CHAPTER TEN:
SignASH
Nang makaupo ako sa lamesa ay inilagay ni Art sa lamesa ang isang pinggan at inilagay ang ulam sa gitna ng lamesa. Kusa na akong kumuha ng kutsara at tinidor dahil maaabot ko naman ito gamit ang aking kamay. Kukuha na sana ako ng ulam nang biglang magsalita si Art. Agad naman niyang hinawakan ang aking kamay at siya ay pumikit.
"Maraming salamat po sa pagkaing nakahain sa aming hapag ngayon. Lubos po naming tinatanggap ang biyayang ito. Maraming salamat po. Amen." Habang sinasabi niya iyon ay hindi ko maiwasang panoorin siya sa pagdadasal.
Sabay kaming kumuha ng ulam at inihalo sa kaning nasa plato namin.
"Ash, kung hindi mo gusto yung ulam, ipagluluto nalang kita ng ham." saad niya ngunit tumanggi ako.
"Naku hindi, masarap naman yung ulam natin ah. Tsaka niluluto din ni Mommy 'to sa bahay." sinabi ko dahil nakakahiya naman kung maghanap pa ako ng ibang pagkain eh okay naman ito sa aming dalawa.
"Siya nga pala, may naisip ka na bang title para sa tulang gagawin mo? Baka pwede akong makakuha ng ideya." sinabi niya habang kami ay kumakain.
"Wala pa nga eh, pero irerelate ko parin yun sa naisip nating theme." sagot ko at uminom ng tubig.
"Habang nagawa kasi ako nung portrait, bigla kong naisip yung Poblacion..." nakikinig ako sa kaniyang sinasabi. "Tapos may dalawang tao na nandoon tapos magkahawak kamay."
Bigla naman akong napaisip sa mga ipinaliwanag niya at sa totoo lang, natuwa ako.
"Pwede din yun, pero suggest ko lang na mukhang romantic tignan nung portrait." sinabi ko at sinangayunan din naman niya.
Habang nginunguya ko ang kinakain ko ay biglang nasamid si Art at biglang umubo. Napatingin ako sa kaniya at bigla naman akong kinabahan.
"Huy, Art. Inom ka ng tubig." pagaalala ko. Hindi padin siya natigil sa pag ubo at halos namumutla na siya.
"ART!" sigaw ko at natigil siya sa pagubo. Nagulat na lamang ako at bigla siyang pumikit at napasubsob sa lamesa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya naman pilit ko siyang ginigising.
"ARTHUR!"
Sinubukan ko siyang ihiga sa sahig at I-CPR ngunit hindi parin siya nagigising. Punyeta, anong nangyari! Unti unti kong naramdaman ang aking luhang dumadaloy sa aking pisngi at ako ay lubos namang kinakabahan.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay gumalaw siya at biglang tumawa ng sobrang lakas. Ikinunot ko ang aking noo dahil hindi ko mawari kung ano talagang nangyari sa kaniya.
"Biro lang." mahina niyang sinabi.
DIYOS KO! AKALA KO NAMAN KUNG ANO NANG NANGYARI!
"GAGO KA, KINABAHAN AKO, WALANGHIYA KA!" sinigaw ko at tuluytuloy padin siya sa pagtawa. Hinampas hampas ko siya dahil sa ginawa niya ngunit ipinangsasangga lang niya ang kaniyang braso.
"Biro lang, Ash." sinabi niya at siya ay bumangon na kahit natatawa pa. "Bakit ka umiyak?"
"Eh tarantado ka eh, natakot ako sa ginawa mo, walang hiya ka." naiinis kong sinabi. Hindi padin mawala ang aking kaba kaya naman sinusubukan kong huminahon.
"Pasensya na, hindi na mauulit." nakangiti at tila bata niyang sinabi at kinukuha niya ang aking kamay.
"Ewan ko sayo." sagot ko at pinupunasan ko ang aking mata dahil sa pagluha.
"Pero kung natuluyan ako, anong gagawin mo?" saad niya at nakangisi padin. Nanahimik nalang ako at umupo sa aking upuan at itinuloy ang aking pagkain. "Pasensya na talaga, hindi na mauulit."
BINABASA MO ANG
In Time (COMPLETED) (BXB)
Historical FictionBuong akala ni Ash Federacion ay nag-iisa na siya sa kaniyang buhay matapos ang paghihiwalay ng kaniyang mga magulang at noong napilitan ang kaniyang nanay na maghanap-buhay. Akala niya ay mag-isa na siya at walang umiintindi sa kaniya. Ngunit lahat...