Chapter 3

1.8K 52 1
                                    


Walang television, walang radio, walang gadget, walang internet at walang Cellphone!. Hindi ako mamamatay dahil sa gatilyo o sa kutsilyo, mamamatay ako dahil sa sobrang boring!. Sinipa sipa ko ang bedsheet ko at pinag hahagis lahat ng unan dahil sa sobrang inis at irita.

Gustong gusto ko ng makaalis sa lugar na ito dahil hindi na talaga ako natutuwa!. Para akong preso na nakakulong sa sosyal na kulungan!.

"Ayan may gagawin ulit ako" sarkastikong sabi ko at inaaliw ko nalang ang sarili kahit hindi ko ito kayang aliwin.

Pinulot ko lahat ng kinalat ko at inayos ang higahan ko, kalat ko linis ko atleast may nagagawa ako diba!. Napatingin ako sa pintuan.

Ano kayang ginagawa nung gagong yun?'

Lumabas ako ng kwarto at dahan dahang naglakad. Hinagilap ko siya sa kusina ngunit walang tao doon kaya pumunta ako ng sala.

Nanlaki ang mga mata ko at tinakpan ko ang bibig ko para hindi makagawa ng ingay, mabilis akong nagtago. Nakita ko siyang nag pupunas ng mga baril. Iba't ibang klaseng baril yung nakita ko. Bumuntong hininga ako at tinaggal ko ang takip saaking bibig. Naisip kong lumabas nalang sa pinagtataguan ko at puntahan siya.

Napahinto ito sa pag pupunas ng makita niya ako, saka niya rin pinag patuloy ang ginagawa niya. "Bumalik ka sa kwarto" utos niya habang abala sa pag pupunas pero hindi ko siya sinunod.

"Gusto ko yang hawak mo, pwede bang yan nalang ang gamitin mong pampatay sakin?" tanong ko at umupo ako sa tapat niya. Ewan ko ba, simula nung araw na nakarinig ako ng salitang I'm sorry mula sa bibig niya ay nag mumuka siyang mabait sa paningin ko kahit hindi naman talaga siya mabait.

Dahil kidnapper siya.

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang itutok sa ulo ko yung baril na hawak niya. Sa gatilyo lang ang tingin ko at napapikit ng bigla niya itong diinan.

Bye Earth'

Napakunot noo ako ng hindi ko pa nararamdaman na may tumama sa ulo ko kaya ibinukas ko ang mga mata ko. Nainis ako at sinamaan ko siya ng tingin ng makitang abala lang siya sa pag pupunas.

Pero pinisil niya na yung gatilyo?'

Akma kong kukunin ang yung isang baril pero tinapik niya ang kamay ko. Hindi pala yun tapik, hampas na yata yun eh masyado siyang malakas.

"Titignan ko lang kung may bala!" sigaw ko

"Malamang wala, dahil pag may bala yan kanina ka pa patay" pambabara niya

Nakakainsulto talaga siya sumagot. Nagmumuka akong bobo. "Ano bang plano mo sakin?" hindi ko na maiwasang magtanong dahil naguguluhan na ako

"Papatayin nga kita" itinutok niya sakin ang hawak niyang baril

Bumagsak ang dalawang balikat ko at hinawi ang baril na nakatapat sa muka ko "Kuya, kung papatayin mo ako dapat matagal mo ng ginawa yun, nung wala pa sana akong malay" walang gana kong sabi

"Sabi ko nga sayo darating din tayo diyan, babaliwin ko muna yung mga magulang mo kakahanap sayo"

"Sino ka ba? Bakit ka galit sa pamilya ko?" na-alarma kong tanong

"Dahil mamamatay tao ang tatay mo"

Kumabog ang dibdib ko at biglang bumigat ang paghinga ko dahil sa sinabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang bigla itong tumingin sakin at ngumisi.

"Natahimik ka?, tama ako diba?" tinutok niya ulit ang baril sakin, bigkang nagbago ang ekspresyon ng muka niya bakas na dito ang galit "Walang ginagawang mali si Dad pero pinatay siya ng walang kalaban laban, inilibing ng buhay na parang hayop" nanginginig ang boses niya sa galit

I'm With StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon