Chapter 8

1.6K 43 2
                                        


Mabilis kong nginuya lahat ng kinakain ko at ng nahinto ako ng mahuli ko siyang nakatingin saakin.

"Para kang patay gutom" seryoso niyang sabi

Bahagya naman akong natawa at uminom ng tubig "Tambay ulit ako sa balcony mo ah"

"No, ikukulong kita ngayon"

"Huh!?" malungkot kong sabi "Pwede bang" nag turo ako sa taas "Sa second floor mo ako ikulong?" pakiusap ko at umiling lang siya.

Halos mag dadalawang linggo na ata ako dito sa mamahaling kulungan na ito. Dalawang linggo narin ata pero hindi ko parin alam ang pangalan niya. Hindi niya rin tinatanong kung anong pangalan ko, kaya hindi niya rin alam. Sa dalawang linggo naming pag sasama sa isang bahay ay masasabi kong mas naging komportable sakanya.

Ang wierd lang kasi kahit alam kong papatayin niya ako soon ay komportable parin ako sakanya.

Stupid na nga wierd pa!'

"Bakit mo ako ikukulong?" malungkot kong tanong ng makarating kami sa tapat ng kwarto ko.

"May kailangan akong puntahan"

"Saan?" mabilis kong tanong

"Mind your own business"

"Paano kong ikaw yung business ko?" stupido kong tanong

Hindi niya ako sinagot at pinihit ang doorknob "Pasok" walang gana niyang utos pero umiling ako. "Ayaw mo?"

"Sabihin mo muna kung saan ka pupunta"

Bumuntong hininga siya "Sa bayan, wala na tayong stocks kaya kailangan ko ng bumili--"

"Great! Magpapakabait ako pag binilhan mo ako ng Tatlong canvas, isang set ng paint at isang set ng paint brush" masaya kong sabi at kumunot ang noo niya

"May pinatago kang pera?" pambabara niya "'Wag kang magbubukas ng kurtina" bilin niya pa

Huminga ako ng malalim at nag pout, pumasok ako sa loob ng kwarto at dumiretso sa kama. Tinignan ko lang siya hanggang sa maisara niya ang pinto.

"Walang gadget, walang tv, walang radyo, walang balcony, walang sariwang hangin, walang magawa" malungkot kong sabi saka ko ibinagsak ang katawan ko sa kama at napatingin sa kisame.

Dahan dahan akong napangiti "Pero merong siya "

Yes, may gusto ako sa killer ko. Tama siya. Huwag na kayong magtaka dahil isa akong istupida.

Nawala ulit ang ngiti ko ng maalala ko ang pamilya ko. Sigurado akong sobra na silang nag aalala saakin. Hindi ko rin kasi sigurado kung dalawang linggo na ba talaga ko ditong nakakulong kasi wala naman akong makitang kalendaryo.

Malapit na nga yung birthday ko eh kaso hindi ko kailan kung kailan yun darating dahil wala ngang kalendaryo.

"Hay!" nagbuga ako ng hangin.

Siguro nasa T.V na ako at pinag hahanap ng marami, baka mas lalong nagagalit sakin si Tita Carmen dahil isa akong sakit sa ulo'

"Ano na kayang nangyayari sa labas?" tanong ko sa sarili ko

Buti nalang at wala akong mga kaibigan, konti lang ang mag aalala sakin'

Simula bata ay wala akong naging kaibigan dahil yun ang bilin samin ni Dad, ang huwag basta magtiwala sa mga tao.

Pero pag dating sakanya, isang "Trust me" lang taob agad ako'

"So wierd"

Sa dami kong naiisip ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Wala namab kasi akong ibang pwedeng kausapin dito kundi ang sarili ko. Kaya pag labas ko hahanapin ko si Sugar at ipipirmi ko na siya dito sa kwarto ko, I mean kwarto ni Mr. Whatever.

I'm With StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon