Chapter 7

1.6K 43 1
                                        


Pagkatapos kong mag toothbrush at mag hilamos ay kinalkal ko lahat ng mga pinamili ko noon. Buti nalang talaga at nag shopping ako, at buti at naisip ni Mr.whatever na dalhin itong mga pinamili ko infairness sakanya ah. May konsiderasyon.

Walong panty, limang bra, isang dress, dalawang shirt at tatlong pants.

"Hay! Makaka survive ba ako dito?" irita kong tanong sa sarili ko saka ko ulit iniligpit ang mga ito.

Lalabas sana ako ng kwarto pero naka lock ito kaya sinuntok ko ang pintuan dahil sa inis "Aray!" at nasaktan ako.

So stupid'

Nag walling ako sa pader habang hindi maipinta ang muka.

I miss my home'

*Sniff sniff* humikbi nalang ako dahil sa bigat ng dibdib ko. Ganito ako sumabog, iniiyak ko nalang lahat.

"Ate.. Dad... Yaya Claridad" umiiyak ako habang binabanggit ang mga pangalan nila dahil sobrang miss ko na sila, sana lang miss din nila ako.

Nagbukas ang pinto pero hindi ko parin itinigil ang pag iyak. Gusto kong gumaan ang pakiramdam ko. Kahit mag paawa pa ako sakanya at umiyak pa ako ng dugo ay hindi parin naman niya ako pakakawalan at papatayin niya parin ako, kaya ano pang rason para itago ko sakanya ang pag iyak ko.

Pumunta ito sa harap ko at inangat ko naman ang paningin ko sakanya habang tuloy tuloy parin ang pagtulo ng mga luha ko. Seryoso lang itong nakatingin sakin.

"What?" umiiyak kong tanong. Sinundan ko siya ng tingin ng tinungkod niya ang kanyang isang tuhod sa sahig para pumantay sakin. "I miss them *Sniff sniff* , k-kung may kasalanan man si D-dad s-sorry na.." pakiusap ko na parang bata. Hindi ko mapigilan ang pag iyak ko. This is so stupid.

"Sorry, pero hindi kita pwedeng pakawalan"

Ang lungkot ng mga mata mo'

Tinakpan ko ang muka ko at humagulgol. Pinunasan ko ang mga luha ko saka ako tumayo. "Tayo" Tumayo siya at humarap saakin, hindi parin nag babago ang ekspresyon ng muka niya "Saktan mo ako" utos ko at hinawakan ang dalawang kamay niya at hinampas hampas sa braso ko. "Come on! Saktan mo ako!" hamon ko at pabigla kong ibinaba ang mga kamay niya.

Tumulo ulit ang mga luha ko at pinunasan ko ito. Tinulak ko siya ng paulit ulit, paulit ulit ko siyang hinampas sa balikat para maubos ko ang pasensya niya. Again, this is so stupid. "Ano ba!? Hindi ka ba gaganti!? Akala ko ba papatayin mo ako!? Sige na! Pahirapan mo na ako baka sakaling dun ka sasaya--"

Napahinto ako ng bigla niyang hinawakan ang bewang ko at mabilis niya akong pinahiga sa kama. Ipinako niya ang dalawang kamay ko at tuluyan narin akong napako sa mga mata niya.

"Subukan mo pang umiyak sa harapan ko baka hindi ako makapag pigil--"

"Na patayin ako, As I told you I'm not--"

Napahinto ako sa pag sasalita ng bigla niyang idampi ang kanyang labi sa labi ko. Nakabukas lang ang mga mata ko habang hinalikan niya ako. Bigla akong nakaramdam ng panghihina dahilan kung bakit ako dahan dahang napapikit.

Habang naghahalikan kami ay naramdaman ko ang kanyang kamay na nakahawak na sa aking magkabilang pisngi.

Naimulat ko ang mga mata ko ng maramdamang wala ng nakapatong sakin. Nakatayo siya habang nakatingin sakin. Parehas kaming nag hahabol ng hininga.

"I'm sorry" yun lang ang sinabi niya saka siya lumabas ng kwarto.

Wala ako sa sariling napahawak saaking labi habang nakatingin sa kisame.

Kidnapper ang first kiss ko?'

Dahan dahan akong napangiti ang alam ko lang ngayon ay tumatalon ang puso ko sa tuwa. Hindi ko dapat yun maramdaman pero ganun nga ang naramdaman ko. Hindi ko yun mapigilan.

Gusto ko yung nangyari, ginusto ko.

Mga tatlong oras akong nag stay sa kwarto at hindi lumabas. Pero kailangan kong lumabas para manghiram ng damit dahil wala na akong isusuot, mag mumuka akong timang kung mag susuot ako ng dress.

Lumabas ako ng kwarto at nag libot libot para hanapin siya. Hanggang sa makita ko siya sa tapat ng pinto na nakatayo. Dahan dahan akong lumapit sakanya at mahina kong hinila ang damit niya sa likuran kaya nilingon ako nito.

Nag magtama ang paningin namin ay bigla akong nakaramdam ng hiya "Uhm.. P-pwede bang p-pahiram ako ng damit?" nahihiya kong tanong

Isinara niya ang pinto at naglakad papasok. Sinundan ko naman siya hanggang sa makarating kami sa isang kwarto, malamang yun siguro yung kwarto niya. Binuksan niya ito at akma akong susunod sa loob pero isinara niya ang pinto kaya naghintay nalang ako sa labas.

Maya maya pa ay nagbukas na ang pinto at binigay niya sakin ang limang pirasong tshirt na nakatupi ng maayos saka siya umalis sa harapan ko "Thank you" pahabol ko sakanya.

Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko ang tshirt na pinahiram niya at nagmuka akong hanger dahil sa laki nito, pero no choice, aarte pa ba ako?. Nakatingin ako sa salamin habang nagsusuklay ng buhok at ng maitama ko ang paningin saaking labi ay napangiti na naman ako.

He's such a good kisser'

Hindi dapat ako kinikilig pero atleast maranasan ko naman yun bago niya ako patayin diba. Nakakatawa lang yung fact na ang first kiss ko ay isang kidnaper at natuwa pa ako. Tama nga yung naisip ko na kung mabuti lang siyang tao ay baka magustuhan ko talaga siya.

But, why not?. Kung magustuhan ko man siya why not?'

Napahinto ako sa pagsuklay dahil napaisip ako bigla.

Hindi ko pa nararanasang magmahal, kaya anong alam ko sa pakiramdam ng nagmamahal?. Hindi ako aware sa feeling nun, mamamatay ako ng hindi ko man lang nasusubukang magmahal.

"Whatever" bored kong sabi sa repleksyon ko sa salamin at nag suklay ulit.

Nakidnap na nga ako at papatayin, yun parin ang iniisip ko! So Stupid trixie!'

Lumabas ako ng kwarto at hinanap siya ng mga mata ko. Nakita kong bukas ang pinto kaya lumabas ako, baka nasa labas siya. Iginala ko ang paningin ko sa paligid at nag lakad lakad.

Wala ako sa sariling napangiti dahil sa sarap ng sariwang hangin. Ang sarap huminga, ang presko. I can say that kaya kong mamuhay sa ganito lang. Atleast dito, ligtas ako, may nalalanghap na sariwang hangin, walang magbabawal sakin well, meron pala si Mr. I dont know his name.

Napatingin ako sa taas at nawala ang ngiti ko ng makita siya sa balcony. Nakapamulsa siya habang nakatingin saakin. Taranta akong pumasok sa loob at isinara ang pintuan.

"Tatakas ka?"

Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla siyang sumulpot. Nakaharap parin ako sa pinto. Mariin akong napapikit at huminga ng malalim saka ko siya nilingon.

"Ako? Tatakas? Nasa gitna tayo ng gubat so paano? Paano ako tatakas!?" inis kong sigaw saka ako nag lakad hanggang sa malampasan ko siya.

"Bakit hindi? Kung talagang gusto mong makatakas, gagawa ka ng paraan. Nakalabas ka na kanina pero hindi ka tumakbo paalis"

Napairap ako sa kawalan saka ko siya nilingon "Pag tumakas ako mas mapapadali ang buhay ko dahil sa mga wild animals dito"

"Akala ko ba hindi ka takot mamatay?" nakangisi niyang tanong

Ow sh*t that smirk'

"Akala ko din eh, kaso may narealize ako... Gusto ko munang mag mahal bago mamatay" sincere kong sagot

Nawala ang ngisi niya at natahimik. Nag kibit balikat lang ako saka ko siya tinalikuran.

Nang maitama ko ang tingin sa hagdan ay dali dali akong umakyat. Hindi ko pa nakikita ang second floor kaya atat na atat akong umakyat. Namangha ako sa ganda ng bahay, mas malaki ang bahay namin pero mas gusto ko ang disenyo nito.

Walang kwarto ang second floor at muka itong living room, living room na walang T.V. tss.

Nang makita ko ang balcony ay agad akong pumunta dito.

I'm With StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon