CLAIRE
"Oh my god, nandito siya!" Bulong ko sa aking sarili habang itinatago ang aking mukha sa isang lalaking nakasuot ng muscle shirt. Siya kasi yung nabunggo ko kanina tapos natapunan ko ng kape ang damit niya. Shit.
Anong gagawin ko? Halos nakatingin na ang mga tao sa kaniya nung kumatok siya.
"Uhmmm, ito po ba yung session for the patients po?" nadinig ko dito sa aking kinauupuan ang sinabi ng lalaki.
"Yes, you're just two-minutes late." saad ng babaeng nasa unahan at nakangiti. "Please find your comfortable seat and we will continue our session for today. Uhmm Wait, why are you wearing a muscle shirt? We have proper attire here." concern ng babae.
Nagtama ang tingin namin ng lalaki at iniwas ko na lamang ang pagtingin, nakakahiya talaga. Ako kasi yung may kasalanan kung bakit siya nakasuot ng ganoon ngayon.
"Ano po kasi... Nadumihan po yung damit ko." paliwanag ng lalaki na halatang nahihiya.
"May time ka pa ba para makabalik and change?" tanong muli ng speaker. Gosh! My fault talaga, kinakabahan at at the same time nahihiya at naaawa sa kaniya. What should I do?
Bago pa makapagsalita ay buong tapang akong tumayo at tinawag ang speaker.
"Uhmmm, Mam..." kinakabahan kong sinabi at hinawi sandali ang aking buhok na humaharang sa mukha ko. "Ipapahiram ko nalang po itong jacket na suot ko po... Just to cover up lang po." nahihiya kong sinabi at hinubad ang jacket. Pinagpapawisan ako kahit naka-aircon.
Lumapit ako sa lalaki at iniabot ang jacket, nakita ko ang maputi niyang braso na malaman at may magandang biceps. Shit, ang gwapo pala sa malapitan. Nagbihis siya sa labas at tinitignan ako habang isinusuot ang jacket.
"Anong tinitingnan mo?" mahangin niyang sinabi at parang may halong inis dahil namukhaan niya ako.
"Ahh Ano kasi, hinihintay kitang matapos para makapasok ka na sa loob." paliwanag ko. Napakagat ako ng labi dahil nahihiya at naiintimidate ako sa kaniya.
"Pumasok ka na, kaya ko na." Saad niya at may kung anong tumulak sa akin para maglakad papunta sa loob.
Bumalik ako sa aking kinauupuan at nakita ko siyang nakasunod na sa akin at tumabi sa upuan ko. Grabe naman, jusko kinakabahan ako.
"By the way, my name is Jennifer Se and later on magpapakilala kayo sa unahan at sasabihin niyo sa aming lahat kung anong mga nakaraan niyo and yung naging journey niyo noong naadmit kayo sa ospital." sinabi niya at ngumiti. Binuksan niya ang kaniyang laptop at may pinindot upang may lumabas sa screen na nasa whiteboard sa unahan.
Napapatingin ako sa gwapong nasa tabi ko dahil parang napakaseryoso at napakamisteryoso niyang tignan. Halatang may pinagdadaanan. Hayaan na, baka naninibago lang.
Ilang sandali pa ay may pinakita siyang video sa amin ng mga past batches ng sessions at ilang mga pasyente na successful na nakarecover.
"So ngayon, as you can see sa video, ito yung mga nakaraang batches na sinundan niyo at way back seven years ago." sinabi ng babae. "Most of them ay coma patients and mga cancer survivor."
Naalala ko tuloy yung araw na muntikan na akong mamatay dahil sa brain tumor. Mabuti nalang na dahil sa surgery at sa halos one year na gamot at check-ups, nanumbalik yung dati kong gana sa lahat. Kaso maraming naapektuhan, my studies, lahat pati yung mga magulang ko. Bumagsak yung ratings ng business nila because nagkaroon ng conflict between handling and taking care of me.
BINABASA MO ANG
In Time (COMPLETED) (BXB)
Historical FictionBuong akala ni Ash Federacion ay nag-iisa na siya sa kaniyang buhay matapos ang paghihiwalay ng kaniyang mga magulang at noong napilitan ang kaniyang nanay na maghanap-buhay. Akala niya ay mag-isa na siya at walang umiintindi sa kaniya. Ngunit lahat...