Chapter 9

1.6K 49 2
                                        

"May bala yan!" pambabanta niya

Napangisi ako "Edi maganda, para tapos na ang problema mo ako na mismo ang papatay sa sarili ko" napahagulgol ako "Wala namang may pakialam kung mawala ako eh, Isa lang naman kasi akong pagkakamali-- ow" sarkastiko akong natawa "Wala ka nga palang pakialam sa mga drama ko, pero sasabihin ko sayo kung bakit gustong gusto ko ng mamatay!" hindi matigil ang pag iyak ko

"Ibaba mo yan--"

"No!, bakit gusto ko ng mamatay? Dahil unti unti ako namamatay! Buong buhay ko lagi akong pinapatay ng mga taong nakapaligid sakin!, walang nagmamahal sakin.. Lahat sila ang tingin sakin isang pagkakamali lang! Wanna know my story?"

"Ibigay mo na sakin yang baril"

"Anak ako sa labas, lumaki akong hindi ko ramdam na may nagmamahal sakin! Akala ko hindi ako marunong magmahal pero mali eh.. Kasi ang totoo laging ako! Laging ako yung nagmamahal kahit hindi naman nasusuklian yung pagmamahal ko! Kasi hindi naman ako kamahal mahal diba?"

"Please.. Akin na yang baril" dahan dahan itong lumapit sakin at humakbang din ako palayo

"Kaya mas mabuti siguro kong mamatay nalang ako 'no?" tumango ako. Nanginginig ang buong katawan ko pati narin ang mga daliri ko "I Quit" huminga ako ng malalim at pumikit.

Kahit kailan talaga napaka stupida ko. Nang makapikit ako ay mabilis niyang nakuha ang baril sa kamay ko. So stupid. I really want to end my life infront of him. He broke my heart, no one loves me so bakit pa ako mag tiya-tiyagang mabuhay sa mundo na walang nag mamahal sakin.

Dahil sa sobrang kaba at nginig ko ay bigla akong nanghina. Wala ako sa sariling bumagsak sa sahig. Naghahabol ako ng hininga. Ngayon ko lang napagtanto lahat ng nasabi at nagawa ko. Napatakip ako ng bibig.

Naramdaman kong tinungkod niya ang kanyang isang tuhod at pumantay sakin. Sa muling pagkakataon ganun na naman ang posisyon namin. Nitong mga nakaraang araw ay nagiging iyakin ako. Hindi ko yun nagagawa sa bahay, ang lakas lang talaga ng loob kong umiyak sa harap ng killer na 'to.

Akma niyang i-aangat ang muka ko pero nilayo ko ang kamay niya at mabilis akong tumayo saka patakbong umalis. Bumaba ako at dumiretso ako sa kwarto ko saka ko ito ni-lock.

Humiga ako sa kama habang umiiyak. Lahat ng sama ng loob ko ay nalabas ko, ang masama pa ay sa isang Kidnapper ko nasabi lahat.

Ayoko na dito.

Napalingon ako ako sa pintuan ng biglang may kumatok. Hinayaan ko itong buksan niya dahil may susi naman siya. Inalis ko doon ang tingin ng bigla niya itong buksan. Nang makapasok siya ay sinara niya ulit ito at dahan dahang nag lakad papalapit saka umupo sa tabi ng kama.

Rinig ko ang pagbuga niya ng hangin "I'm sorry"

"Yan nalang ba yung alam mong sabihin?" tanong ko

"Ano bang gusto mong marinig?"

"Yung totoo, kung bakit 'to nangyayari, kung bakit ngayon buhay parin ako, kung bakit hindi mo ako mapatay patay kasi yun naman yung goal mo kung bat mo ako kinidnap diba?... Gusto kong marinig mula sayo.." humikbi ako "Gustong marinig na hindi mo rin ako kayang patayin" habang sinasabi ko ang huling linya ko ay parang pahina ng pahina ang boses ko.

Yumuko ito at sinapo ang kanyang noo, ilang segundo na ganun ang posisyon niya habang ako naman ay naghihintay ng sagot at umaasa na sana tama ako. Narinig ko ulit ang paghinga niya ng malalim.

"Tama ka"

Nahinto ako sa paghikbi at umayos siya ng upo, nakatingin lang siya sa kawalan.

"Nung pinatay nila si Dad, punong puno ng galit ang puso ko kaya gumawa ako ng paraan para maghiganti. Pinalabas ni Tito sa lahat na patay na ako, sinunog ko yung kotse ko at hinayaang mahulog yun sa bangin. Wala namang nakakakilala sakin, kaya mabilis kong magagawa yung plano ko"

Titig lang ako sakanya habang nag sasalita bakas sa mga mata niya ang lungkot.

"Sinuportahan ako ni Tito na maghigante sa Tatay mo kaya kita kinidnap para patayin" bumuntong hininga ito "Dalawang araw kang walang malay dahil dun sa pinaamoy ko sayo"

Nabigla ako dahil sa narinig ko, hindi ako makapaniwalang dalawang araw akong walang malay nung araw na yun.

"Sa dalawang araw na yun na wala kang malay dapat pinatay na kita kaso hindi ko kaya..., Ang sabi ko kay Tito nadispatcha na kita kaya nung araw na bumisita siya itinago kita"

"'Wag kang magbubukas ng kurtina"

"Dito ka lang, 'wag na 'wag kang mag iingay"

"Trust me"

"Dahil pag nakita ka niyang buhay, sigurado akong mas malala pa ang gagawin niya sayo kumpara sa ginawa nila kay Dad" tumingin ito "Gustong gusto kong pagbayaran ng Tatay mo lahat ng ginawa niya kay Dad, gusto kong maramdaman niya kung anong sakit ang nararamdaman ko ngayon, pero bakit ganun?... Ang unfair ng mundo, hindi sila naawa kay Dad pero bakit naawa ako sayo?" nag crack ang boses niya, inalis niya ang tingin saakin at napahawak siya sa noo.

"Sorry"

"Dapat patayin din kita eh, dapat ilibing din kita ng buhay.. Pero ,'di ko magawa, hindi ko kaya"

Dahan dahan akong napangiti habang tumutulo ang aking luha sa sobrang saya ng puso ko.

"Pakakawalan kita pag nakaalis na si Tito ng bansa--"

'Wag!" pagpipigil ko sakanya at tumingin ito saakin "Ayaw kitang iwan mag isa"

Nagbuga ito ng hangin "Trixie hindi ko kailangan ng kasama--"

"Pero kailangan kita"

"Nagkakamali ka lang diyan--"

"Hindi, alam ko sa sarili ko na gusto kitang kasama, masaya ako pag kasama kita... Wala akong pakialam kung ilang araw o linggo na ako dito, hindi ko alam kung kailan nag umpisa basta ang alam ko lang gusto kita--"

"Masama akong tao!"

"Wala akong pakialam!, wala akong pakialam kung kinidnap mo ako, tinutukan ng baril at pinag isipang patayin ang importante sakin Tayo " ibinaling niya ang tingin saakin "Kung malayo man iyong edad mo saakin, I don't care o kahit ano mang excuses mo! I love you!"

"What?"

"Even if I don't know your personal info's. I don't care kasi hindi naman utak at mata yung nag mamahal eh, Puso "

Parang nabiyak ang puso ko ng makita kong tumulo ang mga luha niya. "Ngayon lang may nagmahal sakin ng ganyan"

"And you deserve it" nakangiti kong sambit

"Iiwan mo din ako"

Napailing ako "Hindi kita iiwan"

"Iiwan din kita"

"Pero alam kong babalik ka.... pag natutunan mo rin akong mahalin" yumuko ako at humikbi "Buong buhay ko naman kasi, ako yung nagmamahal eh, so I'll understand"

Naramdaman ko nalang na may kamay na nag pu-punas sa mga luha ko "Ayokong nakikita kang umiiyak" mahinang sabi niya at hinawakan niya ang baba ko saka niya ito pinaharap sakanya. "Pero lagi kitang napapaiyak"

"Pag iniwan mo ako--" napahinto ako sa pag sasalita ng itapat niyang ang kanyang hintuturo sa labi ko.

"'Wag mo munang isipin yan, ang isipin natin ay ang ngayon"

Dahan dahan niyang inilapit ang muka niya at hinalikan niya ako sa labi. Awtomakong niyakap ko siya sa leeg at naramdaman ko ang kamay niyang nakayakap bewang ko.

Nang lumalalim na ang halikan naming dalawa ay sabay kaming nagbitaw. Nagkatinginan kami habang hinihingal. Dahan dahan kaming nag ngitian.

Ayoko ng matapos ang araw na kasama siya.

I'm With StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon