby" Sabi ni Yarra kaya nagbalik na sa kanya ng tingin si Hyun napatiim bagang na ako sa Inis
'Nananadya na talaga tong batang to!'
'Tss masyadong seloso, wala na sa lugar!'
"Dito ka maupo sa tabi ko" Wika ni Yella at nagbaling ito ng tingin sakin "Ayaw mo?" Tanong nya at ngumiti sya kaya kunyare kong kinuskos ang mga mata ko
'Hindi nga ba ngisi yung nakita ko?!'
'Baka mamaya ay nagkamali lang ako ng tingin'
Tumingin akong muli kay Yella at nakita kong nakangiti nga ito sakin kaya agad na akong lumapit at naupo sa tabi nito
"Salamat" Sabi ko at ngumiti rin ako sa kanya "Mukhang ang saya yata ng Yella namin ngayon ah" Biro ko rito at parang hinaplos ang puso ko ng tumawa ito

BINABASA MO ANG
THE FOUR D AND THE HUNKS (SEASON ONE)
Romantik[COMPLETED] "Lintik Lang Ang walang Gante" Hindi sila magkakapatid ngunit ganun na Ang turingan nila dahil simula pagkabata ay nagkakasama na sila. Maaga silang nawalan ng magulang at hindi nila Alam Ang dahilan Kaya hanggang sa tumanda sila ay naka...