/17/ Goodnight... Art

235 19 3
                                    

CHAPTER SEVENTEEN:
Goodnight... Art

ART

Nang makaupo si Ash sa aking tabi ay sinimulan kong iguhit ang kabundukang aking nakikita. Kasama na rin ang simbahan na tanaw ng aking paningin.

"Sure kang hindi tayo mahuhulog dito?" tinanong niya habang ginagalaw ang gitara niyang bitbit.

"Kaya tayo nitong bubong, magtiwala ka lang." tugon ko.

Hinahampas kami ng napakalamig na hangin at halos magsiliparan ang mga nakasingit na papel sa aking hawak na sketchpad. Kahit madilim na ang paligid ay nakuha ko paring makuha ang bawat detalye upang maisagawa ko nang maganda ang pangunang sketch na gagawin ko.

Habang ginuguhit ko ang mga kabundukan na nakapaligid sa Mt. Pinatubo ay bigla kong naalala ang huling panahon na nandito kami nina Nanay at Tatay sa taas ng bubong dahil hiniling ko sa kanila na dito kami manatili muna bago ako makatulog.

Napahinto naman ako sa pagguhit nang makita ko si Ash na nakapikit habang nagpapatugtog ng gitara. Patuloy ang kaniyang ginagawa habang pinapanood ko lamang siya.

"Natapos na ang lahat
Nandito pa rin ako..."

Narinig ko na naman ang kaniyang pagkanta at talagang madadala ka kahit hindi mo alam ang kanta. Nakapikit parin siya at dinadama ang pagkanta at ang simoy ng hangin.

"Hetong nakatulala
Sa mundo, sa mundo..."

Unti unti nang dumidilim ang paligid at halos lumubog na ang araw, tinuloy ko na ang pagguhit habang pinagmamasdan ang napakagandang tanawin at paligid. Ang tanging pinagmumulan lamang ng tunog ng paligid ay ang gitara at ang mahinang kuliglig sa paligid. Unti unti na ring nagsisilitawan ang mga alitaptap.

"Hindi mo maiisip
Hindi mo makikita..."

Iminulat niya ang kaniyang mga mata at pinagmamasdan ang tanawin na nasa tapat at kitang kita naming dalawa.

"Ang mga pangarap ko
Para sa 'yo...."

Lumingon siya sa akin at tumingin nang diretso.

"...Para sa 'yo..."

Nakatitig lamang siya sa akin at nakikita kong nasa gilid lamang ang kaniyang luha. Napansin ko ding kumukurba ang kaniyang labi at ngumiti sa 'kin.

"May gusto ka ba talaga sa 'kin Art?" bigla niyang sinabi sa akin at muntikan ko nang mabitawan ang aking lapis. "Kasi diko alam kung anong gagawin ko kapag itinuloy ko yung nararamdaman ko din para sayo."

Nailunok ko nang buo ang namumuong laway sa aking bibig kaya naman para akong naging statwa matapos niyang sabihin iyon sa akin. Kinakabahan ako dahil sa hindi ko malamang dahilan. Nagsisimula na ring bumilis ang tibok ng aking puso at pinagpaawisan na din ako ng malamig.

"Bakit mo naman biglang naitanong?" nauutal kong binigkas.

"Diba sabi mo? May gusto ka sa akin?" tanong niya at itinabi saglit ang gitarang hawak niya.

"Oo..." marahan kong sinabi.
"Anong nagustuhan mo sa akin?"

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil tanong siya nang tanong, wala akong magawa kundi isipan nang magagandanag sagit lahat ng kaniyang itatanong. Inilagay niya ang kaniyang ulo sa aking hita dahil inaantok na daw siya. Nakita kong humikab siya nang mailagay at nang mapahiga siya sa aking hita.

In Time (COMPLETED) (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon