Chapter 14

1.5K 44 5
                                    

*Tok! Tok! Tok!*

Habang nakahiga ay nakatingin lang ako sa bukas na pintuan patungong balcony. Hindi ko pinansin ang kung sino man ang kumatok dahil alam ko namang mabubuksan nila yun kahit hindi ko pa buksan. Narinig ko ang pag bukas nito.

"Trixie! Ano ba? Dalawang linggo ka ng nakakulong diyan sa kwarto mo!" si Tita Carmen

Dalawang linggo na rin na pasok ka ng pasok dito sa kwarto ko, kailan ka kaya mag sasawa.

Sila lang ni Dad ang naabutan ko dito sa bahay. Wala si Ate dahil pinadala siya sa States simula nung nakidnap ako para sa safety niya. Siya lang naman yung gusto kong makausap dahil siya lang ang makakaintindi sakin.

Nung makauwi ako ay sinabi ko sa mga pulis na hindi ko nakilala kung sino ang kumidnap sakin dahil lagi itong nakasuot ng bonet sa muka, nakatakas lang ako nung nagkaroon na ako ng pagkakataon, yun ang palusot ko na lumusot naman. Nagpanggap din akong natrauma sa mga nangyari at ayaw ng maalala pa ang mga nangyari para wag na silang mag tanong tanong pa.

Wala naman kasi silang ibedensya kung sino ang nangkidnap sakin dahil napakatalino talaga nung taong mahal ko. Sinira niya ang CCTV sa tapat kung saan niya ako kinuha.

I really really miss him'

Napatunayan sa korte na walang kasalanan si Dad sa pagkapatay ng Alcalde. Sa katunayan ay alam ni Dad kung sino ang tunay na may sala at nung araw na nakidnap ako ay isiniwalat niya lahat ang mga nalalaman niya sa Korte.

Nagkamali Siya sa pag kidnap niya saakin pero alam kong may rason kung bakit iyon nangyari. May maganda namang nangyari eh.

"Sis?"

Natigilan ako ng marinig ko ang boses ni ate mabilis akong bumangon at nilingon siya. Nakatakip siya ng bibig habang umiiyak.

"Ate" usal ko

"Sis" mabilis siyang lumapit saakin at nagyakapan kami. Nakita ko naman si Tita Carmen na nakangiti habang nakatingin saamin. "I'm sorry, I'm really really sorry" usal niya habang umiiyak

"Wala kang kasalanan Ate" sagot ko namna at kumalas siya sa pagkakayakap sakin.

"Sinaktan ka ba?" nag aalala niyang tanong

"Hindi Ate"  Sagot ko

"Kailangan ko na munang umalis, Celestine ikaw na munang bahala sa kapatid mo" paalam ni Tita saka isinara ang pinto.

"Mabuti nalang walang nangyari sayong masama"

"Ate"

"What?" tanong niya at bakas sa muka niya ang pag aalala

"May sasabihin ako sayo, pero 'wag mong ipagsasabi sa iba please" paninimula ko

"Yes, promise" mabilis niyang sagot

Huminga ko ng malalim "N-nung nawala ako.. I-I'm with Stranger"

"Yah, and that's the Kidnapper"

"No ate, listen... That.. That Man, maniwala ka man o sa hindi Ate wala siyang ginawang masama sakin... I... I love him"

"What?" nagsalubong ang kilay niya

"Ate.. It's hard to explain but... Inalagaan niya ako, minahal niya ako, masaya kaming nagsama" tumulo ang mga luha ko habang nag papaliwanag "Ate, I want to see him again, help me ate"

"Oh god no way... Trixie what are you talking about?"

"Ate please maniwala ka sakin, wala siyang ginawang masama sakin, Mahal ko siya at mahal niya rin ako that's why ibinalik na akong ligtas at buo dito sa bahay"

I'm With StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon