/2/ Discovery

599 40 9
                                    

CHAPTER TWO:
Discovery

ASH

Habang naglalakad ako ay pinagmamasdan ko ang gamit na nakita ko kanina. Yung latang may nakalagay na 'one nine nine one'. Sobrang weird lang tignan nito dahil parang sinauna pa ang latang ito tapos may kalawang ito malapit sa takip. Napahinto ako ng saglit dahil pinipilit kong buksan ito pero sobrang hirap.

"Ano ba naman kasi ang laman nito? Para namang ayaw ipagamit." saad ko habang napapangiwi dahil sa pagsakit ng aking mga daliri.

Ilang sandali pa ay napagdesisyunan ko nang itapon ito sa basurahan sa tapat ng aming bahay ngunit nabaling ang atensyon ko nang makita ang lalaking nakamotor sa tapat ng aming gate. Ayun na siguro yung magdedeliver ng pagkain.

"Uhmm, sino po ang hinahanap niyo? Kuya?" mahinahon kong itinanong sa kaniya nang makaalis siya sa pagkakaupo sa motor.

"Ito na po yung ipinapadeliver ni Mrs. Analyn Federacion. Dinner package po Sir." paliwanag niya.

"Ah, mommy ko po yung nagpadeliver..." saad ko. "Nabayaran na po ba niya ito?" tanong ko.

"Paid na ang nakalagay sa resibo, pick-up nalang ang kailangan." sagot niya.

Agad naman niyang iniabot sa akin ang dalawang malaking plastic at yung resibo. Ipinalista nalang niya ang pangalan ko sa isang listahan para maverify kung nakuha ko na o hindi pa.

"Salamat po Kuya." Sinabi ko at umalis na siya.

Kinuha ko ang susi ng bahay sa aking bulsa at binuksan ang padlock sa gate. Pumunta naman ako sa tapat ng pinto upang buksan ito. Nang makapasok ako sa loob ng bahay, ipinatong ko na ang aking bitbit at ang aking bag sa dining table at dumiretso naman ako sa sala para mahiga sa sofa.

"Solo again." mahina kong sinabi at ipinikit ng saglit ang aking mga mata.

Nakakamiss din pala yung maingay dito sa bahay, yung bukas lahat ng ilaw, maraming tao, at siyempre yung kumpleto pa kami nina Mommy at Daddy. Produkto kasi ako ng broken family at kahit na sabihing kaya na namin ni Mommy na kami lang dalawa, mahirap parin dahil alam ko namang may ilang hindi kayang gawin si Mommy na kayang gawin ni Daddy. Since elementary sila nagseperate at sobrang nakakatrauma nung mga panahong sinisikreto ni Mommy lahat ng mga iyak at hagulgol niya.

And this house, ipinatayo ito ni Mommy just for the two of us.

Napatingin ako sa aming malaking wallclock at ito ay nasa six thirty na ng hapon. Kahit nilalabanan ko ang aking antok, pumipikit parin ang aking mga mata.

----

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko dahil may natawag. Agad ko naman itong kinuha at sinagot.

"Ash..." boses ni Mommy. "Dumating na ba yung pang-dinner mo diyan?" mahinahong tanong niya.

"Opo... napick-up ko na po." sagot ko. Napansin ko naman ang napakaingay na paligid sa kabilang linya. Parang may nagvivideoke na hindi ko maintindihan.

"Mommy, bakit parang ang ingay diyan? Nasaan ka po?" curious kong itinanong.

"Ay naku, sorry anak kung maingay... Nandito ako sa office... kaso yung boss ko birthday kaya ayan, nagpaparty dito." paliwanag niya. "Lalabas pa ba ako, baka kasi di tayo magkaintindihan." alok niya ngunit tumanggi ako. "Hindi na po, naririnig pa naman po kita."

In Time (COMPLETED) (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon