Nakatingin lang ako sakanya habang iniihipan niya yung napaso kong kamay. Ibinaling niya ang tingin saakin ka iniwas ko ang tingin sakanya. Inilayo ko ang kamay ko sakanya at naghanap ako ng pwede kong lutuin."Ako na magluluto, umalis ka na diyan"
Hindi na ako nagmatigas pa dahil baka isubsob niya yung muka ko sa Flat top stove. Mabilis akong umalis at umupo sa tapat mesa. Iniihipan ko parin yung napaso kong kamay.
"Lagyan mo yan ng toothpaste" utos niya ulit habang nakatalikod sakin dahil abala na siya sa pag luluto.
Sumunod nalang ako, mabilis akong pumunta sa kwarto para malagyan ko na ng toothpaste itong napaso kong kamay.
Muka akong timang na umiiyak habang nilalagya ng toothpaste ang napaso. Inihipan ko ulit ito dahil mahapdi parin. Pinunasan ko ang mga luha ko at nag inhale exhale ako para kumalma ako ng kaunti. Nang medyo maayos ayos na ang pakiramdam ko ay lumabas na ako kwarto para bumalik sa kusina.
Mahirap na baka hanapin ako tas tutukan ulit ako ng baril. Nakaka trauma din pala yung paulit ulit kang tutukan ng baril.
Naupo ulit ako at abala parin siya aa pag luluto "N-nalag" inayos ko ang boses ko dahil halatang nanginginig parin ako "Nalagyan ko na ng toothpaste" tuloy tuloy kong sabi.
Maya maya pa saglit ay natapos na siyang mag luto. Pinanuod kong siyang nag hahanda dahil pakiramdam ko sa lahat ng ikikilos ko ay puro mali at isang maling kilos ko lang ay baka maubos na ang pasensya niya bigla nalang akong katayin. Nakakatakot siya.
Nag umpisa na kaming kumain ng walang kumikibo. Napilitan din akong kainin ang niluto niya ng walang reklamo. Hindi naman kasi nawawala sa isip ko na baka nilalagyan niya yun ng kung anong lason. Bahala na kung malason.
Bawat tingin niya sakin ay kumakabog ang dibdib ko. Ang hirap ng ganitong sitwasyon, na makasama ang isang kidnapper o killer sa iisang bubong. Lalo kong nami-miss ang pamilya ko.
Mahina akong bumuga ng hangin dahil biglang sumikip ang dibdib ko. Nakayuko lang akong kumakain dahil natatakot akong magtama ang paningin namin.
Nanginginig ang mga kamay ko habang kumakain, gusto ko mang pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko magawa.
"I'm sorry"
Dahan dahan kong inangat ang muka ko at tumingin sakanya. Nangilid ang mga luha ko, dahil sa wakas narinig ko na rin yun.
"Ang hirap sayo, kailangan ka pang takutin para sumunod. Ganyan ka ba pinalaki?, wala ka sa bahay niyo miss. Nandito ka sa puder ko kaya makisama ka.... Malinaw?" mahinahon niyang sabi
Mabilis naman akong tumango habang nag pipigil ng luha. Para ako ngayong bata na sinesermonan pagkatapos mapalo.
"Bakit ka nanginginig?"
"N-natakot.. A-ako" halos hindi ako makapag salita. Sa sobrang kaba ko ay parang nag lo-lock yung paghinga ko dahilan kung bakit hindi ako makapag salita ng diretso.
Hindi na siya sumagot hanggang sa matapos kaming kumain. Maghuhugas na sana ako ng pinggan kaso inunahan niya ako. Nagpunta nalang ako sa sala para pakalmahin ako sarili ko.
Hawak ko ang dibdib ko habang nag e-inhale exhale.
Nag sorry na siya, ok na.. Take a deep breath and calm down trixie'
Nabigla ako ng bigla siyang sumulpot at umupo sa sofa na kinauupuan ko din taranta akong tumayo.
"Saan ka pupunta?"
"S-sa kulungan ko?" hindi ko siguradong sagot
"Dito ka lang maupo ka"
Ayan na naman'
Bumalik ako sa pag kakaupo. Mga tatlong dangkal ang layo namin sa isa't isa. Nakayuko lang ako at nag papakabait. Baka sakaling pakawalan niya na ako.
"Patingin--" nahinto siya sa pag sasalita ng akma niyang kukunin ang kamay ko pero awtomatiko akong lumayo sakanya. Nabigla lang ako kaya ko yun nagawa kaya lumapit ulit ako.
"H-hindi na mahapdi" sambit ko
"May sakit ka ba sa puso?"
"Wala po" mahina kong sagot
"Ilan taon ka na?"
"18 po"
Narinig ko ang mahina niyang pag tawa kaya napakunot noo ako.
"Bata mo pa pala, kaya pala matigas yang ulo mo"
"Oo bata pa ako, ang bata ko pa para mamatay" bumalik ulit yung galit ko pero hindi ko yun pinahalata.
"Ang tapang mo ah"
"Baka nagmana ako sa tatay ko" mabilis kong sagot
"Anong pangalan nung kasama mo sa Mall?"
Tumingin ako sakanya "Bakit?" nagsalubong ang kilay ko. Hindi na ako magtataka kung nakita niya si Ate sa mall dahil siguro naman ako na bago niya ako kidnapin ay minamanmanan niya na kami.
"Ganun yung mga tipo ko" nakangisi niyang sabi
Napangisi din ako "Well... Sorry hindi yung mga kagaya mo ang type ni Ate"
"Oh... So yun pala yung Ate mo, yung magaling sa lahat" tumatango niyang sabi
Bigla tuloy akong nanliit "Oo siya yun" mahina kong sagot
"Kung hindi lang siya anak ng taong pumatay sa tatay ko, malamang magugustuhan ko siya"
Sa sinabi niyang yun ay parang nahati ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko ugaling magsinungaling sa sarili ko. Parang nasaktan ako.
"S-siguro nga" sagot ko
"Payag ka, ligawan ko Ate mo?"
Nagsalubong ang kilay ko "Hindi, hindi ako papayag na mapunta siya sa kagaya mo" sabi ko habang nakatingin sakanya
"Tsk. Buti nalang hindi siya yung kinidnap ko.. Kasi baka hindi ko siya kayang patayin"
Ang sakit na talaga ah!'
"Tapos ako" nangilid yung luha ko, na naman! "Ako kaya mong patayin, kasi hindi mo ako type?" tanong ko habang nag pipigil ng luha
"Exactly" nakangisi niyang sabi
"Sabagay, hindi kita masisisi diyan, si Ate kasi mahal yun ng marami eh. Ang sarap sigurong maging si Ate"
"Dahil siya yung type ko?"
"Oo" nahinto ako at nanlaki ang mga mata ko dahil nabigla rin ako sa sagot ko. Nakita ko siyang ngumisi "H-hindi! Duh!" pagbabawi ko sa nadulas kong dila
"Bakit mo ako hinanap, imbes na tumakas ka?" tanong niya at sa tono ng pananalita niya ay parang alam niya na kung anong sagot sa tanong niya.
"K-kasi bobo nga ako diba?" mataray kong sagot
"Nung pinalabas kita para itapon yung niluto mo, bakit hindi ka tumakbo paalis?"
"Kasi gabi na yun! Takot ako diyan sa labas... Teka nga! Kung iniisip mong gusto kita--"
"Ay tama ako"
"Oo! Ay hindi!" mabilis kong pagbawi dahil sa kabobohan kong sagot.
Tipid siyang ngumiti, yung ngiti na pati mata niya ay nakisama din.
"Tsk. Tsk. Tsk. Pero malay natin, may namana ka rin pala sa Ate mo" usal niya at nag kibit balikat siya saka tumayo.
Naglakad siya paalis at ng makatalikod siya ay inambaan ko siya ng suntok.
Assuming amporkchop!'

BINABASA MO ANG
I'm With Stranger
FanfictionYes, may gusto ako sa killer ko. Tama siya. Huwag na kayong magtaka dahil isa akong istupida. --- COMPLETED Writteb by: Glossysaa Date started: April 6, 2020 Date ended: April 17, 2020