Sunod sunod ang mga kalampag mula sa pintuan ng kwarto ko ang narinig ko. Nag paputok pa ito ng isa at biglang nawala ang mga ingay.Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak hawak ang baril.
Bakit nawala?, nakarating na kaya siya?'
Hindi ko maiwasang mag alala lalo na ng makarinig ulit ang ng dalawang beses na pag putok ng baril. Napatakip ako ng bibig ng makita ko ang doorknob na napihit.
Nabuksan ito ngunit..
"What are you doing!!"
Wala ako sa sariling napaupo sa sahig. Maraming mga pumapasok sa isip ko. Alam kong boses Niya ang narinig ko.
"Bakit hindi parin nakikita ang bangkay niya!?" nakakatakot na sigaw ng isang lalaki
"Hindi ba't ang sabi ko ay tinapon ko siya sa Ilog?!"
Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng bibig dahil sa mga narinig ko. Naririnig ko ang mga sigawan nila dahil medyo bukas na ang pintuan.
"Siguraduhin mo lang na napatay mo yun!"
"Ano namang rason para hindi ko siya patayin!?"
"Sinisigurado ko lang--"
"What the hell! Pumunta ka dito at nanira ka ng gamit para lang sa bagay na may kasiguraduhan na!, bigyan mo ako ng rason para hindi ko patayin yung anak ng tarantadong lalaking yun!" sigurado akong si Dad ang tinutukoy niya
Sandaling natahimik sila.
"I'm sorry Iho--"
"Now leave!!"
"I'm going to San Francisco next week so take care"
Salamat naman'
Nanginginig parin ang mga kamay ko sa nerbyos kahit na may ideya akong nakaalis na ang lalaki.
Nabigla ako ng biglang nagbukas ang pinto at nagtama ang paningin naming dalawa. Tumayo ako at Mabilis niya akong nilapitan at niyakap.
"I'm sorry" usal nito habang nanginginig ang boses
"N-natakot ako" umiiyak kong sabi
"I know... Pero nandito na ako, wala ka ng dapat ikatakot"
"'Wag mo na akong iiwan ulit.. Please.."
Hindi siya sumagot at mahigpit niya lang akong niyakap.
Matapos ang nakakatakot na pangyayaring yun ay inayos niya lahat ng nasirang doorknob ng tito niya. Ako naman ay sinusundan ko lang siya. Para bang ayoko ng lumayo sakanya, ang gusto ko lagi ko siyang nakikita.
"Tanggalin mo na yang Jacket mo, pag papawisan ka diyan" walang gana kong sabi habang pinapanuod siya sa ginagawa niya.
"No, not today" seryoso niyang sabi habang abala
"Siguro may tinatago ka diyan, siguro may tattoo ka diyan na pangalan ng babae" inis kong sabi at umirap sa kawalan
Pasimple ko siyang sinulyapan at kunwareng nakatingin sa mga kuko ko. Tumayo siya at binuksan ang Zipper ng Jacket niya. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa mga kuko ko ng makita ko siya sa peripheral vision ko na hinubad ang jacket niya.
Nakasando siya!'
"Hm.. Tignan mo" hinawakan niyang ang pisngi ko at pinaharap sakanya "May nakikita ka?"
Napatingin ako sa braso niyang maputi at bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko ang muscle at mga ugat na napaka attractive. Hindu naman ganun masyado kalaki ang katawan niya, sakto lang talaga kaso Medyo nakakatakot lang kasi dahil parang kaya niya akong ibalibag.
"Teka mag huhubad ako"
Akma niyang tatanggalin ang sando niya pero pinigilan ko siya sa balak niya. Awkward.
"'Wag na 'wag na!, Child abuse ka!"
"Child?" bahagya siyang natawa "Magaling humalik? Child?" pang aasar niya "Child mo muka mo"
Hinampas ko siya sa braso "Bad boy!"
"Yes I'm a bad boy so I like bad girls like you" kinindatan niya ako kaya uminit na naman ang muka ko "Hindi naman blush on ang kindat ko" nakangisi niyang sabi at bumalik sa ginagawa niya
"Whatever!" napikon na ako at wala na akong masabi tss.
Pagkatapos kong maligo ay nag diretso ako sa kusina at nakita kong abala siya sa pag luluto habang basa pa ang buhok niya. May towel pa na nakasampay sakanyang isang balikat. Gusto kong mag tatalon sa kilig dahil hindi na siya naka jacket, naka t-shirt siya ng itim at maong na pants.
Likod palang ang gwapo na!'
Niyakap ko siya sa likod, gustong gusto ko yung gawin. Gustong gusto kong maramdaman ang init ng katawan niya.
"Bata, mapaso ka"
Kumunot noo ako "Anong bata!?"
"Akala ko ba Child ka?" nakangiti niyang sabi
"Yan ka na naman, ang galing mo talagang mang asar" reklamo ko
"Hm hm hm.. Ok sorry" nilagay niya ang isang kamay niya sa likod ko papunta sa kabilang braso ko at pinisil niya ito. "Tikman mo 'to" kumuha siya sa niluluto niya saka niya ito inihipan.
Naitama ko ang paningin ko sa labi niya, parang gusto ko na naman siyang halikan. Nagising ako sa reyalidad ng makita kong nasa tapat ko na yung kutsara kaya sinubo na niya sakin.
"Pwede na" kunwareng sabi ko pero masarap talaga, hindi na bago yun.
"Huh?" kunot noo niyang sabi at kumuha ulit, inihipan at tinikman."Ok naman ah"
"Eh bakit? Ano bang sabi ko? Sabi ko pwede na diba?"mataray kong sagot at umirap sa kawalan
"Hoy"
"Oh?" taas kilay kong sambit
Binitawan niya ang kutsarang hawak niya saka humarap sakin "Aba, ang sungit mo ah.." pinisil niya ang magkabilang pisngi ko at pinanggigilan "Ang sungit sungit"
"Ouch!" reklamo ko at hinawi ang dalawang kamay niya.
Hinalikan niya ako ng paulit ulit sa pisngi at labi na para bang sabik na sabik siya sakin.
"Wait nga lang" pag papahinto ko sakanya
"Bakit?" tanong niya at dahan dahan itong ngumiti
"Anong nakain mo?" takang tanong ko
"Wala, gusto lang kitang halikan" mabilis niyang sagot at hinalikan ulit ako sa labi.
Para bang mapupudpod na ang labi at pisngi ko.
Napakunot noo ako ng may maamoy akong nasusunog.
"Babe yung niluluto mo!"
"Oh sh*t!" taranta niyang pinatay ang flat top stove at natawa naman ako dahil sa kalandian niya.
(A/N: pasintabi po sa mga single diyan, na kagaya ko)
BINABASA MO ANG
I'm With Stranger
FanfictionYes, may gusto ako sa killer ko. Tama siya. Huwag na kayong magtaka dahil isa akong istupida. --- COMPLETED Writteb by: Glossysaa Date started: April 6, 2020 Date ended: April 17, 2020