CHAPTER ONE:
One Nine Nine OneASH
"Ash, wake up. May pasok ka pa."
Ginising ako ni Mommy sa pagkakahimbing ng aking tulog. Gusto ko pa sanang ituloy ang aking paghiga pero I have nothing more to do but to rise up. I don't want to be late on school again.
"I prepared your breakfast on our dining table, don't forget your vitamins." dagdag niya habang ako ay naunat pa.
"Siya nga pala, don't forget to bring your cellphone. I will call you later... And please, Ash, answer my calls... okay?"
Tumango na lamang ako dahil hindi pa naaabsorb ng utak ko ang mga sinasabi niya. Tinanggal ko ang kumot na nakapatong sa akin at ibinaba ang aking paa upang abutin ang aking tsinelas.
"Ma, anong oras ka uuwi?" tanong ko kahit medyo paos ang aking boses.
"Hindi ko sure anak, pero I will call ha." agaran niyang sagot. "Iiwan ko na sayo yung susi ng bahay if ever na malate ako ng uwi. Tsaka kunin mo nalang yung ipapadeliver kong pagkain mamayang gabi for your dinner."
Habang nagaayos si Mommy ay minabuti ko munang pumunta sa CR para maghilamos. Narinig ko sa banyo ang pamamaalam ni Mommy at pagkatapos noon ay tinuyo ko na basa kong mukha gamit ang towel ko.
It is not that bad day to start with. Imagine, maiiwan na naman akong magisa sa bahay tapos kailangan ko pang icheck maya't-maya yung paligid to make sure na hindi kami mapapasukan ng masasamang loob. Hindi ko naman masisi si Mommy dahil trabaho niya iyon, pero sana kahit papaano, magkaroon man lamang siya ng seven to eight hours na nandito sa bahay para naman dalawa kaming nagbabantay.
Pumunta na muna ako sa dining table upang icheck nga kung may nakahain na umagahan, hindi naman ako nabigo. Nakita ko na lamang ang umuusok na bacon, hotdog, at scrambled sa isang plato.
Narinig ko ang gate namin na nagbubukas kaya naman napatigil ako sa pagnguya sa aking kinakain. I thought Mommy just left this subdivision, bakit parang may pumapasok?
"Ash, sorry, I forgot to bring this folder." paliwanag ni Mommy nang pumasok siya at kinuha ang folder sa sofa. "Ay Ash, another reminder..." sunod niyang sinabi. "Do not attempt to take my sleeping pills tonight. Allow yourself to sleep naturally, okay?"
Here we go again. To be honest, hindi ako makatulog kahit sabihin ni Mommy na naturally, kaya I am taking my Mother's sleeping pills, alam kong hindi pa pwede para sa age ko but I need it. Nakakatulog ako ng maayos whenever I take them.
"Ay siya, goodbye na talaga." huli niyang sinabi at tuluyan na siyang umalis.
Matapos kong makakain ay dinala ko na ang aking mga ginamit sa lababo at agad na din naman akong naligo.
------
"Oh, goodmorning Mr. Federacion..."
bungad sa akin ng aking teacher nang makita niya akong nakatayo malapit sa pinto. "Why are you late? Please tell me your excuses.""Sorry for being irresponsible Mam. I woke up late po." paliwanag ko dahil hahaba lang ang usapan kapag nagpaliwanag pa ako.
"Late for three days straight, congratulations... Please take your seat." sabi niya at pumunta na ako sa aking upuan. Ngayon ko lang narealized na halos half an hour pala akong late para sa first period. My fault.
BINABASA MO ANG
In Time (COMPLETED) (BXB)
Historical FictionBuong akala ni Ash Federacion ay nag-iisa na siya sa kaniyang buhay matapos ang paghihiwalay ng kaniyang mga magulang at noong napilitan ang kaniyang nanay na maghanap-buhay. Akala niya ay mag-isa na siya at walang umiintindi sa kaniya. Ngunit lahat...