/8/ I Will Never Forget This One

322 23 0
                                    

CHAPTER EIGHT:
I Will Never Forget This One.

ASH

"Pasensya na sa makalat kong sala, aayusin ko din iyan kapag tapos na lahat ng gagawin ko." sinabi niya nang buksan niya ang ilaw sa loob ng sala. Tinanggal niya ang mga nakalagay na canvas at mga papel sa sofa at pinagpag ito. "Upo ka muna."

Agad naman akong umupo at pinagmasdan ang paligid. In fairness, kahit nagkalat ang mga canvas niya, wala akong makitang agiw o sapot sapot sa gilid gilid ng bahay. Simple lang ang nasa loob at kapansinpansin na kakaunti lamang ang mga gamit dito. May isang maliit na TV na nakapatong sa isang mahabang lamesa, may cabinet din sa gilid nito na punung-puno ng mga tape at may isang maliit na VHS player din sa ilalim nito.

Inilinga-linga ko ang aking paningin at masasabi kong kapapalit pa lamang ng kurtina nito at maaliwalas sa loob. May isang radio at isang player din sa gilid ng TV at ito ay may mga nakapatong na bala. I mean, bala na CD, hindi yung nilalagay sa baril.

"Pagpasensyahan mo na yung bahay namin, hindi na din kasi ito napapaayos simula nung ako nalang ang maiwan dito." paliwanag niya s akin habang bumababa sa hagdanan na gawa sa kahoy.

"Naku, Art, okay lang. Sa totoo nga, parang ingat na ingat mo itong bahay dahil malinis naman at maayos ito." tugon ko. Nakita kong nakasando na lamang si Art nang bumaba ito. Kitang kita ang kaputian ng kaniyang braso at ang hubog ng balikat nito

May dala siyang tshirt at sando pati na rin shorts at akmang ibibigay niya ito sa akin.

"Anong mas gusto mo? Tshirt o sando?" tanong niya.

"Ito nalang..." saad ko at kinuha ang shorts at sando. "Salamat." Naglakad ako paababante nang itinuro ni Art ang direksyon kung nasaan ang banyo.

"Ash, pagpasensyahan mo na yung banyo, maliit lang iyan." mahina niyang sinabi.

"K lang!" sigaw ko at pumasok na ako sa banyo.

Hanga din naman ako dito kay Art, sobrang mapagkumbaba, alam kong palabiro siyang tao pero nasisiguro kong mabait at magalang siya. Ako pa nga yung nahihiyang kumilos dito sa bahay niya kasi parang saglit lang kaming nagkakilala tapos naialok niya agad sa akin na dito muna manuluyan.

Agad kong hinubad ang tshirt na suot ko pati na rin ang shorts, bigla namang sumagi sa isip ko ang nakita kong si Art kanina. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero hindi ko alam kung bakit nung bumaba siya sa hagdan ay bigla akong kinabahan. Sobrang hina ko talaga pagdating sa pagpipigil ng emosyon kaya naman hanggang ngayon ay tumatak sa isip ko ang katawan at itsura ni Art.

Nang makapagpalit ako ng damit ay hinubad ko muna ang aking relo, nagabang ako ng may mangyayari ngunit wala naman. Lumabas kaagad ako at daladala ang mga nagamit kong damit.

Nang makarating ako sa sala ay nakita kong nakaupo si Art sa isang maliit na bangko at may isang nakatayong kahoy na may nakapatong na canvas at isang papel. Seryoso siyang nakatingin dito at para bang may sinusukat at tinatantsa. Ipinatong ko muna ang aking mga damit sa isang sulok at pinagmamasdan ang kaniyang ginagawa.

"Uhmmm, Ash, pwedeng makisuyo?" saad niya habang may nakalagay na lapis sa kaniyang tenga. Agad naman akong sumangayon sa kaniyang sinabi. "Paabot naman nung sketch pad na yun sa sulok." Sabay turo sa kaniyang tinutukoy. Agad ko namang kinuha ito at iniabot sa kaniya. "Salamat."

In Time (COMPLETED) (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon