CHAPTER TWENTY-THREE:
I Won't Last A Day Without YouASH
Nagising ako na nakahiga sa kama at walang katabi. Nakita ko ang sinag ng araw na tumatama sa bintana at nakita kong nakakumot ako. Hinanap ko kaagad si Art sa paligid ngunit hindi ko siya makita. Bumangon kaagad ako upang hanapin siya sa kung saan man.
Ilang sandali pa ay bumaba na ako sa hagdan at bumungad sa akin ang tulog na si Art sa sofa. Halos manlaki ang aking mga mata nang makita kong puro pintura ang braso niya at nakasalampak lamang sa kaniyang paligid ang mga pintura. Pinagmasdan ko siyang maigi at talagang tulog na tulog siya.
Nakahubad lamang siya ngayon at nakashorts, nakadapa siya sa sofa at nakanganga habang natutulog. Gusto ko sanang gisingin siya ngunit nabaling naman ang aking atensyon sa landscape na ginawa niya. Napa-awang ang aking bibig nang makita kong tapos na ang painting at nakatapat na lamang sa araw.
Wala akong masabi, napakaganda ng landscape na ginawa niya! Detalyado ang lahat pati na rin ang kulay ng simbahan at pati na rin ang mga bundok na nakapalibot sa Mt. Pinatubo. Gusto ko din sanang hawakan ang painting ngunit napansin kong medyo basa pa ito kaya naman umatras nalang ako.
Napatingin muli ako kay Art at ngayon ay medyo nawalawala na ang pasa sa kaniyang pisngi, tuyo na rin ang sugat niya at talagang nakakaattract padin siya kahit napakapangit ng posisyon ng paghinga niya ngayon. Napuyat siguro siya sa pagpapaint kaya dito na niya nagawang palipasin ang gabi.
Lumingon lingon ako at tumama sa aking paningin ang kusina, naglakad ako papunta dito at inispeksyon ang pwede kong gawin dito habang tulog pa si Arthur.
Naisip kong magluto ng umagahan dahil napansin kong si Art nalang lagi ang nabubungaran ko sa umagang nagluluto kaya naman ako naman ang gagawa nito sa kaniya.
Agad kong kinuha ang takure at sinalinan ito ng tubig, hinugasan ang kawali at inihanda ang aking lulutuin. Kumuha ako ng itlog at hotdog sa ref, susubukan kong lutuin ang niluto ko sa bahay noong ako din ang naunang gumising.
Kinuha ko naman ang kutsilyo at sangkalan upang hiwain ang hotdog at binasag ko naman ang itlog sa isang maliit na lalagyanan. Niluto ko muna ang mga nahiwang hotdog sa kawali saka naman isinunod ang nabati kong itlog.
Hinango ko na din ang tubig sa takure at isinalin ang mainit na tubig sa dalawang tasa. Isa para sa akin at isa naman para kay Art. Nilagyan ko na ito ng kape at hinalo. Ang sarap talagang amuyin ng amoy ng kape sa totoo lang. Binaliktad ko na ang omelette at malapit na din itong maluto.
Ilang sandali pa ay may biglang yumakap sa aking likuran habang nagsasangag ng kanin. Nakita ko si Art na nasa aking likod at mukha kakagising palang.
"Mukhang masarap yung niluluto mo ah." saad niya. Sa totoo lang hindi ako sanay na may yumayakap sa akin pero sa pagkakataong ito, pagbibigyan ko siya.
Naramdaman ko ang dibdib niya sa aking likod habang ako ay nagluluto.
"Nagising ba kita? Matulog ka pa kung inaantok kapa." sinabi ko at mas lalo naman niyang hinigpitan ang yakap, hindi naman ako halos makagalaw dahil sa ginawa niya.
"Sayang nga eh, natulog ka kaagad kagabi, hindi tuloy kita natabihan." malambing niyang sinabi sanhi para maamoy kong tila dumidikit na ang kanin sa isa pang kawali.
BINABASA MO ANG
In Time (COMPLETED) (BXB)
Historical FictionBuong akala ni Ash Federacion ay nag-iisa na siya sa kaniyang buhay matapos ang paghihiwalay ng kaniyang mga magulang at noong napilitan ang kaniyang nanay na maghanap-buhay. Akala niya ay mag-isa na siya at walang umiintindi sa kaniya. Ngunit lahat...