/28/ Bring Me Back To Art

205 22 0
                                    

CHAPTER TWENTY-EIGHT:
Bring Me Back To Art

ASH

"ART!!!"

Umalingawngaw sa buong kwarto ang boses ko habang may kung anong nakalagay sa aking kamay.

"Naku, sandali... Huwag kang masyadong gumalaw..."

Narinig ko ang pamilyar na tinig habang hinahawakan ang balikat ko at ang dibdib ko.

"Janice, tawagin mo yung doktor at nurses sa station..." nagmamadaling sinabi ng aking Ina habang pinapakalma ako.

"ART! NASAAN SI ART?! YUNG RELO, YUNG PAPEL!? MA! KAILANGAN AKO NI ART!"

Nararamdaman kong sumasakit ang likod at ulo ko habang binabanggit ang pangalan ni Art.

Nakita ko sa aking kamay na wala ang aking relo at nakapulupot lamang ang isang plastic na tube sa akin. Pinagmasdan ko din ang paligid at nakita kong nakaputi lamang ako at napapalibutan ng mga apparatus ng ospital. Hindi ko alam kung bakit ako napapunya dito ngunit ang alam ko lang ay kailangan ako ni Art.

Bumuhos ang aking luha nang mapagtanto kong nakabalik na ako sa lugar ko at para bang kasalanan kong iniwan ko siya. Nakita ko si Mommy na nakatingin at nag-aalala sa akin.

"JANICE BILIS!" Sigaw ni Mommy

"MA KAILANGAN AKO NI ARTHUR, MA YUNG RELO KO NASAAN? BABALIK AKO MOMMY... PAKIUSAP!"

Halos mawala ang lakas ko habang binabanggit ko ang bawat salitang kumakawala sa aking bibig. Nagmamakaawa ako dahil gustong-gusto kong makabalik at iligtas si Art.

"Anak, sandali lang, huwag kang gumalaw baka kung anong mangyari sayo..." tugon niya. "Wala yung tinutukoy mo dito Ash."

Bigla namang may mga pumasok na sa tingin ko ay doktor at mga nurse. Nagpupumiglas ako sa mga hawak nila at talagang napakalakas ang pagkakahawak nila sa aking braso. Nakita ko ang isang doktor na may stethoscope at inilapit ito sa akin. May isang nurse naman na may hawak na papel at inililista ang mga sasabihin ng doktor.

Patuloy padin ako sa pag-iyak hanggang sa unti unti kong sinuko ang lakas ko sa kanila.

"NASAAN SI ART? KAILANGAN NIYA AKO!" Pagbuhos ng aking luha at pag-iyak. Wala naman akong ibang gusto kundi ang makabalik doon dahil kailangan ako ni Art.

"Dok, uhmmm nagising na po siya, ano pong mga dapat gawin?" Nangangarag na itinanong ni Mommy sa doktor na kumonsulta sa akin.

"As I can see, the patient is back to the normal state... Mas okay siya ngayon kaysa sa past weeks na inoobserbahan natin siya. It was a surprise na biglang naging okay siya, it is good to see Ash's recovery." paliwanag ng doktor kahit malayo ako sa kanilang paguusap.

"May kailangan po ba kaming gawin Dok? For Ash?" Tanong muli ni Mommy at napapatingin siya sa akin.

Saka ka lang naman gumagawa ng mga paraan ngayong nakikita mo akong nahihirapan. Hindi mo magawang i-set aside muna ang trabaho mo para sa akin, para naman maramdaman kong may Nanay akong makakapitan.

"Sa ngayon, kailangan pa siyang obserbahan lalo na't kakarecover palang niya sa comatose..." Narinig ko ang sinabi niya at nagsimula na naman akong mapaiyak.

In Time (COMPLETED) (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon