/6/ Obra At Tula

425 29 1
                                    

CHAPTER SIX:
Obra at Tula

ASH

Nakabalik kami ng maayos sa classroom ni Arthur at mabuti nalang at wala pang teacher. Hindi na naman kami masesermunan. Umupo na ako sa aking pwesto at pinagmasdan muna ang paligid at ang bintana ng classroom. Mahangin dito dahil nasa fourth floor kami, kita ko din ang malawak at luntiang paligid sa labas at bigla ko namang naalala ang lugar sa amin. Sobrang laki talaga ng pagkakaiba.

Nakapatong ang aking baba sa aking kamay at tahimik lang na pinapanood ang galaw sa paligid. Nakit kong may inaayos na gamit si Arthur kaya namn hindi ko muna siya inabala pa.

Napatingin naman ako sa suot kong relo at para bang nakaramdaman ako ng kalungkutan. Hindi ko alam, pero ang dami kong inaalala sa ngayon. Hindi ko din maiwasang isipin ang iniwan ko sa talagang lugar at panahon ko.

What if nastuck na talaga ako dito sa 1991? Ano kayang mararamdaman ni Mommy? What if makabalik naman ako kaagad sa 2020? Ano namang magiging sense ng pananatili ko dito?

Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa ngayon ay wala akong magawa kundi maghintay lamang ng tamang tiyempo at oras para makabalik. Hindi ko naman alam kung paano gamitin itong relo na ito, tsaka kapag ginalaw ko ito, baka mapapunta naman ako sa ibang lugar at panahon.

"Ang lalim naman ng iniisip mo." Saad ni Arthur na ngayon ay nakaupo sa taas ng desk kung saan ako nakaupo. "Sabihin mo lang sa akin, makikinig ako." Tumingin ako sa kaniya at napabuntong hininga nalang ulit.

"Hindi ko kasi alam yung gagawin ko para makabalik na sa tamang lugar ko eh." paliwanag ko.

"Alam mo Ash, may dahilan kung bakit ka nandito at may dahilan din kung bakit hindi ka pa nakakabalik." saad niya. "Ang saya saya mo nga kanina tapos ngayon, hindi na maipinta ang mukha mo." kalmado niyang sinabi.

"Hindi ko kasi alam kung anong nangyayari na doon, tsaka baka nagaalala na din ang Mommy ko." nalulungkot kong paliwanag.

Matapos kong masabi iyon ay tumabi siya sa akin at umupo.

"Kaya ka nandito dahil nalaman siguro nung future na nanghihina ka sa panahon mo. Kaya ibinalik ka ng future ngayon dito para makatakas ka kahit sandali sa mga problema at mga dinadala mo doon." positibo niyang sinabi. "Oh baka naman, nalaman ng future na kailangan ka ng past para may ayusin ka dito." dagdag niya. Ngumiti nalang siya sa akin at nakaramdam ako ng ginhawa kahit kaunti.

Agad namang may pumasok na teacher at lahat ay nagsiayos na ng upo at nagayos ng sarili. Hindi na umalis sa tabi ko si Arthur.

"Magandang Umaga sa inyong lahat." bati niya sa amin kahit siya ay seryoso. Lahat naman kami ay tumayo at bumati sa kaniya.

"Mabait si Mam, huwag kang kabahan." bulong niya sa akin. At ako naman ay sumangayon na lamang.

Habang ang teacher ngayon ay nagsusulat sa board, nabigla naman ako ng biglang lumalakas ng tunog ng relo ko. Dinig na dinig ko ang bawat pagikot nitong relong ito.

"Arthur, naririnig mo ba iyon?" mahina kong sinabi at naantala ko ang pagsusulat niya.

"Alin? Yung pagsusulat ni Mam sa board?" tanong niya sa akin.

In Time (COMPLETED) (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon