*WARNING* IT MAY CONTAIN MATURE SCENE AND SOME BAD WORDS THAT MAY DISSAPOINT YOU AND NOT SUITABLE FOR BELOW 13 YEARS OLD. PATNUBAY AT GABAY NG MAGULANG PARA SA MGA BATANG NAGBABASA Charot --, >.< =)
~|Jillian's POV|~
"Kanina pang wala si Ate ah! Nasan na kaya napunta yung taong yun?" Nag aalalang tanong ni Kiarra at maging ako naman ay nag aalala na dahil hindi ko malaman kung ano ang pwedeng dahilan ng pagtagal niya sa Dean's Office
"Sundan na kaya natin? Baka mamaya ay naligaw na yon kaya hindi makabalik!" Biro naman ni Julianna kaya nagkatawan kaing tatlo pero hininaan lang nain dahil may lecturer sa harapan
"Hayaan nalang muna natin. Baka mamaya kasi ay namimilosopo na naman yun kaya tumagal ng ganun sa Dean's Office. Peri delikado rin si Lec dahil baka mamaya rin kasi ay mapatiran ng ugat sa batok yun sa sobrang stress kay Ariella" sambit ko naman at natawa naman sila
Maya maya pa.
Habang nagtuturo ang lecturer ay biglang may nakaagaw ng atesyon ko kaya nawala ang focus ko sa lesson dahil sa mga lalakeng dumaan at puro ito nakaitim at may itim itong mask ngunit alam ko nang hindi ito kabilang sa mga tauhan ni Ma dahil ibang iba ang porma ng mga ito kumpara sa porma ng tauhan ni Ma. Bigla akong nakaramdam ng lakas ng kutob at masama ito. para kay Ate Ariella ang masamang kutob na naramdaman ko kaya naisipan kong ilabas ang Cellphone ko at nag text ako kay Ate Ariella
Compose Message...
To: ♥Ariella (D1)♥
Woi Ate nasan ka ba? Ba't ang tagal mo naman? Baka mamaya ay nakikipagsagutan ka pa jan! Malalagot ka kay Ma pag nalaman niya yun panigurado yan!
Message sent...
'Siguro naman wala lang tong masama kong kutob kasi hindi naman kinukutuban sila Kiarra eh!'
Nang maisend ko ang text ko ay ibinalik ko na ang atensyon ko sa klase namin pero hindi parin naaalis sa akin ang masamang king kutob at napapalingon parin ako dahil pabalik balik ang mga lalakeng nakaitim
"Woi kilala mo ba yang mga yan?" Tanong ni Julianna na ikinagitla ko kaya siya naman ang nakaagaw ng atensyon ko
"Hindi nga eh! Kanina pa nga ako nagtataka kung sino yang mga lalakeng yan at pabalik balik pa sila. Mukhang may hinahanap!" Wika ko habang sa labas nakatingin dahil pinagmamasdan ko yung mga lalakeng padaan daan sa hallway
'Malaman ko lang talagang mga kalaban kayo ay paniguradong magkakalintikan tayo!'
"Ang tagal talaga ni Ate Ariella, Ano kaya kung tawagan na natin siya? Baka kasi mamaya eh pati ang Dean ay nanggagalaiti na sa kaniya at ang malupet ay baka pati sa Dean ay nakikipagsagutan na siya" Wika ni Kiarra at inilabas niya ang Cellphone niya tapos ay umakma itong magda dial kaya bigla kong hinatak ang phone niya pero nai dial niya parin iyon
"Uy akin na yan! Ano bang problema mo? Tatawagan ko lang naman si Ate Ariella eh. Kinukutuban na kasi ako na baka mamaya ay may nagyayare na dito!" Pag amin sa sambit ni Kiarra kaya ibinalik ko ang cellphone niya pero In-end call ko
'Pati siya! Delikado nga to!'
'Sundan na kaya namin!'
'Kinakabahan na talaga ako eh!'
"Wag na muna nating sundan. Baka nga kausap niya pa ang Dean at si Lec. Mas malilintikan yon pag na interrupt ang pag uusap-usap nila ng Dean at Lec kung nag uusap usapn man sila" Sambit ko pero iba talaga ang sinasabi ng utak at kutob ko eh
'Ibang iba talaga ang kutob ko! Tss bwiset na yan!'
'Pag tong si Julianna ay kinutuban talagang lalabas na ako!'

BINABASA MO ANG
THE FOUR D AND THE HUNKS (SEASON ONE)
Romance[COMPLETED] "Lintik Lang Ang walang Gante" Hindi sila magkakapatid ngunit ganun na Ang turingan nila dahil simula pagkabata ay nagkakasama na sila. Maaga silang nawalan ng magulang at hindi nila Alam Ang dahilan Kaya hanggang sa tumanda sila ay naka...