Hindi ko sigurado kung tatlong araw na ba ang nakalipas simula nung nangyari na iyon. Parang ang bilis ng araw pag kasama ko siya, bawat araw ay bitin na bitin ako na parang ayoko ng tapusin pa.Nagbago ang pakikisama niya sakin, mas naging maingat siya sa mga kilos niya. Pakiramdam ko napaka espasyal ko sakanya dahil sa pinaramdam niya. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganun.
"Sino yan--"
"Ah!" sigaw ko sa gulat ng biglang may bumulong sakin mula sa likuran ko. Muntik ko ng mapinturahan yung muka ng pini-paint ko, muntik tuloy masira!.
"Boyfriend mo?" tanong niya at umupo siya sa katabing upuan ko. Tumingin siya sa tanawin at pinatunog ang kanyang leeg.
"Hindi pa" sagot ko. Napairap ako sa kawalan dahil napakabulag niya!. Hindi niya ba nakikitang siya ang pinipinta ko!? O nag bubulag bulagan lang siya.
"Hindi pa" tumatango niyang sabi habang hindi nakatingin saakin
Bumalik ako sa pag pipinta at pasimple akong sumusulyap sakanya para matignan ang bawat detalye ng muka niya. Itutuloy ko na sana abg gagawin ko pero bigla akong nahinto ng matitigan ko ang muka niya.
Huminga ako ng malalim at bahagyang napangiti.
"Alam mo" paninimula ko at tumingin naman siya sakin
"Hm?"
"Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon" sincere kong sabi habang nakangiti
Tinaas niya ang isa niyang kilay at ngumisi "Patay na patay ka talaga sakin 'no"
Nawala ang ngiti ko at nanliit ang mga mata ko "Mahal lang kita pero hindi ako patay na patay! Magkaiba yun!" Mariin kong pag tatanggi saka ko siya inirapan at bumalik sa pag pipinta
"Galit ka na niyan?"
"'Di ah" mataray kong sagot
"Lakas ng loob mong sabihin na mahal mo ako, samantalang pinipinta mo sa harapan ko yang lalaki mo"
Kumunot noo ako dahil biglang nagseryoso ang tono ng pananalita niya. Tumingin ako sakanya at nakita kong magkasalubong ang kilay niya habang nakatingin sa pinipinta ko. Nakakatawa pala siya.
"Lakas ng loob mong mag reklamo samantalang hindi mo man lang makita kung sino 'tung pinipinta ko" sagot ko
Nawala ang pagkasalubong ng kilay niya at hinawakan niya ang kanyang muka habang nakatingin parin sa pinipinta ko. Dahan dahan niyang ibinaling saakin ang tingin.
"Kamuka ko?" nagtataka niyang tanong
"Akala ko Genius ka" bored kong sagot. Dahan dahan siyang napangiti at mas lalong itinapat niya ang muka niya sakin. "Anong ginagawa mo?" takang tanong ko
"Pag aralan mo pa muka ko para gumanda yang Master piece mo" tipid na ngiti niyang sabi
Naramdaman kong biglang nag init ang muka ko. Iniwas ko ang tingin sakanya pero hinawakan niya ang pisngi ko at pinaharap ulit sakanya.
"Namumula ka babae" nakangisi niyang sabi
Halos sumabog na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito kaya nilagyan ko siya ng pintura sa muka para lumayo.
"What the--" nabigla niyang sabi matapos ko siyang lagyan ng pintura sa pisngi
"Yan.. Landi pa" nakangisi kong sambit habang natatawa
"Trixie naman.. Pag ako nagkatigyawat at nag hanap ka ng iba aanakan talaga kita" reklamo niya habang pinupunasan niya ang nilagay kong pintura sa pisngi niya.

BINABASA MO ANG
I'm With Stranger
FanfictionYes, may gusto ako sa killer ko. Tama siya. Huwag na kayong magtaka dahil isa akong istupida. --- COMPLETED Writteb by: Glossysaa Date started: April 6, 2020 Date ended: April 17, 2020