/11/ You're Mine

323 26 0
                                    

CHAPTER ELEVEN:
You're Mine

ART

Pagkagising ko ng maaga ay minabuti kong bumangon na muna at iwanan si Ash na natutulog sa aking kama. Nasanay na kasi akong magising ng ganitong kaaga para maghanda ng umagahan at gawin ang ilan kong nakasanayan na gawin. Dahan dahan kong inialis ang kumot na nakabalot sa akin dahil baka magambala ko siya sa pagtulog. Mabuti na nga lang at hindi siya nawala sa tabi ko dahil inaabangan niya kagabi na mag alas-dyis at makabalik sa kanila.

Unti unti kong pinihit ang hawakan ng pinto para hindi ito gumawa ng malakas na tunog at minabuti kong marahan na maglakad dahil may natutulog.

Bumaba ako papunta sa lababo ng CR upang maghilamos, ganito pala ang pakiramdam ng may kasama sa bahay, nakakatuwa at nakakapawi ng lungkot.

Agad naman akong nagtungo sa kusina upang maghanda ng pang-umagahan para sa aming dalawa ni Ash.

"Umiinom kaya ng kape 'yun?" mahina kong sinabi habang pinagmamasdan ang laman ng ref at nang lalagyan ko ng mga pinamiling pagkain.

Kinuha ko ang takure at nilagyan ito ng tubig na sapat lamang sa pangkape naming dalawa ni Ash, sana ay sa paggising niya ay nakahanda na ang lahat upang hindi naman nakakahiya para sa kaniya.

Habang nandito ako sa kusina ay nasusulyapan ko ang hindi ko natapos na portrait kahapon, malapit na naman akong matapos kaya naman mamaya ko na ulit itutuloy iyon. Ang sarap lang din makita na yung paiting na iyon ay nakaharap sa akin at tila ba tinititigan ako ni Ash. Napaangiti na lamang ako sa tuwing mapapalingon ako sa canvas.

Inihanda ko ang dalawang tasa at isang malaking pinggan upang pag-lagyan ng lulutuin kong ham at hotdog. Isinabay ko na din sa pagpapakulo ng tubig ang pagluluto ko ng umagahan at ang pagsasangag ko ng mga natirang kanin kagabi. Sana ay magustuhan ito ni Ash kahit ito lang ang kaya kong ihain sa kaniya ngayong umaga.

Inaabangan kong maluto ang pagkain kaya naman inasikaso ko munang buksan lahat ng mga bintana, at kahit papaano ay ayusin ang mga nagkalat kong gamit sa sala.

"Goodmorning." sinabi ni Ash habang pababa sa hagdan. Medyo garalgal pa ang boses niya at magulo ang kaniyang buhok, pinupunasan din niya ang kaniyang mga mata.

"Gising ka na pala." naeenganyo kong sinabi at dalidaling tinignan kung luto na ang mga pagkain. Agad kong hinango ang kanin na galing sa isa pang kawali at inilagay ito sa plato na nasa lamesa.

"Sorry kung ang tagal kong nagising, ngayon lang ulit ako nakakumpleto ng tulog." saad niya at pinaupo ko na siya sa upuan malapit sa lamesa.

"Ash ipinagtimpla na kita ng kape, ayun lang yung asukal kung natatabangan o napapaitan ka." ipinaliwanag ko at nilagyan ng kutsarita ang kaniyang tasa at itinuro ko ang asukal malapit lang sa drawer.

"Salamat." saad niya sabay higop ng kape. Napatalon siya sa kaniyang upuan dahil mainit pa ang kape. "Ahhh! Ang init."

Nakita kong nakakagat-labi siya at inilayo sandali ang tasa. Halata sa mukha niya ang sakit dahil sa mainit niyang hinigop at nakita kong medyong basa ang tshirt niya banda sa dibdib.

"Naku pasensya na, hindi ko nasabing bagong timpla palang nung kape, sorry." pagaalala ko at tinignan-tignan ang labi niya kung may paso. "Masakit?" saad ko habang pinipisil pisil ito gamit ang aking hinlalaki.

In Time (COMPLETED) (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon