Chapter 2

2K 55 1
                                    


Dahan dahan kong naimulat ang mga mata ko at sumalubong sakin ang liwanag ng araw mula sa bintana.

"Aray!" sigaw ko ng bigla akong gumalaw kaso sumakit yung leeg ko. "Aww.." iginala ko ang paningin ko sa paligid at hindi ako pamilyar sa lugar kung nasaan ako ngayon. "What the hell!!" Iritang sigaw ko ng makitang nakagapos ang paa at kamay ko.

Nasan ako?'

"Help!!" sigaw ko habang nakatingin sa bintana.

"Kahit sumigaw ka pa diyan walang makakarinig sayo, sound proof yan"

Lalaki?'

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napalitan ng galit ang pag kagulat ko. Agad kong nilingon ang lalaki. Naka Jacket ito, itim ang buhok, may katangkaran. Pero wala kong pakialam sa itsura niya dahil kidnapper siya!.

"Who the hell are you!?" Galit kong sigaw pero hindi siya sumagot, pinagmasdan niya lang ako "Pakawalan mo na ako!"

"Hindi ako tanga para gawin yun" mahinahon niyang sabi habang papalapit sakin

"'Wag kang lalapit sakin!" sigaw ko pero pinagpatuloy niya parin ang paglalakad "I said--"

"Shh.. Ingay mo" pumunta siya sa bandang paanan ko at tinanggal ang tali ng paa ko. Akma ko siyang sisipain pero mabilis niyang nahuli ang mga paaa ko "'Wag mo ng balakin na sipain ako" seryoso siyang sabi at lumapit saakin.

"Don't touch me!!" sigaw ko

"Anong pangalan mo?" tanong niya habang tinatanggal ang tali sa kamay ko

"Pakialam mo!, pakakawalan mo na ba ako?!" sigaw ko at nangingilid na ang mga luha ko dahil sa takot pero hindi ko pwedeng ipakita yun sakanya.

Hinihintay ako ni Ate... Teka!'

Napatingin ako sa wallclock at nakitang alas Nuebe na ng umaga!. Napatingin ako sa lalaki at natapos niya ng tanggalin ang mga tali sa kamay ko. Mabilis akong bumangon at akmang babatukan siya ngunit masyado siyang mabilis kaya nakuha niya ang kamay ko at ipinako ito sa kama.

"'Wag mo akong sinusubukan miss, baka mapadali ang buhay mo" banta niya saka siya umalis sa kama

Bumangon ulit ako "Sino ka ba!?" sigaw ko

Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ako "Hindi mo na kailangang malaman kung sino ako, dahil papatayin din naman kita"

Halos malaglag ang puso ko dahil sa mga narinig ko. Bahagya akong natawa "Haha! Papatayin mo ako? Hahaha! Eh tanga ka pala eh ba't hindi mo nalang ako binaril agad nung nasa parking lot pa ako huh!?"

"Darating din tayo dun, 'wag muna ngayon"

"So ano? Pag sasamantalahan mo muna ako!? Gagawin mo akong Sex slave!?" humagulgol ako dahil hindi ko yun kayang tanggapin, mas gugsutuhin ko nalang mamatay "Hayop ka pakawalan mo na ako!" pakiusap ko habang umiiyak

"Lumabas ka na diyan, kakain na tayo"

Biglang nagbago ang ekspresyon ng muka ko dahil bigla akong naguluhan. Pagkalabas niya ng kwarto ay mabilis kong pinunasan ang mga luha ko dahil hindi umepek ang acting ko, kahit kailan talaga napakabobo ko.

"Kidnap pero may pakain?" takang tanong ko sa sarili ko.

Iginala ko ang paningin ko sa buong Kwarto at may Aircon ito. Masasabi kong nasa pangmayaman akong bahay dahil halata naman sa laki ng kwarto.

Kidnap ba talaga ito o nang pa-prank lang siya? Ano siya suitor ko? Secret admirer?, ang harsh naman nun!'

"Hindi mo na kailangang malaman kung sino ako, dahil papatayin din naman kita"

Napakamot ako sa ulo saka ko ginulo gulo ang buhok ko dahil gulong gulo na ako. Lahat ng inis ko ay nag convert sa luha.

Pumasok ako ng banyo at napanganga ng makitang kompleto ang mga gamit dito. Naisip ko tuloy na talagang pinaghandaan niya ang pag kidnap sakin. Gusto kong maligo kaso wala akong damit.

Lumabas ako ng Banyo at nakahinga ng malawag ng makita sa sofa yung mga pinamili ko. Nakagat ko ang kuko ko dahil bakit parang handa rin akong mangyari itong kalokohan na ito.

Matapos kong maligo ay lumabas ako ng kwarto at dahan dahan akong naglakad baka sakaling makatakas na ako. May nakita akong pinto kaya doon ako dumiretso.

Dahan dahan lang..'

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas ay nakalabas na ako ng pinto. Makakatakas na ako!.

Oww sh*t!'

"Anong klaseng lugar 'to?' mahina kong tanong sa sarili ko ng makitang puro punong kahoy ang nasa paligid.

"Tatakas ka?"

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may magsalita sa likod ko. Sobra akong kinakabahan dahil baka may nakatutok ng baril sa likod ng ulo ko at sa konting galaw ko lang ay baka iputok na ito. Napapikit ako.

Dito na ata ako mamamatay'

"Kung papatayin mo ako, gawin mo na" dahan dahang tumulo ang mga luha ko

"Bakit ba atat na atat kang patayin kita?"

Dahan dahan ko siyang nilingon, nagkamali ako wala siyang dalang bagay na nakakamatay. Nakapamulsa nga lang siya kaya baka nasa bulsa niya yung bomba?.

"Hindi ako takot mamatay, wala namang nagmamahal sakin eh--"

"Miss wala akong pakialam sa drama ng buhay mo, pumasok ka na at kakain na tayo" napanganga ako sa pambabara niya, inaano ko ba ito

"Kuya ano ba talagang trip mo!? Una kinidnap mo ako tapos idadala mo ako dito sa" iginala ko ang paningin ko "Sa gitna ng gubat!? Or whatever!. Sabi mo papatayin mo ako pero ayan ka! Inaaya mo akong kumain?. Ang ganda pa nitong bahay na--- aaahhh!!!" napasigaw nalang ako ng bigla niya akong binuhat na parang hayop yung parang nangaso ng hayop sa gubat.

Pabagsak niya akong ibinaba sa sahig at isinara ang pinto. Napahawak ako sa pwet ko dahil simakit ito sa pagkakabagsak. "F*ck you!" sigaw ko sakanya saka ako nag middle finger at nahinto ako ng bigla itong yumuko  at hawakan ang kamay ko ng mahigpit.

"'Wag na 'wag mong inuubos ang pasensya ko" mariin niyang sabi, galit na ata siya. Nakakatakot ang ganun niyang Awra. Pabigla niyang binitawan ang kamay ko at sobrang lakas niya. Tumayo siya at umalis sa harapan ko.

Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko dahil naiiyak na talaga ako sa mga nangyayari. Natatakot ako kung anong pwede niyang gawin sakin o kung ano man ang plano niyang gawin sakin. Itinaas ko ang dalawang tuhod ko at niyakap ko ito saka nag i-iiyak na parang batang nagtatampo.

Paano kung Cannibal pala siya? Paano kung unti unti niya akong kainin? Paano kung ilibing niya ako ng buhay? Paano kung gawin niya nga akong parausan?, mas gugustuhin ko nalang na mamatay ng biglaan kaysa sa unti unti akong pinapatay'

"Ayaw mo talagang tumayo diyan? Hindi ka ba nagugutom?"

Naramdaman ko ang prisensya niya sa harapan ko, sa baba lang ako nakatingin habang umiiyak. Nakita kong tinungkod niya ang isang tuhod niya sa sahid. Tumaas ang balahibo ko ng inangat niya ang baba ko gamit ang hintuturo niya. Pinaharap niya ako sa muka niya.

May kung ano na hindi ko malaman sa mga titig niya, para akong hinihigop nito kaya naman iniwas ko ang tingin sakanya.

"I'm Sorry"

Dahan dahan kong naibaling ang tingin sakanya dahil para akong nabingi sa sinabi niya.

Ano daw? Sorry'

I'm With StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon