Chapter 13

1.5K 46 2
                                    


Tatlong araw...

Tatlong araw na ang nakakalipas nung huli niya akong hinalikan. Nung huling nakita ko siyang masaya dahil sakin.

Biglang nagbago ang ihip ng hangin. Ramdam ko ang bigla niyang pag babago at panlalamig ng pakikitungo niya sakin. Hindi ko alam kung anong dahilan. Hindi ko alam kung anong problema. Hindi ako nag tanong dahil alam kong wala rin akong makukuhang sagot.

Gusto kong iparamdam sakanya na parang walang nangyayari, na ok parin kami. Na masaya parin kami sa isa't isa, kahit na pakiramdam ko ay ako nalang ang natutuwa sa aming dalawa. Iniisip ko nalang na baka gusto niyang ipakita ang ganung side ng pagkatao niya sakin. Gusto kong isipin na sinusubukan niya lang ako kung matatagalan ko siya.

"Babe?" tawag ko sakanya at ng mag tama ang paningin naman ay iniwas niya ang tingin sakin na parang walang narinig.

Masakit, sobrang sakit. Kasama ko siya sa iisang bahay, masikip ang mundo namin pero bigla nalang na hindi ko na siya maabot.

Maayos naman talaga kami eh, hindi kami nagtalo. Pag kagising ko nalang isang araw ay bigla na siyang nanlamig. Halos puputok narin ang utak ko sa kakaisip kung may nagawa ba akong mali.

Wala nga ba akong nagawang mali o dahil sa istupida ako ay baka nakagawa ako ng mali na hindi niya ikinatuwa. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Hindi na ako natutuwa. Kasama ko nga siya pero na-mimiss ko na siya.

Miss ko na yung dating siya.

Miss ko na yung pang aasar niya.

Miss ko na yung katabi ko siyang matulog.

Miss ko na yung yakap at halik niya.

Ano bang problema?'

Naisip ko nalang na mag kulong sa kwarto para makapag isip isip. Dahan dahang tumulo ang luha ko ng makita ko ang ginawa kong painting. Natapos ko na yun, dahil napadalas ang tambay ko dito sa loob ng kwarto gawa ng hindi niya naman ako pinapansin.

Mabilis akong nag punas ng luha ng makita kong biglang nagbukas ang pintuan. "Babe" usal ko at pilit akong ngumiti

"Mag impake ka, aalis tayo"

Natigilan ako sa sinabi niya "H-huh?" naguguluhan kong sambit. Tuluyan na siyang nakapasok sa loob at dumiretso siya sa Aparador, binuksan niya ito. Mabilis akong umalis ng kama at nilapitan siya. "Saan tayo pupunta?"

Hindi niya ako sinagot. Kinuha niya ang isang malaking bag at nilagay ang nga gamit ko dun. Hinawakan ko ang kamay niya kaya nahinto ito.

"Saan tayo pupunta?" nag aalalang tanong ko

"Tulungan mo nalang ako dito" kunot noo niyang sagot at para bang galit na ito kaya binitawan ko ang kamay niya.

Nangilid ang mga luha ko habang pinapanuod siya para bang naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Gulong gulo na ako sa mga nangyayari, gusto ko ng bumalik sa dati.

Naitama niya ang paningin niya sakin "P*cha naman trixie!" galit niyang sigaw at padabog na binitawan ang hawak hawak niyang damit. "Ang sabi ko, tulungan mo ako hindi ko sinabing umiyak ka!"

"Ano bang problema? Bakit ka biglang nagkaganyan? May mali ba akong nagawa?" mga tanong ko habang humihikbi

Hindi niya ako sinagot at nag patuloy lang siya sa pag liligpit ng mga damit ko. Ang sakit sakit na talaga.

Kaunti lamang ang gamit ko kaya mabilis niya yung naligpit. Binuhat niya ang bag at ibinaling sakin ang tingin. "Hihintayin kita sa labas" malamig niyang sabi saka siya lumabas ng kwarto.

I'm With StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon