2020
Six years na ang nakakalipas pero lagi siyang nasa isip ko. Kahit wala siya ay hindi ako nag mahal ng iba, hindi ko kaya. Hanggang ngayon ramdam ko parin yung sakit at sa kinaiksi ng pag sasama namin ay napakatagal kong makapag move on. Six years na pero I'm still trying to fix myself. Kahit ipilit ko sa sarili ko na hindi na siya babalik ay hindi ko magawa.
Naisip kong mag suicide pero hindi ko yun matuloy tuloy. May kung anong pumipigil sakin na gawin yun kahit na pagod na pagod na ako sa buhay. Nag sisisi tuloy ako ang dami kong mga Sana.
Sana nalaman ko ang pangalan niya.
Sana nalaman ko kung ilan taon na siya.
Sana mas nakilala ko pa siya.
Sana hindi nalang ako bumaba ng kotse nung panahon na inihatid niya ako sa bahay namin.
Sana hindi sa ganung paraan kami nag kakilala.
Sana mas sinulit ko pa yung mga panahon na kasama ko siya.
Napakarami kong pinag sisisihan pero kailanman hindi ko pinagsisihan na mahalin siya. Dahil siya ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko.
Hindi na naulit ang pagbisita ko sa bahay niya dahil hindi ko na kayang makita ito. Masyadong maraming ala ala ang bahay na yun. Napakasaklap ng Love story ko napaka- tragic.
"Tita Trixie!" tawag sakin ng pamangkin ko
"Yes?"
"Can I play with them?" tanong niya at tinuro niya ang mga bata na para bang hinihintay
"Go, basta 'wag masyadong lalayo, ok"
"Ok" sigaw niya saka sila nagtatakbo ng mga bata.
Nasa work si Ate Celestine at nagkataon naman na day off ko kaya pinasyal ko muna ang Anak niya. Susunod nalang daw siya. Gusto daw niyang mamasyal eh kaya pinunta ko siya dito sa playground para makalanghap naman ng tunay na hangin. Hindi nga lang masyadong sariwa yung hangin dito sa lungsod pero pwede ng pag tiyagahan.
Nilabas ko ang aking Phone at nag bukas ng social media.
Napakunot noo ako ng may makita akong Picture na ang background ay ang Nomeri Solidad . Biglang bumalik sa ala ala ko yung huling nagpunta kami. Sa inis ko ay pinatay ko nalang ang Phone ko. Pumikit ako at huminga ng malalim.
Palayain mo na ako Babe, I'm tired'
"Trust me"
Ibinuka ko ang mga mata ko dahil kahit sa isip ko lang ay parang naririnig ko ang boses niya. Mali na 'to. Matagal ng wala yung tao, sa pagkawala niya kinuha niya rin yung kaligayahan ko. Inis kong binuksan ulit ang Cellphone ko para tawagan sana si Topher, yung manliligaw ko kasi message ni Ate yung nabasa ko.
:Papunta na ako diyan, How's my son?"
"Danilo!!" tawag ko sa pamangkin ko habang nakatingin ako sa screen ng Phone ko. Walang sumagot kaya mabilis kong inangat ang paningin ko, wala ako sa sariling napatayo ng hindi ko siya mahagilap. "Ow sh*t!" mariin kong sabi at napahawak ako sa noo.
BINABASA MO ANG
I'm With Stranger
FanfictionYes, may gusto ako sa killer ko. Tama siya. Huwag na kayong magtaka dahil isa akong istupida. --- COMPLETED Writteb by: Glossysaa Date started: April 6, 2020 Date ended: April 17, 2020