Lumabas ako ng kwarto at nakalabas naman ako, sa wakas. Naglakad lakad ako papunta sa Kusina at sala pero hindi ko siya makita. May nakita akong hagdan patungo sa second floor pero hindi ko yun pinansin. Iniisip ko kasi na baka may bangkay ng tao sa taas. Baka matrauma ako at pag sisihan ko lang ang pagiging bobo ko.Napansin kong bukas ang pinto kaya tumakbo ako papunta doon.
"Ahh!!!" nakakabinging sigaw ko ng bigla siyang sumulpot sa pinto. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko dahil sa pagkabigla.
Sinamaan niya ako ng tingin at siguro ang OA ko na sa paningin niya. Nakakagulat naman kasi talaga siya!. Isinara niya ang pinto at pumasok sa loob habang ako naman ay naiwang nakatulala lang habang nakatakip parin ng bibig.
"'Wag mo ng balakin na takasan ako" rinig kong sabi niya mula sa likod ko
"Hindi naman ako tatakas eh, hinahanap lang kita" inis kong sabi
"Hinahanap mo ako" narinig kong sarkastiko siyang natawa "Ang bobo mo, manang mana sa tatay "
Umakyat sa ulo ko yung galit at nilingon siya. Nakatayo siya sa di kalayuan habang nakapamulsa sa Jacket niya "Hoy! Ako lang yung bobo 'wag mong idamay si Dad!" sigaw ko
"Bakit? Bobo naman talaga yung tatay mo! Actually si Dad yung nanalong Governor kaso yung bobo mong tatay hindi matanggap na talo siya kaya niya dinaya yung Election--"
"Ang sabihin mo Kayo ang hindi makatanggap ng pagkatalo kaya ka nag lalabas ng issue!"
"Bobo ang tatay mo, kawawang Aso at kahit ano pang sabihin mo Bobo ang tatay mo" ngumisi siya na parang nang aasar na nang iinsulto
"Oh edi sige! Bobo na kung bobo!-"
"Gaya mo--"
"Oo na!!" sigaw ko na parang batang napikon sa asaran. Naglakad nalang ako papuntang kusina at ng makapantay ko siya "Kayo na matalino! Bobo na kami! Bobo na!" pahabol kong sigaw sa muka niya at itinuloy ko na ang pag punta sa kusina.
Nang may makita akong mansanas, hinugasan ko yun saka ako kumagat habang nakasibangot. Nahinto ako sa pag nguya ng makitang paparating na naman siya. Sinamaan ko siya ng tingin at padabog na kumagat sa mansanas.
"Yan kumain ka ng mansanas baka sakaling tumalino ka"
"Hindi ka ba talaga titigil!?" inis kong sigaw
Ngumisi ito at tinaas ang isang kilay. Nakaka bwiset!. Gustong gusto ko siyang sakalin!. Bakit naman kasi ang bobo ko? Bakit hindi ko naisip na tumakas kanina, bakit naisip ko pang hanapin siya kaysa isipin na tumakas.
"Sino kayang bobo sa nanay at tatay ko?" mahina kong tanong sa sarili ko at nakagat ko labi ko dahil nag sisi agad ako sa nasabi ko. Dahan dahan kong ibibaling sakanya ang tingin at seryoso lang siyang nakatingin sakin.
"Baka Both" walang gana niyang sabi at nagpunta sa ref.
"Sumosobra ka na" mahina kong sabi at kumain nalang ng mansanas. Hindi rin naman ako mananalo kung makikipag sagutan ako sakanya. Baka saksakin pa ako ng wala sa oras.
Bumalik nalang ako sa kwarto at nagkulong haha! Ambobo matagal na pala akong nakakulong.
Dumiretso ako sa bintana at binuksan ang kurtina. Nang makita ko ang tanawin sa labas ay parang inaakit ako nito. Malayo kami sa lungsod kaya siguro akong sariwa ang hangin dito. Kaso nga lang panigurado ding maraming mababangis na hayop gaya nalang ng kasama ko ngayon sa iisang bobong.

BINABASA MO ANG
I'm With Stranger
FanfictionYes, may gusto ako sa killer ko. Tama siya. Huwag na kayong magtaka dahil isa akong istupida. --- COMPLETED Writteb by: Glossysaa Date started: April 6, 2020 Date ended: April 17, 2020