Chapter 1

2.9K 60 1
                                        

2014

"Natagpuan  ang isang bangkay ng lalaki sa tabi ng isang Eskwelahan, at marami ang nagsasabi na ito daw diumano ang nawawalang Alcalde ng---"

Napakunot noo ako ng biglang patayin ni Dad ang T.V. Kumabog ang dibdib ko ng bigla itong napatingin saakin. Hindi siya umimik at bigla itong umalis.

Isang Governor si Dad kaya naman ay madalas itong wala sa bahay.

Last week ay nabalitaan ko na, na may nawawalang isang Alcalde at ang Alcalde na yun ay nakalaban ni Dad sa Election nung nakaraang taon. Hindi ko lang matandaan ang pangalan niya tanging Apelyedo niya lang wala naman kasi akong pakialam.

Masyado akong tutok sa pag aaral kahit ayaw naman sakin ng pag aaral.

"Sis, let's go" aya sakin ng matalino kong Ate.

Magkapatid kami sa Ama, yung totoo kong nanay ay isang Katulong ngunit namatay na ito ng ipinanganak ako. Kaya alam ko sa sarili ko na isa lang akong Sampid sa pamilya na ito. Kahit hindi nila sabihin ay alam kong ayaw nila sakin. Lalo na si Tita Carmen ang totoong Asawa ni Dad.

"Ate nabalitaan mo ba yung namatay na Alcalde? yung nakalaban ni Dad dati?" bulong ko sakanya habang nasa sasakyan kami

"Hm.. Yup, ang harsh nga eh kasi pati yung Anak niya dinamay din"

"Wait what!?" gulat kong tanong

"Natagpuan nila yung Kotse ng Anak niya na nahulog sa bangin habang nasusunog, like duh imposible namang nagsarili yun I'm sure dinamay siya nung killer ng Dad niya" paliwanag ni Ate

Nagtaasan naman ang mga balahibo ko pero binalewala ko nalang yun.

Mahirap talagang maging parte ng pamilya ng mga Politiko dahil minsan ay napapahamak ka. Maraming Delikado. Dapat maging maingat ka sa lahat ng Kilos mo. Dapat lagi kang mapag masid sa paligid dahil hindi mo alam ay mayroon na palang babaril sayo.

So that, I hate my life.

Kung pwede lang pumili ng pamilya ay ginawa ko na. Handa narin akong mamatay kung sakali, hindi ako takot dun. Hindi na ako magtataka kung magaya ako dun sa anak ng Alcalde, namatay ng walang kalaban laban.

Ngunit isa lang ang hinihiling ko, na sana walang kinalaman si Dad sa nangyari. Ang sama sama ko na sigurong anak dahil naiisip ko yun. Masisisi niyo ba ako? may dahilan ako kaya yun ang naisip ko.

Bumaba kami ni Ate ng Van at pumasok ng Mall. Hindi namin pinaalam kina Tita at Dad na pupunta kami ngayon ng Mall dahil paniguradong hindi rin kami papayagan, so bakit pa kami magpapaalam diba?.

Sigurado rin namang uuwi kami ng buo ni Ate kaya wala silang dapat ipag alala. Well sana nga dahil lagot talaga kami pag nagkataon.

Naisip kasi naming mag shopping ngayon at dahil bakasyon naman ay gusto rin naming mag liwaliw. Lagi nalang kasi kaming nakakulong sa bahay eh, nakakabato narin minsan.

Marami akong pinamili, dahil alam kong matagal na panahon pa para maulit 'to kaya sinulit ko na.

"Ow Sis, I forgot  sorry pala sa sinabi ni Mom kagabi ah, kinumpare ka na naman sakin"

"Naku ate wala yun, wala lang sakin yun" nakangiting sagot ko

"O my gash! I want that shoes, wait a minute" sigaw ni Ate ng may makita siyang sapatos

"Hintayin nalang kita dito ate" sagot ko at tumango naman siya

Habang hinihintay siya ay kinapa ko sa bulsa ko yung Cellphone ko pero hindi ko yun makapa.

Nakalimutan ko ata sa Van?'

Pumasok ako sa loob ng bilihan ng mga Sapatos para magpaalam kay Ate. "Ate, nakalimutan ko yung Phone ko sa Van, babalikan ko lang ah"

"Ok, pero please lang bumalik ka agad"

"Oo naman ate" nakangiting sagot ko saka ko siya tinalikuran mag lalakad na sana ako kaso bigla niyang hinawakan ang braso ko kaya taka ko siyang nilingon "Why?"

"Believe me, Mahal ka ni Mom, mahal ka namin"

Kumunot noo ako at bahagyang natawa "I know" I lied "I need to go Ate" paalam ko ulit saka ako umalis.

Mabait sakin si Ate dahil medyo malapit lang ang edad namin sa isa't isa, 20 siya at 18 naman ako kaya siguro marami kaming napagkakasunduan. Pero kahit na mabuti siya saakin ay hindi ko maiwasang mainggit sakanya.

Mahal siya ng marami habang ako, ni sarili ko nga ay hindi ko kayang mahalin. Yes, lumaki akong kulang sa pagmamahal kaya siguro nagdalaga narin akong hindi alam ang salitang Pagmamahal. Kung buhay lang sana ang totoo kong Nanay ay sakanya ako sasama. Kahit mahirap siya atleast magkasama kami sa hirap at ginhawa, ang importante mahal ko siya at mahal niya rin ako.

Nang makalabas ako ng Mall ay dumiretso ako sa Parking Lot para hanapin ang Van na sinasakyan namin ngunit sa lawak ng parking Lot ay hindi ko ito mahahilap. Nang biglang...

"Hmmmp!" naiusal ko ng biglabng may magtakip ng panyo sa bandang ilong ko.

Mabilis akong nahilo at nawalan ng malay dahil sa Amoy na ito.

At yun ang huli kong naalala.

I'm With StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon