Chapter 61

42 24 0
                                    

*WARNING* IT MAY CONTAIN MATURE SCENE AND SOME BAD WORDS THAT MAY DISSAPOINT YOU AND NOT SUITABLE FOR BELOW 13 YEARS OLD. PATNUBAY AT GABAY NG MAGULANG PARA SA MGA BATANG NAGBABASA  Charot --, >.< =)

~|Ariella's POV|~

"Sino ka ba?! Bakit ikaw ang may gamit ng cellphone ng Pinsan ko?" Inis kong tanong

"Kilalanin mo. Diba matalino ka?!" Galit na sambit nito

Pumikit ako para alalahanin kung saan ko narinig ang boses na iyon dahil pamilyar yon saken. Dumilat na ako nang maalala ko kung kaninong boses iyon

"Oh Hello Mr. Janvier Roces! Ang walang kuwenta naming lecturer!" Pang iinis ko

"Matalino ka nga! Pero maililigtas kaya ng talino mo ang pinsan mo?!" Pang iinis din nito

"So sa tingin mo ba ay hindi? Well ayoko namang magsalita ng tapos pero tignan nalang natin ang mangyayare!" Wari ko

"Sige. Bibigyan lang kita ng Isang Oras para mahanap kami at huwag kang mag tatawag ng pulis. Kundi ay patay tong pinsan mo!" Wika niya pero nanatili ako sa pagiging kampante ganun din ang ibang nakakarinig

"Ganun ba? Sige hindi ako mag tatawag ng pulis. Tutal wala naman akong tiwala sa mga iyon" Sambit ko

"Sige. You only have one hour Ms. Ariella Mendez"

*toot*

Nang maibaba niya ang linya ay agad kong tinawag si Juno

"Track mo kung nasan ang location ng Cellphone ni Hyun" Utos ko dito at agad agad niya namang kinuha ang Laptop niya

"Magbibihis lang ako!" Wari ko at patakbo akong umakyat ng hagdan para magbihis at pagkapasok ko ng kuwarto ay agad agad naman akong nagbihis ng puro Itim maging ang Cap ko at mask ay Itim. Nagsuot din ako ng Gloves na Itim.

Bumaba ako at nakita kong bihis narin sila Julianna at Kiarra. Maging si Jillian ay nagbihis din

'Hinding hindi kami papayag na mabigyan mo ng kahit kaunting galos si Hyun'

'Papatayin talaga kita'

"What's Happening? Bakit parang puro kayo busy?" Tanong ni Ma at alam ko namang alam na niya ang nangyayare sa amin

Tuloy tuloy ang pagkilos namin na para bang hindi namin siya narinig

"Kim Ae Bin!" Tawag niya kaya nahinto ako sa ginagawa ko at tumingin ako sa kaniya

"Yes Ma?" Tanong ko

"Pinapayagan kita" Sambit niya At alam ko na agad ang gusto niyang sabihin kaya lumapit ako at yumakap sa kaniya

"Ano Juno? Nahanap mo na?" Tanong ko

"Oo. Nasa isang abandonadong building sila" Sambit ni Juno kaya mabilisan kong kinuhaan ng litrato ang Lokasyon ni Hyun at mabilis din kaming lumabas tsaka nagsipagsakayan kami sa mga motor namin

'Humanda ka talaga saken'

'Wag mo lang talagang gagalusan yan. Mananahimik buhay mo!'

Habang nasa biyahe ay tingin ako ng Tingin sa Orasan ko dahil isang oras lang ang ibinigay sa akin. Pinaharurot ko ng mas mabilis ang motor ko dahil ilang minuto nalang ang nalalabi at mauubos na ang isang oras

Nang malapit na kami ay dinahan dahan ko na ang pagmamaneho para narin hindi maingay ang pagdating namin. Bumaba ako sa motor ko at sumenyas ako sa kanilang tatlo na sa ibang pintuan sila Pumasok. Umalis sila kaya pumasok na ako

THE FOUR D AND THE HUNKS (SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon