Chapter 11

1.5K 43 1
                                    

Inilapag ko sa harapan niya ang niluto ko. Yun yung putahe na tinuro niya sakin kaya sana pasado sa panlasa niya.

Tinitigan niya muna yun saka ibinalik sakin ang tingin "Nakakain ba 'to?"

"I hate you!" inis kong sabi sabay hampas sa braso niya

"hehehe joke lang, ito na titikman na" Sumubo siya ng isa at biglang bumagal ang kanyang pag nguya.

"Hindi masarap?" nahihiyang tanong ko, Tumingin siya sakin "Sabi na eh, akin na ipapakain ko nalang kay Sugar" akma kong kukunin ang niluto ko pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"'Wag"

"Eh?" takang sagot ko at sinubuan niya ako ng isa.

What the f.!'

Nakangiti siya sakin habang ngumunguya naman ako "Ang sarap!" nabigla kong sabi

"Congrats!" masaya niyang sabi

Walang araw na hindi siya nawala sa paningin ko. Wala kaming oras na hindi pinalagpas para bang wala ng makakapaghiwalay pa samin. Hindi man niya aminin sakin na mahal niya ako ay sapat na ang mga pinaparamdam niya para masabi kong mahal niya rin ako.

Sumasagi sa isip ko ang sitwasyon ng pamilya ko at nami-miss ko na rin sila ngunit masaya ako sa piling Niya. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Yung pinapahalagahan ako, iniingatan at ramdam ko ang pagmamahal niya sakin. Magkasama lang kami parati ay wala na akong hihilingin pa.

I fell inlove with Stranger'

Hawak hawak niya ang bewang ko habang papunta kami sa Kwarto ko, kailangan niya kasing umalis papuntang bayan para bumili ng mga stocks namin. Ang sabi niya ay isasama niya daw ako kaso tumanggi ako.

Paniguradong kalat na sa buong lungsod na nawawala ako. Marami na akong muka sa T.V at Diyaryo, panigurado din na may nakapatong ng reward sa ulo ko pag nagkataong may nakapag sauli saakin sa pamilya ko. Mahirap kumita ng pera kaya I'm sure na maraming nagkakandarapa na makita ako.

Pag nakita nila ako sa kasama siya ay malamang sa kulungan ang diretso niya o kaya naman sa simenteryo. Kilala ko si Dad, alam kong kaya niyang ipapatay ang kung sino mang bumangga sa pamilya namin.

"Gusto sana kitang 'wag ikulong diyan kaso--"

"I understand" nakangiting pag puputol ko sa sasabihin niya. Kumunot noo ako ng bigla siyang nag labas ng baril na bulsa ng Jacket niya saka niya yun inabot saakin "Bakit yan?" takang tanong ko na parang ayokong abutin yun.

"Proteksyon lang, kunin mo" utos niya

"Ayoko gumamit niyan"

"Sige na... Please"

Wala na akong nagawa kundi kunin nalang. Yan tayo eh.

"Marunong ka gamitin yan?" tanong niya at tumango naman ako "Talaga?" hindi makapaniwala niyang tanong

"Oo nga, anak din ako ng Politiko kagaya mo kaya marunong din akong gamitin 'to, ayoko nga lang gamitin" paliwanag ko

Bumuntong hininga siya at tipid na ngumiti "Basta--"

"'Wag mag iingay at 'wag magbubukas ng kurtina" pagpuputol ko ulit

"Good girl" nakangiting sabi niya at hinalikan niya ang noo ko "Babalik ako agad" niyakap niya ako ng mahigpit at gumanti rin ako ng yakap

"Sige na, para maaga karin maka uwi" kumalas ako sa pagkakayakap at pumasok na ako sa loob ng kwarto.

Dumiretso ako sa kama at nasa kanya paron ang tingin ko. Nakatitig lang ito saakin at para bang ang lungkot ng mga mata niya kahit na nakangiti ito. Pinanuod ko ang pag sara ng pinto hanggang sa maisara niya na ito ng tuluyan.

Bumuntong hininga ako at biglang nalungkot dahil namiss ko na siya agad. Inilapag ko ang baril sa maliit na table at pinuntahan ko ang pinipinta ko. Tatapusin ko nalang yun para may magawa naman ako.

Napangiti ako ng matapos ko ang parteng muka niya.

Paano kaya kung hindi niya ako kinidnap?'

Siguro hindi ako makakaramdam ng ganito kasaya. Nakakatawa lang yung fact na nakidnap na nga ako ay natuwa pa ako. So stupid.

Kaso natatakot lang ako na baka malaman ni Dad ang tungkol dito. Natatakot ako sa kung anong pwede niyang gawin.

Walong taong gulang ako nun nung nakita ko si Dad na may binaril na tao.

Naglaro kami ni Ate ng hide and seek at nag tago ako sa Compartment ng kotse ni Dad. Habang nasa loob ako ay bigla itong umandar, hindi ako nagpakita dahil sa takot na mapagalitan hanggang sa huminto ang sasakyan.

Dahil hindi ko na kaya ang init ay lumabas ako. Nahinto kami sa isang lugar na mukang tambakan ng kung ano ano. Dahil sa katigasan ng ulo ko ay pumasok ako dun.

Nakita kong may isang lalaking nakagapos ang kamay at ang mga sumunod na eksena ay hindi ko na kinaya pa. Sinabuyan nila ng kung anong liquido ang lalaki, napag alaman kong Asido yun. Itinutok ni Dad ang baril sa lalaki saka niya ito pinaputok. Dahil sa pagkabigla ay napasigaw ako nakita nila ako.

Kaya simula nun sa tuwing may naibabalitang ganung klaseng krimen ay nag papa-ulit ulit sa utak ko ang nangyaring yun. Nakakatrauma. Dahil gusto kong makasama si Dad ay wala akong pinag sabihang iba tungkol sa kung anong nakita ko. Para na rin sa kaligtasan ni Dad.

Gagawin ko lahat, hindi ka lang magaya sa lalaking yun, at sa tatay mo'

*Beng!*


Mabilis akong napatayo ng makarinig ako ng putok ng baril mula sa loob ng bahay.

Babe?'

Napatingin ako sa baril na nakalapag at mabilis kong kinuha yun. Napatakip ako sa tenga ng makarinig ulit ako ng putok ng baril. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko dahil wala akong ideya kung anong nangyayari.

Kahit gusto kong lumabas ay hindi ko magawa dahil nakalock ang kwartong kinaroroonan ko. Nanginig ang buong katawan ko at tumulo ang mga luha ko dahil sa takot. Pinunasan ko ito at pinilit kong maging matapang.

*Pag!!*

Nanlaki ang mga mata ko ng makarinig ako ng malakas na mga kalampag mula sa pintuan ko. Mabilis kong kinuha ang baril at pumunta sa sulok.

*Beng!!*

Nakakabaliw sa ingay ng sumunod na pag putok ng baril kaya siguradong nasa tapat na ng kwarto ko ang taong nag papaputok ng baril.

"Ang sabi ko kay Tito nadispatcha na kita kaya nung araw na bumisita siya itinago kita"

"Dahil pag nakita ka niyang buhay, sigurado akong mas malala pa ang gagawin niya sayo kumpara sa ginawa nila kay Dad"





Nagsilabasan ang mga butil ng pawis sa muka ko ng maalala ko ang sinabi niya.

Hindi kaya...'


"Siya yun"

I'm With StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon