~|Bon's POV|~
"Baket sumama yon?" Tanong ko
"Hoy Boss Kaibigan! Buwang ka ba?" Sabi nya "Napaka lutang mo naman kaibigan.. hindi ba't alam nya ang planong iyon?" Tanong nya pa
"Ah oo nga pala" Sabi ko "O sya manatili na lang kayo sa bahay niyo at wala na kayong iba pang gagawin kundi ang pumirmi" Utos ko 'Hindi na dapat pa matuloy ang plano'
"Yun naman na talaga ang gagawin namin at wala nang iba kaibigan.. napagod kaya kami" Biro nya kaya natawa ako 'Putang Ina... Napakadali ng gagawin tapos napagod ng ganun katindi mga hinayupak'
"Sige... Austine" tawag ko rito 'Sabihin ko na kaya?'
"Oh Ano yun Boss Kaibigan?"
'Maiintindihan naman siguro ako neto! Kaibigan ko to eh!'
"Kase May gusto akong iutos" Wika ko na may pag aalinlangan 'Putang Ina! Tama ba tong gagawin ko?!'
"Ano ba yon Boss Kaibigan? Mukhang may mga bagay na bumabagabag sayo ngayon ah. Sabihin mo sakin yan lahat mamaya nang matulungan kita pero sa ngayon eh ano ba yung utos mo?" Sambit nya *Cough!* *Cough!* "Kaibigan napasama yata ang pagligo mo ah. Tignan mo inuubo ka tuloy ngayon" Sambi nya pa
"Wala to lagnat lang to.. Austine.. Itigil na natin ang plano" Wika ko at Pakiramdam ko ay nagulat sya
"Itigil?! Bakit ititigil?!" Tanong nya "Nabubuwang ka na ba? Yan ba epekto ng sakit mo ha kaibigang Bon?!" Inis nyang sambit
"Hindi... Makinig ka muna" Naiinis ko namang sabi dahil narindi ako sa ingay bunganga nya "Eto ang gumugulo sakin ngayon" Panimula ko "Malakas ang kutob kong wala sa Apat na iyon ang mga kapatid ko Austine pakiramdam ko talaga ay inosente sila sa pagkidnap ng mga kapatid ko.. Kidnap ko kung ituring ang pagkuha sa mga kapatid ko or Hostage basta ganun. Ayoko nang maniwala pa sa sarili kong haka haka kaya nagdesisyon na ako kahit mahirap" Sabi ko
"At ang desisyon mo eh ang pagtigil sa plano? Ganun ba?" Tanong niya
"Oo ganun na nga Austine.. Gusto ko nang humiwalay sa masamang balak ni Fevier pero hindi ko alam kung pano" Sabi ko pa. Tumayo ako at nagpapalakad lakad ako ng pabalik balik dahil nagugulumihanan ako sa mga bagay bagay
"Ano naman ang susunod mong hakbang kaibigan?" Tanong nya
"Balak ko nang umamin sa mga babae na yon pero hindi ko rin alam kung pano! Mukha naman silang mababait kaya hindi ko alam kung bakit nagawa kong pagbintangan sila" Wika ko pa
"Puta Kaibigang Bon! Nagayuma ka ba?!" Mapang asar na sabi nya at natawa sya
"Hinayupak naman eh! Naguguluhan na ako tapos nakuha mo pang magbiro kaibigan" Wika ko pero natatawa rin ako sa sinabi nya "Hindi ako nagayuma Kaibigang Austine.. ganto kase.. Nung magkakasama kaming naginuman eh parang kahit yun lang yung oras na kasama ko sila eh parang kilala ko na agad sila" Paliwanag ko at natawa na naman sya kaya Kumunot ang noo ko "Anong nakakatawa?" Seryosong tanong ko para matigil sya sa pagtawa pero nabigo ako
"Ikaw kaibigan HAHAHAHAHA nakakatawa ka talaga pasensya. Hindi ko alam na marupok kang gago ka HAHAHAHAHAHAHA" Pang aasar niya
"Marupok? Puta san mo naman nakuha yang salitang yan?" Tanong ko
"Uso yung salitang yun sa mga Millenials HAHAHAHAHAHA palibhasa's Gurang ka na Hinayupak kong kaibigan HAHAHAHAHAHA" Pang aasar na nama nya "Wag mo nalang pansinin ang salitang yon. Ang meaning kase nun eh andali mo mong bumigay kaya kumpara sa sanga ng isang puno eh marupok ka!" Paliwanag nya at natawa na na naman sya

BINABASA MO ANG
THE FOUR D AND THE HUNKS (SEASON ONE)
Romance[COMPLETED] "Lintik Lang Ang walang Gante" Hindi sila magkakapatid ngunit ganun na Ang turingan nila dahil simula pagkabata ay nagkakasama na sila. Maaga silang nawalan ng magulang at hindi nila Alam Ang dahilan Kaya hanggang sa tumanda sila ay naka...