CHAPTER TWENTY-FIVE:
Work Of ArtASH
Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Art nang malaman kong pangsecond lang kami at hindi maididisplay ang obra niya sa loob ng art gallery. Bakas sa mga mata niya ang lungkot kahit pinapalakpakan niya ang nagwagi ng first place.
Naguiguilty ako sa ginawa ko, feeling ko dahil dun sa pagkakahimatay ko kaya kami natalo, parang hindi ko tuloy kayang harapin si Art dahil alam kong nadismaya at nalungkot siya sa nangyari. Bakit naman kasi ngayon pa nangyari kung kailan inassume naming mananalo kami, nakakalungkot at nakakainis lang.
Nandito kami sa tapat ng Hall kung saan nandito ang Library at Art Gallery, kita namin dito sa malayo ang nga nagcecelebrate na estudyante at ang kinukuhanan na picture.
"Galit ka ba sakin Art?" lakas loob kong itinanong.
"Hindi, bakit naman ako magagalit?" tugon niya.
"Ramdam ko kasing nalulugkot ka dahil hindi tayo nanalo. Sorry." saad ko.
"Alam mo Ash, hindi natin hawak ang desisyon nila pati na rin ang oras..." panimula niyang sinabi at umakbay siya sa akin. "Masaya naman akong naging pangalawa tayo, at least, hindi tayo pinagkakaguluhan ngayon dun sa hall."
"Paano na yung deal?" agaran kong tanong.
"Wala akong magagawa, hahayaan nalang kita na sumang-ayon at magdesisyon." sinabi niya at tumingin sa akin.
"Sorry talaga kanina, hindi ko naman intensyong mahimatay habang nasa unahan. Badtrip kasi yung relo eh." reklamo ko.
"Ayos lang 'yun, ganito... Ililibre nalang kita ng lumpia mamayang awasan, gusto mo?" alok niya at lumawak ang ngiti ko.
"Hindi ako natanggi sa mga libre Art." pabiro kong sinabi at napatawa kaming parehas.
Pero sayang talaga, di bali, pag nakauwi na kami, saka ko sasabihing pumapayag akong magustuhan na niya ako, at maging kami. If that is the only way to make Art happy, I will do it.
Hindi nagtagal ay umabot na naman kami ng awasan, halfday naman ngayon kaya nakauwi kami kaagad ni Art. Dinala ulit namin sa bahay ang landscape upang mas mapreserve ni Art dito. As promised, bumili si Art kanina ng apat na lumpia upang may makain kami mamaya paguwi.
Ako na mismo ang nagbukas ng gate at pinto ng bahay para madali kaming makapasok. Isinandal ni Art ang landscape sa sofa. Napakatahimik tuloy ng salubong namin dito at parang hindi padin makapaniwala si Art na second lang kami. Sorry talaga, feeling ko ako tuloy yung nagpatalo sa aming dalawa.
"Ash, ilagay mo na sa platito yung pagkain, baka mababad pa sa suka." pakiusap niya at ginawa ko naman kaagad. Binuksan ko ng bahagya ang aking polo dahil mainit na. Ibinaba ko ang bag at inayos ang pagkakalagay sa gilid, hinubad ko din muna ang relo at inabot kay Art bago siya umakyat sa hagdan.
Feeling ko talaga, napipilitan lang akong pansinin ni Art, feeling ko lang naman. Kasi hindi niya hinawakan yung kamay ko kanina... Hays hindi ko na alam. Nasanay lang siguro ako na ganon kami, tsaka hello Ash? May bitbit siyang landscape, paano ka niya mahahawakan.
"Kain na tayo, baka lumambot pa lalo yung lumpia." sinabi niya habang bumababa sa hagdanan. "Apat na yung binili ko ha, tig-dalawa tayo." saad niya.
Umupo kami sa upuan sa lamesa at tahimik na kumakain. Hindi ako sanay na tahimik siya, tsaka napansin kong hindi kami nagdasal kanina. Bigla tuloy akong nalungkot.
BINABASA MO ANG
In Time (COMPLETED) (BXB)
Ficção HistóricaBuong akala ni Ash Federacion ay nag-iisa na siya sa kaniyang buhay matapos ang paghihiwalay ng kaniyang mga magulang at noong napilitan ang kaniyang nanay na maghanap-buhay. Akala niya ay mag-isa na siya at walang umiintindi sa kaniya. Ngunit lahat...