Epilogue

2.4K 127 66
                                        


Habang nasa daan kami patungo sa bahay niya ay hindi maubos ubos ang mga tanong ko at sa wakas ay nakaka-kuha na rin ng sagot.

"Sumama ako kay Tito sa San francisco dahil may bahay kami dun na minana ko, yung bahay na yun bago ako umalis binenta ko na kasi ayoko ng bumalik dun"

"Bakit naman? Sayang" nanghihinayang kong sagot

"Hindi sayang yun, ginamit ko yung pera sa negosyo ko, nagpatayo ako ng isang restaurant dito tapos bumenta, ayun nagkaroon na ng Five branches, kaso sa ibang bayan pa yun"

"Wow, sobrang successful mo na pala samantalang ako empleyado parin sa isang kompanya"

"Edi mag resign ka, pag nagpakasal na tayo magiging housewife ka nalang"

"What!?"

"Biro lang, magtulungan tayong palaguin yung negosyo natin"

"Natin?... Sayo yun"

"Siguro nung wala ako, nagkaroon ka ng mga manliligaw 'no?" pag iiba niya ng usapan

"Marami kaso basted lahat" walang gana kong sabi

"Grabe... Tsk. Tsk. Matindi tama mo sakin ah" bahagya siyang natawa

"Yan ka na naman, matapos mo akong iwan at hindi nagpakita ng anim na taon, mang aasar ka pa" inis kong sagot.

"Sorry na nga, ito na nga ako oh..."

"Kailan ka pa bumalik?"

"Last month"

"Last Month pa!? Lintek naman, bakit hindi ka nagpakita agad?" reklamo ko

"Paano ako magpapakita kung hindi naman kita nakikita?. Hinanap kita Trixie nagpapasalamat nga ako dun sa pamangkin mo eh dahil sakanya, may inuuwi ako ngayon" nakangisi niyang sabi. Hindi parin nagbabago, magaling parin bumanat.

"Nung nawala ka... Halos mamatay ako sa lungkot ang buong akala ko talaga nag pakamatay ka na eh" malungkot kong sambit

"Trixie naman, kung magpapakamatay man ako hindi ko parin kayang ilibing ang sarili ko ng ganun, isipin mo paano ko tatakpan ng lupa ang sarili ko kung patay na ako?"

"Malay ko kung nilibing mo yung sarili mo ng buhay? Ganun yung takbo ng utak ko dati" depensa ko sa sarili ko

"Sa bagay ang bata mo pa nun"

"Kahit man lang sana nagpaalam ka sakin na aalis ka, kaso wala!"

"Hmm.. 3 years akong nag stay dati sa San francisco saka ako bumalik dito para magbakasyon ng isang buwan--"

"Look! Hindi mo ako hinanap! I hate you" nangilid ang mga luha ko dahil naalala ko kung gaano ako nahihirapan dahil sa lungkot dati.

"Hahanapin sana kita kaso, napaka isip bata ko pa nun ang naisip ko baka pag nakita kita at nagkataong may kasama kang ibang lalaki, baka mabaril ko pa yung lalaki" bahagya siyang natawa "Lalo nung nabalitaan kong hindi yung Dad mo ang pumatay kay Daddy, gusto ko talagang barilin yung sarili ko sa sobrang katangahan ko, nang kidnap pa ako ng bata"

"Sana nagpakita ka parin! Nakakainis ka talaga" inis kong sagot

"Sorry na nga, ang Bata pa natin nun kaya ganun ako mag isip padalos dalos. Ngayon ka pa ba magagalit? Eh magkasama na nga tayo"

"Bata? Bakit ilang taon ka ba nung kinidnap mo ako?"

"21"

Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makapag salita dahil sa pagkabigla. "What!?.. 21 ka lang nun!? Pero ganun ka na mag isip!?" hindi ko makapaniwalang sigaw at ngumiti naman siya.

I'm With StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon