CHAPTER SIXTEEN:
ScarsART
Pumasok ako sa aking kwarto nang makita kong nagpapalit ng damit si Ash. Nakatalikod ito habang hinuhubad ang polong kaniyang suot at ang sandong nasa loob nito. Nakashort lamang siya at nakalagay sa kama ang hinubad niyang pantalon.
"Ay kabayo!" Nagulat siya nang makita niya akong nakatayo sa pinto. "Ginulat mo naman ako!" Sinabi niya at napatitig ako sa kaniyang katawan. Pinipilit kong hindi mapatawa dahil ang awkward lang nang nangyari samin ngayon.
"May kukunin lang akong damit." saad ko at pumasok sa loob.
Agad kong binuksan ang aparador at kumuha ng isang tshirt. Humangin nang malakas kaya naman saktong nagsara ang mga bintana pati na rin ang pinto.
Hinubad ko lamang ang aking nagamit na tshirt at inilagay ito sa tabi ng kama. Ilang sandali pa ay naaninag ko sa aking tabi na nakatitig si Ash sa akin pati na rin sa aking katawan.
"Uhmmm, may problema ba?" tanong ko at napatigil ako sa pagbibihis. Halos malibot niya ang kaniyang mata dahil sa itinanong ko at tila nauutal siya.
"Ay...ano, kasi..." saad niya. "Huwag ka sanang maooffend pero bakit ka nagkaroon ng scar sa tagiliran mo?" diretso niyang itinanong. Bigla ko tuloy naalala yung naging sugat ko dati.
"Ahhh, ito ba?" Umikot ako upang ipakita sa kaniya ang marka ng sugat ko. "Naglalaro kasi kami ni Tatay noon, tapos nung nagtago ako sa ilalim nung tambakan namin ng basura, pagkatayo ko, nahiwa ako sa yero." paliwanag ko at bigla kong naalala yung mga panahong halos ilang linggo akong umiiyak dahil sa sakit.
"Parehas din pala tayo Art. May sugat naman ako sa hita." sinabi niya habang isinusuot ko ang aking pamalit na damit.
"Ano namang nangyari?" tanong ko at nakita kong napahawak siya sa kaniyang kaliwang hita.
"Nung grade five ako, naalala ko noon, mag-isa lang ako sa bahay tapos nanonood ako ng nakakatakot sa TV namin..." panimula niya at nagbihis na. "Ako naman dahil sa katangahan ko, tumakbo ako pababa kasi nagmamadali akong ibalik yung pinggan at tinidor na ginamit ko. Nadulas ako tapos iyon, lumubog sa hita ko yung tinidor." paliwanag niya.
"Pwede kong makita?" saad ko at umupo sa tabi niya. Nakatingin lang ako sa hita niya ngunit parang naiilang si Ash sa aking ginawa.
"Ayoko, nakakahiya." saad niya. Pakiramdam ko kasi ay malapit na sa kanyang twit-twit ang marka ng sugat niya kaya nahihiya siya.
Bigla ko namang naalala ang papel na ginamit niya kanina at kinuha ko ito sa pinagtaguan ko. Ipinakita ko sa kaniya ito pati na rin ang isang maliit na papel na sinulatan ko.
"Ash, tinulungan na kitang tapusin yung tula na ginagawa mo." saad ko
"Tunay? Salamat naman, namomroblema kasi ako kung anong gagawin ko sa susunod kaya naman iniwan ko muna. Pwede kong makita?" Iaabot ko na sana sa kaniya ngunit binawi ko muna. "Huy, bakit ayaw mong ibigay?"
"Gawin mo muna yung ipapagawa ko sayo." saad ko at bigla ko siyang nginitian. Aninag sa mukha niya ang pagtataka.
"Hays, naalala mo pa pala yun..." tugon niya. "Sige na ipagawa mo na sa akin..."
BINABASA MO ANG
In Time (COMPLETED) (BXB)
Historical FictionBuong akala ni Ash Federacion ay nag-iisa na siya sa kaniyang buhay matapos ang paghihiwalay ng kaniyang mga magulang at noong napilitan ang kaniyang nanay na maghanap-buhay. Akala niya ay mag-isa na siya at walang umiintindi sa kaniya. Ngunit lahat...