CHAPTER TWENTY-ONE:
Sa Akin Ka LangASH
"IBIGAY MO NA KASI SAMIN!"
Bigla akong natakot nang marinig kong sumigaw ang lalaking galit na galit at para bang hindi na tumitigil. Hindi padin ako pinapakawalan ng lalaking nasa tabi ko at halos mamula na ang aking kamay dahil sa pagpupumiglas ko sa kaniya. Nakita ko si Art na pinagpapawisan at nakaharap sa mga lalaki.
"HINDI MO IBIBIGAY SA AMIN!?" sigaw muli ng lalaking unti unting lumalapit sa kay Art.
Nang makalapit ang mga lalaki kay Art ay nagpakawala ang isa ng napakalakas na suntok sanhi para ma-out of balance si Art. Bigla akong kinabahan at natakot sa mga nakikita ko dahil alam kong nasaktan siya nang lubos.
"ART!" Sigaw ko at napagdesisyunan kong kagatin ang braso ng lalaking nakahawak sa akin. Agad naman akong nakawala at sinipa ang kalagitnaan ng kaniyang hita.
Kinuha ko ang mga gamit namin at inilayo ito sa kanila, nakita ko naman si Art na nakakasuntok din sa tatlomg lalaki at nakikita kong napakalakas din ng kaniyang mga sipa Nagpatuloy sila sa pananakit at nakikita kong nagdudugo ang labi ni Art.
"MGA WALANGHIYA KAYO!" Nagagalit na sigaw niya at nakikita kong natakbo na papalayo ang mga napuruhan ni Art. Hinahapo ako pati na rin siya at sobrang bilis padin ng tibok ng aking puso.
Hindi nila nakuha ang gusto nilang kuhanin sa amin kaya naman lumapit kaagad ako kay Art at inalalayan siya upang umupo muna sandali.
"Art, sandali, huwag kang gumalaw, nadugo yung labi mo." nagaalala kong sinabi at pinagpapawisan kaming dalawa. Ginamit ko muna ang aking polo upang punasan ang dugo na nasa labi niya.
"Ikaw? Ayos ka lang din ba?" hinihingal niyang sinabi at ako naman at tumango na lamang. Nakikita kong naliliyo si Art kaya naman kinuha ko sa bag ang tubig at pinainom muna siya. "May nakuha bang gamit sayo?" nagaalala niyang itinanong sa akin.
"Wala naman, naingatan ko naman pati yung naiwan nating gamit." saad ko at agaran naman siyang tumayo. Bumungad sa akin ang napakarumi niyang polo at ang may gasgas na pantalon.
"Tara na Ash, baka bumalik pa sila." sinabi niya at agad ko namang kinuha ang mga gamit. Sabay kaming nagmamadaling maglakad at nakita kong namamasa na ang kaniyang panga at pisngi.
Madilim na rin ang kapaligiran at nang mabuksan ko na ang gate ay hinanap ko muna ang susi ng pinto ng kanilang bahay. Nang makapasok na kami sa loob ay agad ko namang binuksan ang mga ilaw at pinaupo si Art sa sofa. Kinuha ko ang relong suot ko at relo niya at inilagay sa isang tabi. Binuksan ko ang ref upang maghanap ng yelo at kinuha ko ang panyo niya sa kaniyang bulsa. Ibinalot ko ang yelo sa plastic pati na rin sa kaniyang panyo at inilapat sa kaniyang labi.
"Ah. Masakit." daing niya habang unti unti kong idinidiin ang yelo sa kaniyang labi.
"Hayaan mo lang para mapigilan yung pagdurugo." Paliwanag ko habang nakasandal siya sa sofa. "Dapat pala tinakbuhan nalang natin yung mga 'yun para hindi na nangyari sayo 'to." saad ko. Tumabi ako sa kaniya at umupo. Nakapikit siya ngayon at dinadaing padin ang sakit.
"Kapag hindi ko sila nilabanan, baka pati ikaw saktan din nila." sinabi niya habang ngayon ay namumuo na ang pasa sa kaniyang pisngi. "Patingin nga ng kamay mo?"
BINABASA MO ANG
In Time (COMPLETED) (BXB)
Historical FictionBuong akala ni Ash Federacion ay nag-iisa na siya sa kaniyang buhay matapos ang paghihiwalay ng kaniyang mga magulang at noong napilitan ang kaniyang nanay na maghanap-buhay. Akala niya ay mag-isa na siya at walang umiintindi sa kaniya. Ngunit lahat...