CHAPTER NINE:
Happy Birthday ArthurASH
Inilagay ni Art ang isang brush sa isang lalagyanan ng tubig at ginalaw ito paikot, nang matapos niya iyong basain, pinatuyo niya ito gamit ang isang telang nasa tabi lang noon. Pinagmamasdan niya ang canvas na may drawing ko na at parang tinitignan niya kung anong kulay ang una niyang gagawin.
"Iplay mo na." Napatigil siya sa pagtitig at ako naman ay namili pa ng kantang ilalagay ko sa DVD Player.
"Sandali lang." saad ko at kumuha ako ng isang CD, nakita ko ang nakalagay dito at aking binasa. 'Love Of A Lifetime' ng Firehouse.
Nagsimula na itong tumugtog at nakita ko si Art na nagbukas ng isang bote ng pintura. Nang makasimula ang kanta ay minabuti nalng muna niyang manahimik at magconcentrate sa ginagawa niya.
Agad na nakakuha ng aking pansin ang isang malaking wallclock, tinitigan kong mabuti ang orasan at ito ay nakatapat na sa six o'clock. Halos may apat na oras pang natitira para maging isang araw na akong nandito sa 1991.
"Ash, pwede kang pumunta sa taas, pakiramdam ko kasi naiinip ka na." saad niya at ako naman ay nagdadalawang isip kung gagawin ko ba yung sinabi niya o hindi.
"Sure ka?" tanong ko at sumangayon naman siya.
Wala akong nagawa kundi libutin ang bahay niya. Sa totoo lang, unti unti akong nagiging komportable sa lugar na ito. Pero may kaunting hiya parin dahil ngayon lang ako nakarating dito.
Iniwan ko si Art sa baba at sa aking pagakyat sa hagdanan ay tumutugtog padin ang kantang pinatugtog ko kanina. Nng makarating ako dito sa taas ay bumungad sa akin ang isang napakalaking painting. May isang bata, isang babaeng may edad na at isang lakaking nakatayo katabi ang dalawang tao. Agad ko namang sinulyapan ang nakalagay na sulat sa baba.
'Dimasalanta'
Sa tingin ko, ito yung family portrait nina Art at siyempre ang mga magulang niya.
Habang patuloy ako sa paglalakad ay pinagmamasdan ko ang paligid. Sa aking kaliwang side ay may nakikita akong pinto na nakabukas at may isang sala sa labas na may railings. Sa aking kanan naman ay may dalawang pinto. Sa aking tapat naman ay isang kurtina na malaki at tila may tinatakpan.
Agad ko namang hinawi ito ay bumungad sa akin ang isang kartong puro paintings at puro pintura. Lumabas ako at sunod na tumapat sa isang pinto pa. Nagdadalwang isip ako kung bubuksan ko ba ito o hindi dahil baka may masira ako, kahit na ganoon ay pinilit ko pading mabuksan ito.
Bumungad sa akin ang isang napakalaking kama, isang malaking aparador, at isang malaking bintana. Pumasok ako saglit at tinignan ang lahat ng nakalagay sa lamesang maliit.
May isang maliit na picture frame na katulad din noong painting na nakita ko at dalawang lalagyan ng kandila. Napakaayos din ng pagkakalatag ng kama at parang hindi mo nanaising mahiga dito dahil magugulo lamang ito.
Sa salamin naman na nasa tapat ko ay may mga nakadikit na litrato ng isang babaeng nakangiti. Sa tabi naman nito ay isang lalaking nakangiti din ngunit medyo malabo na ito. Sa aking palagay, ito ang kwarto ng mga magulang ni Art.
Lumabas ako at kahit nandito ako sa taas ay naririnig ko ang tumutugtog sa baba. Isinarado ko na din ang pinto at agad ko namang binuksan ang katabing kwarto nito.
BINABASA MO ANG
In Time (COMPLETED) (BXB)
Ficção HistóricaBuong akala ni Ash Federacion ay nag-iisa na siya sa kaniyang buhay matapos ang paghihiwalay ng kaniyang mga magulang at noong napilitan ang kaniyang nanay na maghanap-buhay. Akala niya ay mag-isa na siya at walang umiintindi sa kaniya. Ngunit lahat...