Chapter 4

1.7K 49 4
                                    

*Pag!!*

"Aah!!" sigaw ko habang nakapikit pa dahil sa gulat. Taranta kong kinuha ang kumot ko at tinaklob ito sa buong katawan ko. Tinakpan ko ang dalawang tenga ko at binuksan ang mga mata. Naalimpungatan ako.

*Inhales* "Hay" buntong hininga ko habang nakahawak sa dibdib "Ah!!" sigaw ko ulit ng biglang may humila sa kumot ko. "Lumayo ka sakin-- aww!!" Sigaw ko ng mauntog ako sa headboard.

Nahilo ako dun ah'

Hawak hawak ko ang ulo ko at tinignan siya ng masama, kinuha ko ang isang unan at hinampas sakanya, as usual sa bilis niyang gumalaw ay naiwasan niya yun. Inis kong binitawan ang unan at humawak nalang ako sa ulo kong nauntog.

"Bumangon ka na diyan, kakain na tayo" mahinahon niyang sabi saka siya tumalikod

"Kumain ka mag isa mo!" galit kong sigaw at nahinto siyang maglakad saka humarap saakin. Nanlaki ang mga mata ko ng dahan dahan itong lumapit saakin "Ano na namang gagawin mo!?"

Kung may sakit lang ako sa puso, paniguradong naatake na ako ngayon.

"Nandito ka sa pamamahay ko, kaya susundin mo ako"

"Kuyang whatever" yun nalang iapapngalan ko sakanya "Pwede ba kung mang gigising ka, 'wag ganun nambibigla ka alam mo ba yun?" pakiusap ko habang nag pipigil ng galit

"Miss Flat iron"

"Halla" napahawak ako sa dibdib ko, may dibdib naman ako kahit papaano ah!.

"Kung hindi ka pa babangon diyan mapipilitan akong i-lock itong kwarto mo ng isang linggo para mamatay ka na sa gutom--"

Hindi pa man tapos ang sinasabi niya ay mabilis na ako umalis sa kama at lumabas ng kwarto. Iniwan ko na siya sa loob, gutom na ako!.

Pagkarating ko sa Kusina ay sumama na naman ang mood ko dahil wala namang nakahandang pagkain sa lamesa. Nakita ko siyang dinaanan ako saka siya umupo at tumingin saakin.

"Ano 'to?" sarkastiko akong natawa "Anong pagkain diyan? Yung mesa?"

"Magluto ka"

Napanganga ako habang boring ko siyang tinignan. Unti unti akong natawa "Alam mo, dapat yung ate ko nalang kinidnap mo! Magaling yun sa lahat! Magaling magluto, maganda, matalino at mabait pa! Ako? Wala akong kwentang tao--"

"B*tch do you think I care about your dramas?, I said cook" maotoridad niyang sabi kaya natahimik na naman ako.

Napangisi ako "Well sorry b*tch, but I don't know how to cook"

"Then I will kill you right now" seryosong sabi niya saka ito tumayo

No no no I'm not ready for this!'

"But I'll try" pilit na ngiti kong sabi ng maharangan ko siya kaya huminto ito sa paglalakad "I will cook for you, M-master whatever.. Calm down" dagdag ko pa

Nung muka naman na siyang kumalma ay nagbuga ako ng hangin at pumunta sa ref. para tignan kung anong pwedeng iprito. Hindi talaga ako marunong mag luto kaya mag pi-prito nalang ako. Sana lang makisama yung palayok kundi baka ako yung iprito niya.

Meron naman akong nakitang Meat kaso nabitawan ko yun baka karne yun ng tao, pero hindi nakita ko sa balat ng karne na chicken yun.

Oww.. So stupid Trixie'

Inumpisahan ko ng mag prito at habang hinihintay na uminit yung mantika ay pasimple ko siyang nilingon. Pilit akong napangiti ng makitang nakatingin lang ito saakin.

I'm With StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon