Chapter 87

43 21 3
                                    

*WARNING* IT MAY CONTAIN MATURE SCENE AND SOME BAD WORDS THAT MAY DISSAPOINT YOU AND NOT SUITABLE FOR BELOW 13 YEARS OLD. PATNUBAY AT GABAY NG MAGULANG PARA SA MGA BATANG NAGBABASA  Charot --, >.< =)

~|Bon's POV|~

Kanina pa akong linga linga dahil inaantay kong pumasok yung apat ngunit ilang oras at ilang subject na ang lumipas ay walang  dumating

Inilabas ko ang cellphone ko dahil wala namang lec pero nagdadalawang isip ako na tawagan si Fevier dahil sa Nangyare kagabi

~FLASHBACK~

Nauna akong umuwi at nagpaalam naman ako dahil kanina pang tumatawag si Fevier

Pagkasakay ko kotse ko ay tsaka ko lang sinagot ang tawag ni Fevier

%Fevier%

"Yes Bro?" Tanong ko pero nakakaisip na ako ng mga maaaring itanong ni Fevier

"Gabi na ah? Ano bro natuwa ka ba?" Pang aasar na tanong nito at inistart ko na kotse ko

"Sa pagkakaalam ko Dude ay alas siyete ang uwian ng mga estudyante sa paaralang yon, aba matindi ka HAHAHA alas Nuwebe na pero wala ka pa? Hanep" pang aasar niya parin

"Nasan ka ba?" Seryoso nang tanong niya

"Pauwi na" Sabi ko, Ini-bluetooth ko yung phone ko sa Airpods ko at umalis na ako

"San ka naman galing dude? Baka mamaya eh nagpapakasaya ka tapos kinakalimutan mo na yung plano.. nako dude.. makamandag ang kaaway natin kaya wag kang pa chill chill lang, palihim kang aakitin ng mga yan panigurado, ay baka dahan dahan ka nang nilalamon ng mga yan"

"Dude hindi ako mahina, Oo magaganda sila at malalakas ang dating pero hindi ako mahina" Seryosong Sambit ko at tumawa naman sya

"Wag kang magsalita ng ganyan dude baka hindi mo mapanagutan at kainin mo ang sarili mong sinuka kapag nahulog ang loob mo sa mga yon"

"Sige hindi nalang ako magsasalita pero papatunayan ko lahat sayo at ipapakita ko na hindi ako mahina"

'Hindi tulad mo gago!'

'Wag mo kong igaya sayo'

"Sige sige tignan nalang natin HAHAHA"

"Sige"

*toot*

Nang ibaba ko ang linya ay napapaisip na ako sa mga bagay bagay na nangyayare sa buhay ko ngayon

'Tama nga kayang sinusunod ko si Fevier?!'

'Tama rin kayang tumutulong ako sa Kaniya?'

Ilang sandali lang ay nakarating ako sa bahay pero huminto ako sa gate at Ibinaba ko ang windshield ko

"Manong pabukas ng Gate" Utos ko

"Ah yes Boss" Sabi niya naman

Bumukas ang gate at dumeretso na ako sa pagpapark. Pagka park ko ay pumasok na ako sa bahay ko, binukas ko ang mga botones ng polo ko at hinagis ko ang bag ko sa sofa tapos ay pabagsak kong iniupo ang katawan ko

"Woah, Stressed?" Tanong ni Fevier nang lumabas ito mula sa kusina

"Ay mali... Enjoyed?" Pagpapalit niya nang tanong at nginisihan nya ako

"Tss Pagod ako. Wag mo nang sabayan" Sabi ko at inihiga ko ang batok ko sa sandalan ng sofa tapos ay pumikit

Naramdaman ko ang palapit ni Fevier ngunit hindi parin ako dumidilat

THE FOUR D AND THE HUNKS (SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon