6. Colors

45 17 12
                                    

COLORS

"On the dark road ahead, I can't see a single step ahead. I can't see anything, I can't feel anything . . ."

-----

Hundreds of cars are passing the main road lately. I really don' t know what happen to this kind of phenomenon so suddenly pero iisa lang alam ko. . . Masyadong busy ngayon ang kalsada at walang patutunguhan ang pagtunganga ko dito sa eskinita.

I take out the phone away from my pocket and swipe it down para sana tawagan si Ate Merci.

| One Message Received |

I press the said notification at nakitang nag-text pala sakin si Ate dalawang minuto na ang lumipas.

Merci Arranguez (My Ate)

Heavy traffic ba d' yan Alven? Plano ko sanang ipasundo nalang kita sa driver na' tin dahil sobrang busy ko ngayon sa office :-)

07:45 PM

Napangiti ako sa text ni Ate. Masyadong maalalahanin.

I then reply back.

Alven Arranguez

Don' t! Huwag nalang Ate, magba-bus nalang ako.

07:48 PM

Naghintay ako ng ilang sandali bago maka-receive ulit ng panibagong reply ni Ate.

Merci Arranguez (My Ate)

OK :-)

07:50 PM

Nanlumo ako sa reply niya.

Binalik ko nalang ulit ang smartphone sakin bulsa tapos napalingon nalang sa daan. Napansin kong may babaeng tulalang nakatingin sa kalsada habang mahigpit na hinawakan ang strap ng shoulder bag niya sa may kaliwang braso niya.

Tiningnan ko ang kabubuan niya at napagtantong nag-aaral siya sa Infinity Colleges base sa napansin ko.

"Masyadong maikli ang palda niya . . ." Bulong ko habang inayos ang aking sarili, pansamantalang tumitig sa ilang pasahero sa kabilang eskinita.

Sandaling napatigil ako sa pagmuni-muni nang biglang . . .

"Hoy, Miss! Ba' t bigla-bigla ka nalang tumawid na may dumadaan pang sasakyan!" Bulyaw ko sabay hinatak siya pabalik sa eskinita.

"A-ah, s-sorry . . ." Walang kabuhay-buhay niyang sabi at madalang yumuko pa sakin na parang isa akong koreano.

Nang pumula ang traffic light, agad na kumaripas ng takbo ang babae sa kabilang eskinita ng walang patingin-tingin sa daan. Napakamot nalang ako sakin ulo sabay humikab ng mahina. Kinailangan ko na talagang umuwi para kaagad akong makatulog.

Naghanap ako ng pedicab na pwede kong masakyan at akmang tutungo sana sa kabila nang mahagilap ko ang mukha ng babae. Aksidenteng nahawi ang ilang hibla ng buhok niya kaya nainag ko ng kaunti ang pagmumukha niya.

Biglang tumibok ng malakas ang puso ko . . .

Tuluyang lumakad siya papalayo sa may streetlight kaya hindi ko na tuluyang lapitin ang babae at tanging mga kataga nalang ang nabanggit ko.

"Sana magkita ulit tayo . . ."

- The End -

"I try holding out my hand to catch you but you get farther away. Hold out your hand, color me like that red sunset so I won't lose myself . . ."

- (Colors, DAY6)

The Book of UsWhere stories live. Discover now