/3/ Going Back

557 38 3
                                    

CHAPTER THREE:
Going Back

ASH

Sinamantala ko ang pagkakataong wala kaming pasok ngayon para ipagawa itong relo na ito sa pagawaan. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa relong iyon at dahil doon sa post tungkol sa akin. Sana pala ininom ko na yung sleeping pills para naman hindi ako napuyat ngayon.

'Oras ang pagitan, hadlang sa ating pagmamahalan. Ibabalik ka sa nakaraan, iiwanan ang kasalukuyan. Sa bawat panahong dadaan, hihintayin ang itinakda ng kapalaran, oras ay nakalaan, dadalhin sa pinanggalingan'

Hindi padin ako makaget over sa mga nabasa ko kagabi, kahit parang dati pang ginawa yung letter na iyon, feeling ko ako ang tinutukoy nitong mga nakasulat. Hindi naman ako sa sobrang assuming pero alam ko namang kinuha ko lang ito sa kung saan kaya wala akong karapatan na sabihing akin ito. Ang point ko lang eh, parang buhay na buhay yung laman nung letter.

Tinititigan ko din ang relo na nakuha ko at para bang may nararamdaman akong kakaiba dito sa relo na ito, hindi ko din maiwasang maamaze dito dahil ang ganda ganda lang sa paningin.

Bigla kong naalalang tumawag kay Mommy kaya't kinuha ko ang aking cellphone.

"Hello, Ash?" sagot ni Mommy sa kabilang linya.

"Ma, anong oras ka nga pala uuwi? Holiday naman po diba?" nagaalalang tanong ko. napuno ng katahimikan ang paligid bago siya makasagot.

"Nasa biyahe na ako, mga ten minutes pa, nandiyan na ko." paliwanag niya. "Bakit ka napatawag? May kailangan ka bang ipabili?" dagdag niya.

"Wala naman po, balak ko lang po sanang pumunta ng bayan, may ipapaayos lang po ako."

"Sige, I'll be there soon na naman kaya I will allow you to go."

"Sige po, aalis na po ako." sabi ko at ibinaba ko na ang tawag. Kumuha muna ako ng pera sa drawer ko para may pambayad ako sa pagpapagawa nitong relo. Nag-ayos muna ako sa tapat ng aming salamin at lumabas na ako.

-----

Halos malibot ko na ang buong bayan at wala parin akong mahanap na pagpapagawaan ng relo, sinubukan kong magtanong tanong sa mga napupuntahan ko at ang tangi lang nilang isinasagot ay magpagawa ako ng relo kay Mang Ipe.

Hindi ko siya totally kilala pero itatry kong puntahan mismo yung puwesto niya kahit malayo sa bayan.

Habang papunta ako sa lugar kung saan siya itinuturo ng mga napagtanungan ko, ang dami lang pumapasok sa isip ko na mga bagay na hindi naman nangyari sa akin. Hindi ko alam pero parang may kumukontrol sa isip ko na isipin ang mga bagay na iyon.

Mayamaya pa ay may nakita akong isang stall na napaalibutan ng salamin at naaaninag ko sa malayo ang isang matandang lalaki na maputi na ang buhok. May pabilog na nakasuot sa kaniyang kanang mata at tila ba may kinukumpuni sa loob ng mga salamin na iyon. Nilapitan ko siya at nakita kong maraming gamit sa loob nito.

"Magandang Araw po..." Nakuha ko ang atensyon niya at napahinto siya sa kaniyang ginagawa. "Kayo po ba si Mang Ipe?" magalang kong itinanong.

Tumingin siya sa akin ng diretso sa mata at para bang sinusubukan niyang makilala ako.

"Oo, ako nga." mahina at medyo paos niyang sinabi. "May ipapagawa ka ba?" dagdag niya. Agad naman akong nagkaroon ng pagasa na magagawa ang relong ito.

In Time (COMPLETED) (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon